20-FLASHBACK

5.9K 375 353
                                        

Sometimes the person you'd take a bullet for is standing behind the trigger. - Unknown

====================

June's POV

            Napakunot ang noo ko nang makita kong bukas ang ilaw sa bahay ko. Agad kong kinuha ang baril na nakasuksok sa likuran ko at ikinasa iyon.

            Ilang buwan na akong mag-isa lang dito magmula nang umalis ang kuya ko ng walang pasabi at hindi ko alam kung saan nagpunta. Naging alerto ako dahil baka may mga kalaban na nakaalam kung saan ako nakatira.

            Dahan-dahan akong umikot sa likuran at doon pumasok. May naririnig akong nagsasalita at napailing ako nang makilala ko ang boses na iyon. Tinanggal ko sa pagkakakasa ang baril ko at ibinalik sa likuran ko. Lumakad ako at 

            Naabutan ko si Kuya Jay na may mga litrato at papel na nakahilera sa harap niya. Naroon din ang mga baril na nililinis niya. May tablet din siyang kaharap. Parang mayroon siyang ka-video chat.

            "Akala ko ba kay Calos lang may atraso ang babaeng ito? Bakit ngayon snatch and grab na ang gagawin sa kanya?" Tanong ni Kuya Jay habang panay ang linis niya sa baril niya.

            Sinilip ko ang kausap niya sa video chat. It was Will. Kasamahan niya sa agency. Napahinga ako ng malalim at napailing. I don't like my brother's group. Kahit iisa ang agency namin, alam kong hindi mapapagkatiwalaan ang grupo ng mga ito.

            "This is another pay, Jay. Apparently, this woman has lots of enemies. Saka hindi mo ugaling magtanong. Basta may perang involve, go ka agad."

            "But we are betraying the agency, Will. This is against their orders. I mean, 'yung trumabaho tayo ng labas sa agency ay grounds for termination na, pero ito pa. Gago si Rey. Bakit niya kinuha ang list ng mga agents sa agency?" Alam kong naiinis si Kuya.

            "Ngayon ka pa ba aatras? Matagal mo ng alam ang plano ni Rey tungkol dito. Jay, ang dami na nating trinabaho na labas sa agency, ano ngayon ang inaarte mo? Bigla kang nagkaroon ng konsensiya? Matagal na tayong nagtaksil sa agency."

            Nakita kong tinapunan ako ng tingin ni Kuya at nagkunwari akong abala na may kausap sa telepono.

            "May kapatid na ako sa agency. Kailangan ko ding pangalagaan ang pangalan niya." Mahinang sagot ng kapatid.

            Tumawa si Will. "Ulol. Kailan ka pa nag-isip ng ganyan? Laging pera ang sa iyo. Sa liit ng kita natin sa agency kung hindi tayo ta-trabaho ng pailalim, mamamatay tayo ng dilat. This Kassandra Oligario took the files from Rey's laptop. We need to get it. Bukas natin aayusin 'to."

            Napahinga lang ng malalim si Kuya Jay at inis na itinaob ang tablet niya at painis ang paraan niya ng paglilinis ng baril niya. Doon ako lumapit at naupo sa harap niya.

            "How was your day?" Halatang pilit na pilit ang ngiti sa akin ni kuya.

            "Okay. I killed a serial killer. The Park Strangler," kumindat pa ako sa kanya.

            Natawa siya. "That's my sister. I trained you well. What did you do?"

            "Slashed his neck." Napahinga ako ng malalim at ngumiti ng alanganin. "The chief talked to me."

            Tumaas ang kilay sa akin ni Kuya Jay kaya lalo akong nag-alangan na sabihin sa kanya ang nalaman ko.

            "Bakit? Ano na naman ang trip ni Coleman?" Lalong dumiin ang paglilinis niya sa baril na hawak.

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon