"Our greatest joy and our greatest pain come in our relationship with others." - Stephen R. Covey.
--------------------------------------------
June's POV
Ramdam ko na nag-iba ang mood ni Wade matapos niyang makipag-usap sa kung kanino. Hindi na siya kumikibo habang tinatapos ang pagkain. Hindi na pala siya kumain talaga. Hindi na nabawasan ang pagkain na nakalagay sa plato niya. Pati na si Nico, hindi na rin nagsalita.
"Tapusin mo na ang pagkain mo tapos magpahinga ka na. Ako na ang bahala dito." Seryosong sabi ni Wade habang inililigpit niya ang pinagkainan namin. "Isusunod ko na sa iyo ang mga gamot na iinumin mo." Bitbit ang mga plato ay inilagay niya iyon sa lababo.
Kumunot ang noo ko. Pababayaan niya akong pumunta sa kuwarto mag-isa? Hindi talaga niya ako aalalayan man lang?
"Dude, ako na dito. Alalayan mo siya. Huwag kang obvious," mahina pero narinig ko pa rin na bulong ni Nico kay Wade.
Obvious? Ang obvious lang naman sa ginagawa ni Wade ay ang pagiging malamig niya sa akin at parang walang pakialam.
Tinapunan niya ako ng tingin tapos ay naghugas ng kamay at tinuyo ng paper towel tapos ay walang imik na lumapit. Walang salita, hinawakan niya ako sa braso at inalalayan na makatayo.
"Kung napipilitan ka lang naman, huwag na lang. Kakayanin ko na ang sarili ko," tinabig ko ang kamay niya at pinilit kong makatayo sa kinauupuan ko. Sinubukan niya akong hawakan pero lumayo lang ako sa kanya. "Kaya ko. Huwag mo na akong intindihin." Pinilit kong humakbang papunta sa kuwarto ko. Masakit ang mga sugat ko sa katawan pero mas masakit ang nararamdaman ng dibdib ko. Nasasaktan ako sa malamig na pakikitungo sa akin ni Wade.
Naramdaman kong pumulupot ang braso niya sa beywang ko ang inalalayan akong makalakad.
Hindi na ako nagprotesta. Kahit na ganito ang pakikitungo sa akin ni Wade, kampante naman ako sa tuwing tatabihan niya ako at pagsisilbihan. Siguro nga, mayroon lang talagang nangyari kaya siya ganito sa akin. May nagawa akong talagang ikinagalit niya.
Inalalayan niya akong makahiga sa kama. Inayos pa niya ang mga unan na naroon. Pati ang kumot ay inayos sa katawan ko. Pero katulad pa din ng dati, seryoso pa din siya at walang kibo.
"Kunin ko lang ang gamot mo," sabi niya at tumalikod na.
"Wade."
Lumingon siya sa akin at nagtatanong ang tingin.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung tama itong sasabihin ko sa kanya pero bahala na.
"Siguro napakalaki ng kasalanan na nagawa ko sa iyo para ganyan ang trato mo sa akin. Paulit-ulit man ako pero hihingi pa rin ng tawad. Pero puwede ba, sabihin mo sa akin kung anong nagawa ko para magalit ka ng ganyan? Isa lang naman ang dahilan para magalit ng sobra ang isang asawa."
Kumunot ang noo niya. "What are you talking about?"
"Wade, sabihin mo nga sa akin kung nagkaroon ako ng affair kaya ka ganyan sa akin? May naging lalaki ba ako? Niloko ba kita?" Nangingilid na ang luha ko habang nakatingin sa kanya.
Napakamot ito ng ulo at bumalik sa kama ko tapos ay umiling.
"Wala kang lalaki ano ka ba? Wala kang ginawa. Wala kang kasalanan."
"Pero bakit kasi ganyan ka sa akin? Sobrang napu-frustrate na kasi ako sa nangyayari sa akin. Parang ang unfair kasi ikaw alam mo kung sino ako, kung ano ang pagkatao pero ako, wala akong alam na kahit ano." Napasubsob ako sa mga palad ko tapos ay naisuklay ang kamay sa buhok. "Ang hirap. Lahat blangko. Nangangapa ako sa dilim. Ikaw ang inaasahan kong tutulong sa akin para maalala ko ang lahat pero pakiramdam ko, ikaw pa ang lumalayo."
BINABASA MO ANG
COLLIDE (Complete)
Lãng mạnOur relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman that I loved before. Selma doesn't remember about her past, who I was and what was her connection to m...