Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage. - Unknown
------------------------------------
Declan's POV
First twenty-four hours for Dustin was crucial.
He lost a lot of blood. His wounds were severe. He got a broken nose, broken cheek, he lost several teeth. Napakaraming sugat sa katawan. But the worst was his gunshot wound to the chest. Although it didn't hit a vital organ, it hit an artery that cause too much bleeding. Mabuti na nga lang daw at nadala doon agad at nagamot ni Mervin. He was under medically induced coma to treat the swelling of his brain. Sa sobrang suntok sa ulo at mukha niya, may namuong dugo sa utak niya. Under observation pa rin dahil anumang oras ay puwedeng may mangyari sa kanya.
Hindi ako umaalis sa tabi ni Stacey. She was out of danger. Nagamot na ang sugat niya. Thank God the wound was just superficial. It was her pregnancy condition that made her worse yesterday.
Kanina pa ako nakaupo lang sa tabi ng kama ni Stacey. Hawak ko lang ang kamay niya habang tinitingnan siyang walang malay. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung nawala siya. Sa tuwing maiisip ko na sumablay ng tama si Martin, gusto ko talagang dikdikin ang bawat parte ng katawan ng lalaking iyon.
Bahagyang gumalaw si Stacey kaya napa-angat ako sa kinauupuan ko. Halatang iritable siya sa kung anong mga nakakabit sa kanya at pilit na tinatanggal ang nasal canula na nakalagay sa ilong niya para sa oxygen.
"Hey. It's okay," sabi ko sa kanya at pilit na kinakalma siya.
Pero pilit lang na nagpupumiglas si Stacey. Parang disoriented pa. Nag-uumpisang umiyak. Natanggal na niya ng tuluyan ang nasal canula niya.
"You killed him." Umiiyak na sabi niya habang nakatingin sa akin. Nakatingin siya pero halatang lampasan iyon. Parang ibang tao ang nakikita niya.
"Stacey, it's me." Pakilala ko at hinahawakan ang kamay niya para mapigilan ang pagwawalan niya.
"You killed him!" Sigaw niya at akmang dadaluhungin ako pero mabilis ko siyang napigilan at pinigilan sa kama.
"Hey, it's me." Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. "Baby, look at me. It's me." Pilit ko siyang pinapakalma.
Umiiyak na tumitig sa akin si Stacey. Maya-maya ay unti-unting lumambot ang mukha at umiiyak na yumakap sa akin.
"Dustin is dead," humagulgol siya habang nakayakap sa akin. "My best friend is dead."
Napahinga lang ako ng malalim. Pinabayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak. Inalalayan ko siyang makaupo sa kama habang patuloy siya sa pag-iyak.
"Calm down." Hinahapolos ako ang mukha niya. Pinapahid ko ang mga luha.
"Wala akong nagawa. Hindi ko man lang siya natulungan. Paano na ang mga anak niya? He has kids. Two girls aged six and three. Paano na ang mga iyon?" Muli ay napahagulgol si Stacey.
Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon. "Can you stand?"
Tumingin siya sa akin at umiling. "I am still dizzy."
"Come on. I'll help you. I will show you something." Pilit ko siyang inalalayan na makatayo mula sa kama. Alalay ko siya ng maigi at sinisiguro ko na hindi siya masasaktan. Ilang hakbang lang naman ang layo ng kama ni Dustin sa kanya. Natatabingan lang iyon ng hospital curtain.
BINABASA MO ANG
COLLIDE (Complete)
RomanceOur relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman that I loved before. Selma doesn't remember about her past, who I was and what was her connection to m...