16-BLISS

6.5K 337 245
                                    




June's POV

Hindi ako nakatulog ng matino.

Ganito pala ang feeling na katabing matulog si Wade. Ang sarap. Nakakakilig. All throughout the night, his arms were wrapped around my body. Feeling ko parang ayaw na niya akong pakawalan. He was talking in his sleep. Murmuring. Napangiti pa ako nang bahagya siyang naghilik. Ang cute.

Tumagilid ako ng higa at tinitigan ang mukha niya. Unfamiliar face but what I was feeling for him was so strong. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Napakaraming bagay ang nangyayari sa aming dalawa na mahirap ipaliwanag. We were married for three months and yet ngayon lang niya nagawang galawin ako? What happened the past months?

Sigurado ako na may nangyari. Mag-asawa kami. Imposibleng hindi naming ginawa ang mag-honeymoon pagkakasal namin. Kunot na kunot na ang noo ko. Sumasakit na naman. Damn. Where are those memories? Damn this head.

But when I looked at Wade's face again, everything became clear. Basta kasama ko siya, katabi ko at nagmamahalan kaming dalawa, wala na akong pakialam sa amnesia na ito. Handa kong tanggapin kung ano man ang nangyari sa amin bago ako maaksidente.

Bahagya akong lumayo sa kanya at unti-unting ibinaba ang kumot na nakatabing sa katawan niya. Walang suot na kahit na ano si Wade bukod sa boxer shorts. Pagkakataon ko ng matitigan ang katawan niya. Hindi ko pa kasi nakikita ng hubad ang asawa ko matapos ang aksidente. Ngayon pa lang talaga.

Napalunok ako nang maibaba ko ang kumot na tumatabing sa katawan niya. Ang lapad ng dibdib ni Wade. Walang masyadong buhok. Nag-aalanganin ako kung hahaplusin ko ba. Para kasing nag-aanya iyon. Bumaba ang tingin ko sa abs niya at mas maganda ang view doon. Fit ang katawan ni Wade. Napakunot ang noo ko at wala sa loob na nahawakan ko ang peklat na nakita ko sa bandang tiyan niya. Ang laki. Saan kaya niya nakuha iyon?

"It still hurts," ungol niya kaya dali-dali kong inalis ang kamay ko at umayos ng higa. Naramdaman kong lumayo sa akin si Wade pero nanatiling nakapikit. Nanaginip ba 'to o gising naman?

"Ang laki kasi. Saan mo nakuha 'yun?"

Hindi siya agad sumagot nanatiling nakapikit. Maya-maya ay nagmulat ng mata at tumingin sa akin.

"By saving someone I truly cared about." Ngumiti siya ng mapakla.

"Truly cared about? Kilala ko ba 'yan?" And he cares for someone? Who could that be? Sino-sino kaya ang mga tao sa buhay ni Wade? Iisa pa lang ang nakilala kong kaibigan niya at si Nico iyon.

Natawa na si Wade at muling ipinulupot ang kamay sa katawan ko at isinubsob ang mukha sa leeg ko.

"You don't need to know. It's part of my past." Naramdaman kong marahang hinalik-halikan ni Wade ang leeg ko pababa sa balikat ko.

"Your past? Alam ko ba ang tungkol sa past mo? Mag-asawa naman tayo 'di ba? Siguro Karapatan kong malaman kung sino-sino o ano ang nangyari sa past mo." Tinitigan ko ang mukha niya at nahalata kong bigla siyang naging hindi kumportable.

Tumingin siya sa akin. "What happened in my past is not important. Same as yours. We don't need to talk about it. We don't need to dig it." Napahinga ng malalim si Wade. "The relationship that we have right now is a complex one but trust me, what I am doing is for the best of us."

"Like what? Like not telling me what really happened to me? Like being distant to me?" Napangiti ako ng mapakla. "Ang daming tanong sa isip ko. Ang daming gumugulo. But you are my husband and I love you. Kaya kahit anong sabihin mo, iyon ang papaniwalaan ko."

COLLIDE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon