Kabanata 15
Film
8th term na namin marami nanamang requirements. Inayos ko ang mga papel na kailangan ko for the writing activity. Isinilid ko ito sa maayos na lalagyan at nilingon na si Janine. As usual, busy nanaman siya sa pagpapaganda.
"Maawa ka naman sa lipstick mo, Ja. Balak mo na bang kainin 'yan?"
Ang kapal-kapal ng lagay niya at halos lumagpas na sa lip line niya. Nakapalumbaba siya sa desk niya. Hindi pa kami lumalabas dito sa room, katatapos lang kasi ng isang klase namin.
"I have tons of lippies, Ash. Don't worry." Aniya't tinanggal ang lipstick niya gamit ang wipes na makeup remover.
"Galit na galit ka ba sa lipstick, Ja?" Naglagay na siya ng manipis at saktong layer. Tumayo na siya at lumabas na kami sa room. Lumabas kami sa building at nakasalubong namin sina Leana. Lumapit sila nina Jack at kumaway.
"Huy! Mamaya ah! Sa studio!" Sabi ni Leana sa akin. May dance practice ulit kami para sa isang event dito sa school. Umalis na sila at kami naman ni Janine ay dumiretso sa food square. Naglagay ako ng pabango at magsuklay ng buhok.
"Hindi kita masasamahan sa practice mo, Ash. May lakad kami nina kuya mamaya."
Nilingon ko si Janine. "Pano 'yan? May ifi-film kami na video mamaya?"
Napakamot siya sa ulo niya at napangiwi.
"Oo nga pala! Nako. Sorry talaga, Ash." Ngumuso siya at bagsak ang balikat. Tinapik ko na lang siya at nginitian.
"May next time pa naman."
Pumasok kami sa food square at hinanap sina Elijah. Naroon sila sa gitna, kasama ang mga pinsan niyang sina Tak, Rian, at Madi. Lumapit kami sa kanila. Nginitian nila kami at pinaupo sa tabi nila.
"Let's eat na! I ordered Tapa for us." Sabi ni Madi at inilapit sa amin ang pagkain. Kumuha naman ang magpipinsan ng mga plato at nagsandok na.
Tinignan ko naman si Janine sa tabi ko at si Rian na nasa harapan lang namin.
"Hindi ka ba kinikilig?" Pasimpleng bulong ko sa kanya.
"Kinikilig." Pabulong niyang sagot.
"Eh?"
Kinalabit ako si Elijah na nasa kaliwa ko. Sinandukan na niya pala ako ng pagkain. Tumango lang ako at ngumiti.
"Sige, kain ka na rin."
Nilingon ko ulit si Janine. Hindi ko maintindihan ang mukha.
"Gusto ko siyang yakapin, sis!"
Napailing ako sa sinabi niya at siniko siya. "Kain na, Ja. Para may landi powers ka na ulit." Tawa ko.
Nagsimula na rin kaming kumain. Kinalabit ako ni Elijah at lumingon ako agad. May kutsarang nag-aantay na may pagkain ang nakita ko. Tumaas ang kilay niya.
"Subo, babe."
Ngumiti naman ako at isinubo ang pagkain sa kutsara. Umubo sina Tak at Madi, habang natatawa lang si Rian.
"Pasintabi sa kumakain! Ehem!" Umubo-ubo si Madi at uminom ng tubig. Nagsi-ubuhan din ang dalawa. Si Jaja, nakay Rian lang ang atensyon.
"Inggit ka lang. Mag-boyfriend ka na kasi!" Singhal ni Eli na mas lalong ikinatawa nina Tak at Rian.
"Tss, 'wag na! I'd rather stay being single than stressing myself out just because of a guy." Cool na sabi ni Madi. Kaya naman pala wala akong nakikitang someone special. Mas focused siya sa studies at team niya.
BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...