Kabanata 13

681 17 36
                                    

Kabanata 13

Bedroom


Maaga akong nagising at nag-ayos ng sarili. Nagsuot ako ng gray fitted plaid pants na bitin, tucked in plain black fitted shirt at white sneakers. Welcome week ngayon sa mga freshman kaya may mga activities sa school. Isinilid ko sa itim na mini backpack ko ang isang notebook at pencil case ko. Bago ako umalis ay inayos ko ang bangs ko at naglagay ng pabango na bigay ni Elijah. May mini roller bottle pa na kasama yun kaya dala ko ito palagi.


Pagdating ko sa school ay may banner doon na welcome students at nagkalat din ang mga welcome committees. May mga nagtitilian banda sa entrance kaya naman napatingin ako. Napasimangot na lang ko nang makitang bumaba lang pala sa kotse si Tak. Kumaway pa ang loko.


Humangin nang malakas at naalala kong ilang araw na lang ay Ber months na. Nakita ko ang iilan sa mga ka-block ko no'ng freshman pa lang ako. Tahimik akong naghintay para kay Elijah. Nakita ko na sina Madi mula sa entrance kaya naman malamang ay nandito na siya.


Napataas ang kilay ko nang makita ang suot niya. He's wearing a white tee, jeans and sneakers. Those sleeves are hugging his muscles. Napapikit na lang ako.


"Ashley!" Tawag niya mula sa malayo at kumaway sa akin. Tumakbo siya papalapit at agad akong niyakap. Jusme nasa loob kami ng school premises!


"Good morning, 'Wak." Kindat niya. Napairap naman ako. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.


"Ganda mo, 'Wak!" Ngiti niya at inakbayan na ako. Eto nanaman siya.


"Nag-almusal ka na?" Tanong ko dahil nagugutom na ako. Umiling lang siya na ikinangiti ko. "Tara, mag-breakfast muna tayo."


Pumunta kami sa food square at bumili ng Tapsilog doon. Magkaharap kami ngayong kumakain. Ngumiti siya at tinitigan ako.


"Bakit ang ganda mo?" Sumandal siya sa upuan niya. Ngumuso ako at tipid na ngumiti. Tumaas ang kilay ko.


"Bakit? Inggit ka?" Nasamid siya at napainom ng tubig. "Kung kaya ko lang magdonate sayo, nagawa ko na."


"Ashley!"


"What?"


"Ang ganda mo."


"Ikaw din."


Inirapan niya ako. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Naiiling akong bumalik sa pag-kain. Nang matapos kami ay naghiwalay na muna kami. Wala pa namang klase ngayon kaya maraming naglilibot na freshman dito sa grounds.


"OMG, girl! I'm so proud of you! You're not manang anymore!"


Natutuwa ako sa reaksyon ni Janine. Narito kami ngayon sa hallway ng building namin at papunta ngayon sa food square  para bumili ng snack. Mahaba kasi ang pila sa cafeteria kaya dito na lang muna.

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon