Kabanata 18

604 15 44
                                    

Kabanata 18

Pill

"I need your hug."

Agad na tumaas ang kilay ko at humarap sa kanya. Nakatulala lang si Janine sa mga papel na nasa lamesa. It's our 9th term at marami nang ipinapagawa. Narito kami sa library ngayon at tinatapos ang mga kailangang ipasa.

"Bakit? Anong problema?" Inilapag ko sa table ang stapler at inipit sa likod ng tainga niya ang takas na hibla ng buhok niya. "Tungkol sa'n ba 'yan?"

Kinakabahan ako kapag ganito si Jaja. Lagi naman kasi siyang nakangiti, nakatawa at laging nang-aasar. Umayos ako nang upo at umub-ob sa habang nakalingon sa kanya mesa para makita ang mukha niya. Kagat niya ang ibabang labi  niya at malungkot ang mga mata.

Shit. Umiiyak ba siya? "Hala, Ja! Bakit? Huy!" Inalog-alog ko ang balikat niya.

Bigla na lang siyang yumakap sa akin at humikbi na. She buried her face on my shoulder and continued crying. Kinuha ko naman ang panyo ko sa bulsa ko. I pulled her away from me at pinunasan ang luha niya.

"Shhh. Anong nangyari ba? Niloko ka?"

Nagsalubong ang kilay niya at masama akong tinignan. "Ashley naman e."

"E ano nga? Ano? Manghuhula ako?" Tumaas ang kilay ko at tumawa. I'm just trying to make her laugh. Pero mission failed, mas umiyak siya. Napakamot naman ako sa ulo. "Joke lang naman."

Niyakap ko na lang ulit siya at kinomfort. Tinulungan ko siya sa mga papel niya dahil mas nauna akong natapos. Bumalik kami sa building at ipinasa na ang papers. Wala na kaming klase ngayon at naglalakad na palabas doon. Mamaya pa ang tapos nina Elijah kaya naman hindi kami sabay uuwi ngayon. Pumunta kami ni Janine sa isang coffee shop sa labas ng school.

"May problema ba sa'kin, Ash?" Tanong ni Jaja at inilapag ang cup sa coffee table na nasa pagitan namin.

"Walang problema sa'yo, Ja. Sa kanila lang." Sumipsip ako sa straw ng Iced Americano ko. "Nagmahal ka lang naman tapos sinayang ka nila. Hayaan mo na, Ja, marami pa namang lalake diyan."

Ngumiti ako sa kanya. Tumango-tango lang siya. One week na silang lumalabas nung nanliligaw sa kanya. Kahapon, nagmall siya at nakita ang lalakeng 'yon na may kayakapan sa mall. Nilapitan niya naman at ipinahiya pa siya sa harapan ng marami.

"Ayaw mo ba kay Tak? Mabait naman e, muhkang seryoso. Tsaka lagi naman nating nakakasama." I said that made her eyes roll.

"Otnis naman minsan 'yon e." Nakanguso niyang sabi at sumandal sa upuan niya.

"Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng nagpapapansin lang sayo?" Naiimagine ko tuloy sila na magkahawak ang kamay.

"Ewan ko sayo, Ashley! Patawa ka."

I texted Elijah to come over here and bring Tak. Isang oras ang lumipas at dumating na sila. Si Janine ay bigla na lang namula sa gilid. Pigil na pigil ko ang tawa ko. Sa tabi pa naman niya tumabi si Tak.

"Tak. Single ka ba ngayon?" Seryosong tanong ko.

"Putangina, Ashley?" Malakas na sabi ni Eli sa tabi ko at hinigit ang balikat ko. "Babe, what the fuck?"

Umirap naman ako. "Calm down, babe." Ibinalik ko kay Tak ang tingin at mukha naguguluhan siya ngayon dahil sa tanong ko.

"Calm down amputa--"

"So ano, Tak? Are you single?" I repeated. Napakamot siya sa ulo niya't saglit na tumawa. Yumakap sa akin si Eli.

"Oo, b-bakit?" Tinignan ko si Janine at malapad siyang tinignan. 

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon