Kabanata 22

570 13 60
                                    

Kabanata 22

No More Lies

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Sumandal ako sa comfy na upuan dito sa isang cafe. Dumating ang waitress at inilapag ang order sa coffee table na nasa harapan namin. Amoy na amoy ang mabangong aroma ng kape sa buong lugar.

"Hindi ka talaga maawat, e, 'no?" Nakataas na kilay na sabi ni Janine sa akin habang hinahalo ang shake niya. Sinabi ko kasi sa kanya ang pag-invite ni Tak sa akin kahapon. Hindi ko na nasabi sa kanya dahil busy siya sa club niya.

"Hindi ako yung best friend mo kung hindi ako mapilit, Ja." Nguso ko. "Magtaka ka kung one day, mawalan na lang ako ng pake sa lahat."

Umirap lang siya at inilapag ulit ang baso sa table. Kumuha lang ako ng maliit na piece sa isang slice ng Blueberry Cheesecake na inorder ko at isinubo yun.

"Namamaga nanaman ang mga mata mo." Napaangat ako ng tingin sa kanya na nakatanaw lang sa labas nitong cafe. Kalsada na ang nando'n.

"Tsaka, hindi ka ba naiinitan sa suot mo? Lagi kang nakalong-sleeves." Dagdag pa niya. Hinila ko naman ang sleeves ko hanggang sa matakpan ang kalahati ng mga kamay ko.

Ngumiti ako. "Hindi. Ang comfy nga e."

"Tss. Ang init kaya! Summer na, hoy."

Nag-usap lang kami tungkol sa kalandian niya at mga Kdramas na pinapanood niya ngayon. Kilig na kilig ang gaga dahil sa oppa niyang si Lee Min-ho. Natatawa na lang ako sa kabaliwan niya. Pagkauwi ko sa apartment ay nilock ko nang maigi ang pinto at agad kong hinubad ang long-sleeves ko. Tumutulo ang pawis sa katawan ko na agad kong pinunasan ng damit na ginamit ko.

The cut scars on my arms are now exposed. Some if it are still fresh. I sat on the bed and hugged both of my legs as my eyes started to shed tears. I sniffed and sobbed many times. There are times that I don't want to go to school and just sleep.

Pinahid ko ang basang pisngi ko at pinilit na ngumiti.

"Ayos ka lang, Ash. Tahan na, smile na. Please..." Lumandas mula ang mga luha sa mata ko. Sobrang bigat sa dibdib. I sighed. Kailan ba 'to matatapos? I just want to rest and at the same time tire myself to work. I have no appetite and I feel so hopeless, like I just want to disappear and never come back.

"Tahan na, please. Okay ka lang.." I keep telling myself. My smiles doesn't last long.

Hindi ko hinahayaang bumaba ang grades ko. May iilang quizzes akong bumaba pero sinusubukan ko talagang bumawi. Sometimes, I overslept and overeat. I have many  sleepless nights, Insomia, so I tried to keep myself busy. Kasi kung hindi, I'll end up crying and blaming myself for everything, self-pity. Dumadagdag pa ang rumors at pamba-bash sa'kin sa school.

All I want is to go back to the time when I'm still living this life to the fullest. I lost the spark.

*

"I won't take any of your papers until 3, okay? Final na."

Nag-dismiss na ang prof naming babae at lumabas na sa room. Kahapon ko pa naipasa ang paper ko sa kanya kaya wala na akong aalalahanin pa.

"So sa bahay ka didiretso mamaya?" Umupo si Jaja sa upuan at inilapag ang mga gamit sa table. Narito kami sa cafeteria at kakain ng lunch.

"Oo."

Manghihiram ako ng damit sa kanya para sa party mamayang gabi. Hindi siya sasama dahil magsi-sleepover ang mga pinsan niya doon sa kanila at bawal siyang umalis.

"Hoy, babaita." Tawag niya habang kumakain ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit?"

"'Wag ka na kayang pumunta? I have a bad feeling e."

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon