Kabanata 21

577 15 70
                                    

Kabanata 21

Still

"Ash, ayos ka lang ba?"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. He's here. Fuck. Nilingon ko si Leana at tumango. Uminom ako ng tubig at sinubukang ikalma ang sarili. Tinanaw ko ulit ang table nilang magpi-pinsan. Side view lang niya ang nakikita ko. May kasama pa sila na hindi ko na kilala kung sino.

Kinuha ko sa bag ang cellphone ko at pinindot ang contacts. Naroon ang pangalan niya. Sasagutin ba niya kung tatawag ako? I mean, nag-iba ako ng number. Pinindot ko ang pangalan niya at nakita ang message or call.

What should I do?

Gusto ko na siyang makausap, humingi ng patawad at makipagbati sa kanya. Pero alam kong hindi naman madali. Kinakabahan ako at sa bawat minutong lumilipas, natatakot ako na baka... Baka hindi na siya bumalik sa akin.

Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko at agad na nawala ang atensyon sa cellphone.

"B-bakit?" Tumaas ang dalawang kilay ko at nilingon ang kumalabit sa akin. Si Jack lang pala.

"Tawag tayo ni sir, Ash." Ngiti niya at si Leana naman ang tinignan. "Kasama ka rin."

Ipinasok ko ulit sa bag ang cellphone at sumunod na sa kanilang dalawa. Sa bandang harapan kami pumunta. Naroon ang head ng dance crew namin at ang assistant ng Dean na ipinasama sa amin.

"Narito na pala sila, Mrs. Evelyn Vonriego. Ang top 3 ng Stevenson DC." Sabi ni sir na ikinagulat ko nang sobra. Kaninong nanay 'to? Kay Tak? Lisa? Elijah?

Ngumiti sa amin ang isang magandang babae na may edad na rin. She's a bit slim but still fit. Her curves are just beautiful, noticeable ito dahil sa pulang dress niya na nag-accentuate sa body shape niya. Sopistikada siyang tignan at elegante.

"It's so nice to meet the three of you. I really hope that you'll win tonight." Nakangiti niyang sabi. That smile, I know that smile.

"Excuse me. Mom?"

Papalapit sa amin si Ella suot ang isang magandang dress. So ito ang nanay nila ni Elijah?

"It's so nice to meet you. See you later." Ani Mrs. Evelyn at nilingon ang anak niyang si Ella na malamig na nakatingin sa akin. May sinabi siya sa mommy niya at naglakad na sila palayo, pabalik sa table nila. What a nice way of meeting his mom. Mapait akong napangiti.

"By the way, Mrs. Evelyn's family runs this hotel, ang mga Dela Vega." Sabi ni sir.

"Hindi naman ba bias sila, sir?" Si Jack. Natawa naman si sir sa kanya.

"Ano ka ba? Hindi gano'n ang mga Vonriego, Jack. They follow the rules."

"Woah, sobrang yaman naman pala ng pamilya na pinagmulan nila Ella. Kainggit much!" Manghang sabi ni Leana sa gilid ko habang naglalakad kami pabalik sa upuan namin.

Napalunok ako. Naaalala ko pa kung paano ako tignan ng kapatid niya kanina. Hindi na ako magtataka kung isa si Ella sa mga naunang nakaalam sa nangyari. Tinanaw ko ulit ang table nila pero wala na sila doon. Nasaan na kaya siya? Kumain na ba siya ng lunch?

Agad kaming pinabalik sa mga kwarto namin. Kailangan na naming mag-ayos dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang event. Tinulungan ako ni Leana sa pagtali ng buhok ko.

"I look more fiercer than ever, Ash," komento ni Leana nang matapos akong tulungan sa buhok ko. "Make him drool, Ash, alam kong kaya mo."

Tinignan ko siya sa salamin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tss. I saw him kaninang lunch."

Ewan ko ba. I feel so nervous every time I hear his name. Nagsimula ito no'ng hiwalayan niya ako. I sighed heavily. Inayos ko ang bangs ko at nilagyan ito ng hairspray. Naglagay ako ng winged eyeliner at lip gloss.

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon