Kabanata 30

651 10 55
                                    

Kabanata 30

New Year

Bumaba ako jeep at tumawid papunta sa sementeryo kung saan inilibing si Jaja. May dala akong Sunflowers para sa kanya biglang regalo sa kanya. Today's December 30 at siya ang inaalala ko ngayon. Unang taon na hindi ko siya nakasama sa pasko. Inilapag ko ang bulaklak sa tapat ng puntod niya at umupo sa harap no'n. Walang masyadong tao dito ngayon at bilang ko lang sa mga daliri ko.

I bit my lower lip as my tears began to fall down.

"Hi, Jaja." Malungkot akong ngumiti at pumikit. "Sorry na-late ako nang ilang araw, ha. I bought you flowers, sana magustuhan mo.."

Yumuko ako at tinignan ang mga kamay kong nakapatong sa puntod ni Janine. Ang hirap nang walang sumasagot, mas lalo akong nalulungkot. Unti-unting naninikip ang dibdib ko.

"Gusto ko lang sabihin, Ja," I wiped my tears away and smiled. "Eli, asked me to marry him."

I imagined her reaction and I her voice. Pero hanggang doon lang 'yon, hindi ko na mararamdaman ang hawak niya at hindi ko na rin maririnig pa ang boses niya. I wish she was here, celebrating with me and having a lot of fun.

"Sana hindi mo na lang kami iniwan, Ja. Sana nagising ka na lang no'n." I curled my lips and gulped. I know it's selfish, but that's all I wish.

Humangin nang malakas at tumingala ako sa kalangitan. Ma-ulap ngayon at mahangin. Muli kong tinignan ang puntod ni Jaja at ang maliit na litrato niya doon.

"I hope you're doing fine up there, Ja. Mahal na mahal kita.."

Sana naririnig mo ako ngayon, Ja. Gusto kong marinig ang boses mo. Miss na miss na kita, alam mo ba 'yon?

I wiped my cheeks with my handkerchief. Tumayo na ako at malungkot na ngumiti. Pinagpag ko ang damit ko at nagpaalam na kay Janine. Pagkalabas ko naman sa sementeryo ay bumili ako nang maiinom sa malapit na convenience store bago umuwi.

Balik nanaman ako sa realidad. Habang naglalakad ako pauwi sa apartment ay nakita ko ang kotse ni Eli na nakaparada sa tapat nito. Mabilis akong naglakad papalapit at sinalubong siya nang isang mahigpit na yakap.

"Saan ka galing?" Kalmadong tanong niya habang magkayap kami.

"Kay Janine."

Pinasadahan niya nang kamay ang ulo ko at hinalikan ako sa noo ko. He pulled away and smiled at me.

"Kamusta naman?"

"Kinwento ko sa kanya yung nangyari no'ng pasko." Sagot ko habang papasok kami sa apartment.

Nang makapasok kami ay inilapag ko amg bag ko sa lamesa at ininom ang inumin na binili ko kanina. Umupo naman si Elijah sa kama.

"Ikaw? Mukhang pagod ka ah?" Inabutan ko siya nang isang baso ng tubig. Tinanggap naman niya at uminom.

"Binisita namin nina Ella ang mga pinsan namin sa side ni mommy." Aniya't ibinalik sa akin ang baso. Kinuha ko naman at inilapag sa lamesa. Napatango-tango naman ako at kumuha ng damit na pampalit. Sa banyo ako nagbihis ng pambahay. Paglabas ko ay hawak na ni Eli ang cellphone ko. Napakunot noo naman ako.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko habang papalapit sa kanya.

"Nagse-selfie. Tara, 'Wak!" Aniya't ngumiti-ngiti pa doon sa cellphone. Napailing na lang ako at tumabi sa kanya. Nagselfie naman kami at humiga na sa kama.

"Dito ka ba maghahapunan?" Tanong ko at humarap sa kanya.

"Hmm." Tango niya.

Tinignan ko naman ang engagement ring na suot ko. It's beautiful yet simple.

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon