Kabanata 10

730 22 44
                                    

Kabanata 10

Resort

Nagwalis na ako ng sahig at nagpunas ng mga table. Kasasara lang ng restaurant ngayon. Madaming kumain at bumili ngayon.

"Ingat kayo sa pag-uwi!" Sabi ng supervisor namin.

Lumabas na ako at pumara ng jeep pauwi. Pagdating ko sa apartment ay napahilata ako sa kama. Nananakit ang likod ko dahil sa trabaho kanina. Maaga kaming na-dismiss kanina dahil may meeting na pinuntahan ang prof namin sa last class. Last week lang ako nakahanap ng trabaho. Part-time lang dahil kailangan ko ng extra na pera. May gastusin nanaman kasi sa school at hindi na sapat ang ibinibigay ni papa.

Napapikit na lang ako. Mabilis lang akong magbuhos dahil baka magkasakit ako. Masyadong napagod ang katawan ko dahil nagbuhat pa ako at nagserve. Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong tinignan.

From: Mama
Nak, kamusta ka diyan? Ayos lang ba? Miss ka na namin, nak. Uminom ka ng vitamins ha!

Napangiti ako sa text ni mama at agad na nakaramdam ng ginhawa. Parang nabawasan ang pagod ko. Tinawagan ko siya at saglit lang na nakipag-usap dahil antok na antok na ako.

Kinabukasan ay late ako sa school. May 20 missed calls ako galing kay Elijah at 15 unread messages. 3 missed calls naman galing kay Jaja. Habol ko ang hininga nang huminto ako sa tapat ng building namin. Hindi ko namalayan ang alarm ko dahil sa himbing ng tulog ko. Umakyat ako papunta sa third floor. Mariin akong napapikit at kinuyom na lang ang kamay nang mapagtantuan na third class na ang mapapasukan ko.

Shuta, major pa naman ang dalawang nauna!

Hinanap ko si Janine. Malamang ay nakinig sa klase 'yon kanina kaya magtatanong na lang ako. Pumasok ako sa room at kaunti pa lang ang naroon. Umupo na muna ako sa gilid ng third row para ayos. Kakapasok pa lang ni Janine at nagmadaling lumapit nang makita ako.

"Gaga ka! Akala ko hindi ka na papasok. Tanong nang tanong si Elijah kanina kung nasaan ka. Aba, ilang beses kang tinawagan hindi ka naman sumasagot. Anyare sayo?" Sunud-sunod niyang sabi.

"Hindi ko namalayan yung alarm ko." Pag-amin ko. Anong oras na rin kasi ako nakauwi galing sa shift ko. Pagod pa, kaya bumawi sa tulog.

"Aysus! Gusto mo ba mag-shopping ako ng alarm clock para sayo? Jusme, halos ma-minus-an ka kanina dahil sa absent ka without letter. Alam mo namang mahigpit ang school natin sa ganyan." Ngumuso siya at may kinuha sa bag niya. Jusko, root beer nanaman.

"No thanks." Hilaw ko siyang nginitian.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang instructor namin.

"I thought something happened to you, ayos ka na ba?" Tanong ni Elijah.

Nandito kami sa food square ngayon at nakatambay lang. May vacant ako ng dalawang oras.

Tumango ako at ngumiti. "Ayos na ayos. Nga pala, kamusta ang party kagabi?" Pag-iiba ko.

He sighed. "Ayos lang din, kasama ko si Tak at Madi. Nagshot lang at hindi na uminom ulit." Ngiti niya.

Napatango-tango naman ako at tinignan siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bigla akong nablangko.

"Ashley?" Kumaway siya sa mukha ko kaya napakurap ako.

"H-huh?"

"Ihahatid kita mamaya ah. Papasok na 'ko sa next class ko." Aniya't ngumiti. Tumango ulit ako sa kanya.

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon