Kabanata 25

661 13 48
                                    

Kabanata 25

Are You Happy?

"Kailan pa, Ash?"

Nanghihina ako at hindi masalubong ang tingin ni Elijah. Para bang sisigawan niya ako anumang oras. Dinala niya daw ako dito sa ospital kaninang madaling araw nang himatayin ako.

Hindi ko siya sinagot at tumingin na lang sa bintana kung saan tanaw ko ang siyudad sa labas. May nakakabit sa akin na IV at narito sa isang private room. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Dapat pa ba niyang malaman?

"Ashley, please," naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. "I need to know.."

Lumunok muna ako bago siya tinignan at nginitian. Yung ngiti na mapagpanggap, tutal eto naman lagi ang ginagamit ko. Ano pa bang bago?

"Thank you for taking me here, Eli. Babayaran na lang kita pagkalabas ko dito." Sabi ko at umayos ng higa patalikod sa kanya. Agad na tumulo ang luha ko. Pumikit na lang ako.

Nasasaktan ako tuwing tinatanong ako kung anong lagay ko. Kung ayos lang ba ako o kung ano bang problema ko. Nag-o-open up naman ako kay Jaja noon at magaan sa dibdib. Pero nagsabay-sabay kasi lahat. Hindi naman ako gano'n kalakas para kayanin lahat ng mga nangyayari at balewalain lang.

Natanggal ako sa Dean's List dahil mababa ang lahat ng mga paper works, projects at exams ko. Buong akala ko ay maayos ang ginagawa ko, pero lumalala lang pala lalo. Sinubukan kong ayusin pero mas lalo lang akong nasi-stress.

Lumabas si Elijah. Nang mag-lunch na ay bumalik siya dala ang pagkain.

"Hindi mo naman kailangang gawin pa 'to. I can take care of myself, Eli. Umuwi ka na lang." Sabi ko sa kanya habang inaayos ang pagkain sa table na inusog niya papunta sa akin.

"Pwede bang ibaba mo muna ang pride mo, Ash?" Natigilan ako sa sinabi niya. "Look at yourself, Ash, I can't just leave you here like that."

"Nako-konsensya ka ba? Naaawa?" Inayos ko ang kumot at sumandal sa unan. Tinignan ko ang reaksyon niya.

"I'm worried about you, Ash.."

Tumango na lang ako. Hindi ako makagalaw nang maayos. Lumabas muna si Elijah para kausapin ang doktor. Mariin akong napapikit at napasabunot sa ulo. Maling-mali ang ginawa ko kagabi. Tangina, ano ba kasing pumasok sa utak ko at ginawa ko 'yon? Maya-maya pa ay bumalik din si Elijah at naglakad papalapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang pagyakap niya.

Tila ba nanigas ako sa kinauupuan ko habang nakapulupot sa akin ang braso niya. Mahigpit ang yakap niya sa akin. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa likod ng ulo ko. His hug is warm and giving me comfort.

"I'll do everything to make you happy, Ashley.. I'm sorry for not listening.." He whispered to me.

"Ano bang s-sinabi ng doktor sa'yo? Ayos lang ako—"

"No more lies, Ashley. You promised me."

*

"You guys are back together?" Nanlalaki akong tinignan ni Leana. Kalalabas ko lang ng ospital for about a week ago. Agad akong umiling.

"Hindi." I said.

She probably saw us walking together again. Mula kasi nang makalabas ako ay hatid-sundo niya ako. He's texting me every 30 minutes, asking me how am I or what I do at the moment. He's making sure that I'm safe. Sinasabayan niya rin akong kumain kahit na hindi tugma ang ibang schedule namin.

"Hindi?" Dismayadong sabi ni Leana at sumandal sa bench. "Ang bagal mo naman, Ash. Alam mo, sunggaban mo na. Nakakatulong ang cuddling para mabawasan ang stress. Isama na natin ang kissing, hugging at sex."

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon