Chapter 1- HISTORY

30 2 0
                                    

MARIA'S POV

Ala-ala? Siyang nagbibigay ng lakas sa atin para magpatuloy sa buhay. Minsan masakit. Minsan naman ay masaya. Ang bawat hibla ng mga pangyayari ay minsang tumutusok sa ating pagkatao. 

"Maria, yung butones ng uniform mo parang hindi pantay ang pagkakakabit? Saka, bakit parang kagigising mo lang?"

Tanong ng isa kong kaibigan na palagi nalang nakabantay sa akin, si Lisa.

"Ah eh, sorry nagmamadali kasi ako kaninang umaga dahil kailangan ko pang dumaan dun sa kaibigan ni Mama na may order na pamango", sagot ko.

"Ah napaka-hardworking mo naman yata recently, may pamilya ka na bang binubuhay?"

"Nagdala lang ng order, hardworking na agad! Saka lagi ko naman yung ginagawa simula nung nagsimula si Mama ng ganitong business, para makatulong na rin!"

"Ah okay, grabe sa paliwanag! Hindi ako judge bes! Oh halika na! Mala-late pa tayo sa klase, alam mo naman yung bago nating professor, ayaw sa late, baka maibagsak pa tayo sa test!"

"Sinong bagong professor?" tanong ko.

"Ay oo nga pala absent ka kahapon! Malalaman mo! Excited na akong makita mo s'ya!"

Pagkarating sa classroom, mukhang wala pa naman ang aming bagong prof. Mukhang napagtagumpayan naman naming maunahan s'ya.

Naririnig ko ang lahat na nag-uusap, karamihan ay nag-aayos ng sarili nang hindi ko maintindihan.

"Anong meron? Teka, anong klase ba 'to? Wala akong dalang gamit! Bakit lahat nag-aayos?", tanong ko.

"Beshy, abangan mo at malalaman mo!"

Banggit ni Lisa na ngumiti pa pagkatapos sabihin.

Nang saktong kukunin ko ang aking notebook para sa subject na 'to ay bigla kong narinig ang mga yabag. Dahan-dahan kong itinunghay ang aking ulo na tila tinawag ng mga yabag na iyon.

Isang lalaking bagong professor na nakasuot ng puting polo, maganda ang pangangatawan na parang madalas sa gym, matangkad, moreno pero maputing moreno, halatang binuhusan ng oras ang pag-aayos ng buhok, matangos ang mga ilong at may nangungusap na mga mata. Mukhang bata pa, mga edad bente kwatro.

Tumahimik ang lahat nang marinig ang tunog ng kanyang sapatos. Mga ilang minutong katahimikan. Seryoso ang kanyang mukha. Ako na hindi alam ang gagawin ay nanatiling nakaupo lamang.

"Good morning! I saw new faces. I think I should introduce myself again! I'm Clark, your new teacher for this semester. I'm going to teach you how to appreciate the art of Sex Education."

Wait? What? Sex Education? Ano bang nakalagay sa prospectus? Nasaan ba 'yun? Oh eto!

SE 101? So yung SE ay Sex Education? Totoo?

"Lisa, seryoso ba 'to? Parang ngayon ko lang 'to narinig!" tanong ko.

"Yes, beshy. Hindi ka ba nanonood ng balita? Dinagdag na sa curriculum ang Sex education at Japanese language. Tapos yung Filipino na subject, hindi na required. Kung gusto mo i-take, take mo!" sagot ni Lisa.

"Pero how come na bago lang pala yung subject pero ang sabi ni sir na bago din daw s'ya? Ibig sabihin may dati nang nagtuturo? "tanong ko.

"Babae dapat ang prof natin dito, kaso ayon sa nasagap kong chismis, hindi daw kayang magturo nito, religious kasi kaya pinalitan. Nagulat nga din ako na bago magsimula ang klase nakapagpalit na agad sila. Kahit kami nagulat kahapon, kasi ine-expect naming babae ang magtuturo. Imagine kung babae ang magtuturo tapos may hawak na condom, sa palagay mo? Edi magtatawanan lang ang lahat."

"Oh e ano bang difference kung lalaki ang magtuturo?" tanong ko.

"Well, bukod sa gwapo si sir, mukhang mas maa-appreciate ng mga lalaki yung lesson kasi diba, lalaki ang nagtuturo. Lalaki lang naman ang mapusok diba beshy?"

"Ah e, yeah! Tama ka! Lalaki lang ang mapusok" sagot na tila nagugulumihanan pa rin.

Tama, lalaki lang ang mapupusok.

Kahit kailan ay hindi mapag-iisipan ng masama ang mga babae dahil kada may mali, lalaki ang may kasalanan pero sa katotohanan ng buhay ang babae ang nagdudusa.

"Our first lesson for today is the importance of self-care!"

Self-care? Isang bagay na parang nakalimutan ko na yata. Simula noong bata pa lang ako, nakaranas na akong molestyahin. Mula noon nakalimutan ko ng alagaan ang sarili ko.

Isa akong babaeng lumaki sa isang sirang pamilya. Napakahirap nang pinagdaanan ko simula noong iwan kami ni Papa.

Si Mama naman, parang bula sa bilis nakalimot at nakahanap nang mas bata sa kanya. Sampung taon ang agwat ng edad ng bagong kinakasama ni Mama noon. Bata pa kaya mapusok. Mga walong taong gulang ako noon at inosente pa sa lahat ng bagay.

Nagtataka ako kung bakit palagi nalang gustong maiiwan ng bagong asawa ni Mama sa bahay. Kasi kung ikukumpara mo sa ibang mga lalaki, ang gusto palagi ay nasa labas, nakikipag-inuman sa mga kabarkada. Pero heto s'ya, palaging nasa bahay kung saan kada hapon ay naiiwan kasama ako dahil si Mama ay kailangan magtrabaho bilang call center agent.

Malagkit s'yang tumingin. Parang hinuhubaran ka.

At tulad ng inaasahan, s'ya ang aking naging una. S'ya ang unang nagparamdam sa akin ng isang bagay na hindi ko malilimutan nang walang pagmamahal kundi puro kamundohan lang.

Paulit-ulit n'yang ginawa 'yon at bilang isang walong taong gulang na bata ay wala akong nagawa kundi ang manahimik dahil sinabi n'ya na papatayin n'ya ako at ang mama ko kapag nagsalita ako. Umiiyak ako habang nagpapakasasa ang lalaking iyon sa aking katawan.

Sinira n'ya ako at sa huli ay nalaman din naman ni Mama at ipinakulong ang kanyang kinakasama. Hindi na kailanman nag-asawa si Mama simula noon kaya subsob s'ya sa pagtatrabaho para sa akin.

Naging mahirap ang lahat sa akin, halos isang taon din akong tumigil sa pag-aaral. Ikinulong ko ang aking sarili sa loob ng madilim na silid sa pag-iisip na pandidirihan ako ng mga tao kapag nakita nila ako. Ilang beses ko ring halos kitilin ang sarili kong buhay para lang matapos na ang lahat.

Simula noon, nagkaroon na ako ng malalim na galit sa mga lalaki. Ang palagi ko nalang naiisip ay paglaruan sila. Paibigin, gamitin, at sirain.

Ipinangako ko na hinding hindi ako magmamahal ng lalaki o nang kung sino man bukod sa aking ina.

Sisirain ko ang mga buhay nila. Walang lalaking makararanas ng aking pagmamahal.

Gagamitin ko ang gandang ito para lang lokohin at paasahin sila.

Ang Mariang inakala ng lahat na birhen at walang bahid ng paghihiganti ay narito at handa nang tumayo sa sarili n'yang mga paa.


At mukhang nakahanap ako ng biktima. .

Humanda ka dahil masisira ka rin. 

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon