Bagong karanasan, bagong mga planong inaasahan. Kadalasan ang mga bagay na inaakala nating grasya ay maaaring maghatid sa atin sa kapahamakan.
Tila isang apoy na sinabuyan ng gasolina ang isip ni Maria. Isang pagkakataon na naman ito upang makabuo s'ya ng isang madilim na mga hakbang.
Lumabas ito nang may mga ngiti sa labi habang pinagmamasdan siya ng kanyang guro na si Clark.
Naghihintay sa labas ang dalawa niyang kaibigan.
"Oh anong sabi? Dahil nga ba sa score mo?" tanong ni Clara.
"Hindi. May binanggit s'ya na baka daw interesado ako." sagot ni Maria.
"Ano? Ang makipagrelasyon sa kanya? Tirador ka talaga ng mga tanders!" dagdag ni Clara.
"Baliw! Paano e mukhang ngang hindi totoong lalaki 'yun." sagot ni Maria.
"Anong inalok sa'yo?" tanong ni Lisa.
"Actually, bawal daw sabihin kahit kanino. Pasensya na guys! Ayokong mapagalitan. Basta maganda 'yun, makakatulong 'yun sa akin!" sagot ni Maria.
"Sigurado ka?" tanong ni Lisa.
"Oo, alam ko ang ginagawa ko. Wag kayong mag-alala!"
"Sabagay, malaki ka na at alam mo na ang tama at mali! Basta kapag may ginawa 'yan sa'yo reresbak kami ha!" dagdag ni Clara.
Nagpatuloy ang mga normal na araw. Masugid na inaantay ni Maria ang tawag ng guro na nagsabing asahan nito ang kanyang mga salita.
Naging malayo pa rin si Clark sa kanya. Hindi nito alam kung papaano lalapitan si Maria na may kung anong galit sa kanya.
Nang. .
"Hello, Ms. Escudero! This is Mr. Marquez, how are you? Handa ka na ba?" tinig ng guro mula sa telepono.
"Yes, sir. Napag-isipan ko na po ito. Malaking tulong po ito sa magulang ko. Kailan po ako magsisimula?" tanong ni Maria.
"Well, ang sabi, sa Monday daw need na nila nang modelo. Kakasa ka ba?"
"Ano po palang klaseng pagmomodelo?"
"Malalaman mo dun. Ano? Game ka ba para masabi ko na rin sa kanila na nahanap ko na ang gandang pagkakaguluhan ng mga lalaki?" tanong nito.
"Sure sir! Excited na po ako. Mukhang malaking opportunity po ito para maghi. . "
At natigilan si Maria.
"Maghi? Anong ibig mong sabihin?"
"Maghi. . hintay po sir. Maghintay hanggang dumating ang Lunes." sagot ni Maria.
"Okay, i-text ko sa'yo ang address at ang oras, mag-ready ka na! I-excuse muna kita sa mga klase mo!"
"Okay sir. Salamat po!" sagot ni Maria na halatang halatang nagpapanggap lamang.
Lunes, buwan ng Disyembre.
Maagang gumising si Maria para maghanda para sa kanyang magiging bagong trabaho. Ang maging modelo. Inayos n'ya ang kanyang sarili upang mas maging kaaya-aya s'ya sa paningin ng iba. Isinuot n'ya ang blouse na matagal na rin n'yang hindi naisusuot. Ngunit may pagtataka sa kanyang mga mata.
"Avensor's Village? Bakit doon? Ah! Bahala na nga!"
Maswerte s'yang nakasakay agad ng taxi nang mga oras na iyon. Mukhang naniwala naman ang mga kaibigan n'ya nang sabihin n'yang kaya s'ya hindi papasok ay dahil sa may sakit s'ya. Mukhang mas magiging kapani-paniwala rin ito dahil sususugan ito ng gurong si Prof. Marquez.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Mysterie / ThrillerSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...