Chapter 15 - THE OFFER

9 1 0
                                    

"Guys, guys! Tignan n'yo may breaking news!"

"Ano 'yan?"

"Para sa mga nagbabagang balita! Apat na lalaki patay, ang suspek ay kinilalang si Cairo Halili na sinasabing kaibigan rin ng mga pinatay. Natyempuhan ng mga pulis na tatakas ang suspek na walang habas na pinagsasaksak ang mga kasama n'ya. Apat ang may tig-iisang saksak at ang isa ay humampas ang ulo sa unang hakbang nang hagdanan! Ang suspek ay iniimbestigahan ngayon at inaalam ang kanyang motibo sa pagpatay."

Natulala ang mga kababaihang nanonood ng balita gamit ang kanilang mga telepono.

"Diba. . diba si Cairo 'to ng Black Knights? So ibig sabihin, patay na yung mga kasama n'ya?" sagot ng isang babae.

"Mabuti nga 'yan sa kanila, karma 'yan! Tignan mo mga nabaliw na!"

"Grabe ka naman! Pero sayang crush ko pa naman si Kevin!" sagot pa ng isa.

"Ops ops! Ano 'yang pinapanood n'yo?" tanong ni Clara na nang mga oras na 'yun ay nagtaka sa pinagkukumpulan ng mga babae.

"Ang Black Knights, wala na!"

"Anong sinasabi mo d'yan?" tanong ni Clara.

At ipinakita ng babae ang pinanood na balita. Unti-unting nanlaki na lamang ang mga mata ni Clara at nasabi ang salitang,

"Maria?!"

"Nasaan ka, Maria?!"

Halos binitawan na nito ang hawak na telepono at tumakbo papalayo sa nagkukumpulan na mga babae.

Nang mahagilap nito si Lisa.

"Lisa! Lisa! Nasaan si Maria? Pumasok na ba? Andyan na ba? Saan? Sabihin mo!" tanong nito.

"Teka, teka! Relax ka lang. Ano bang nangyari?" pagtataka ni Lisa.

"Ang. . ang. . Black. . "

"Ano? Anong black?"

At kinuha ni Clara ang kanyang telepono at ipinakita ang bidyo kay Lisa.

"Bakit? Anong nangyari? Bakit sila nagpatayan?" tanong ni Lisa.

"Wala tayong oras para alamin 'yan. Tawagan mo si Maria. Alamin mo kung nasaan s'ya ngayon"

"Bakit hindi mo pa ginawa kanina?"

"Ay! Naloka na ako! Hindi na pumasok sa isip ko 'yan kanina. Sige na bilis!"

"Sandali! Eto na!"


"Huuyy!!" isang panggugulat mula sa likuran.

"Ay anak nang potakteng binalatan!" sigaw ni Clarang sobrang nagulat.

"Maria?!" at niyakap ng dalawa si Maria.

"Ano nasaktan ka ba? Anong nangyari? Sinaksak ka rin ba? Teka ang ulo mo hindi ba hinampas sa pader?"

"Wait. . wait! Tama na, Clara!" sigaw ni Lisa.

Ngumiti muna si Maria bago sumagot.

"Nandon ako!"

"Tapos tapos?" tanong ni Clara.

Alam ni Maria ang mga bagay na hindi na wala na dapat pang makaalam. 

"Ah wag na nating pag-usapan pa." sagot ni Maria. 

"Maria, ayan ka na naman! Please! Gusto lang namin malaman, mga kaibigan mo naman kami." pangongonsensya ni Clara. 

"Ganito kasi ang nangyari!" pagsisimula ni Maria. 

"Ba-bago yung insidente, pumunta ako non sa C.R para sumuka, kasi medyo marami na rin yung alak na nainom ko."

"Bakit may alak? Saka akala ko ba magda-date kayo? Bakit nasa bahay kayo ni Kevin at kasama pa yung apat?" tanong ni Lisa.

"Yan din ang inakala ko. Pero pagdating ko dun sa napag-usapang lugar, isinakay n'ya ako ng kotse saka dinala sa bahay nila. Pagbukas ng pinto, nakita ko yung apat na umiinom na sa loob. Maganda yung lugar at halatang naghanda talaga sila sa party. Ang sabi ni Kevin, hindi daw matutuloy yung party na 'yun kung hindi ako sumama sa kanya. Tapos ayun, uminom sila nang uminom hanggang sa sobrang malasing na sila. Nakaramdam ako na parang masusuka ako kaya pumunta ako sa C.R, tapos narinig ko nalang silang nagsisigawan at nung paglabas ko nakita ko nalang si Cairo na hawak ang kutsilyo. Nagtago ako hanggang sa may dumating na pulis!" paliwanag ni Maria.

"Paanong may dumating na pulis?" tanong ni Lisa.

"Tumawag ako!" sagot ni Maria.

"Ah buti naman at ligtas ka, Maria. Halos mahimatay na kami sa kakahanap sa'yo!" sabi ni Clara.

"Aysus! Talaga ba? Basta huwag n'yo nang isipin 'yun. Nakakulong na naman si Cairo at dead on arrival yung apat sa ospital. Kahit naman naging masama sila marami ay mga tao pa rin sila. Pero aaminin ko sa inyo na hindi ako nakatulog magdamag dahil doon pag-uwi ko sa bahay. Tayo naman, kailangan nating magpatuloy ng buhay." sagot ni Maria.

"Paano ka pala nakauwi?" tanong ni Lisa. 

"Nakita rin ako nang mga pulis, ako ang witness sa nangyari. Ang sabi nung isang pulis, tatawagan daw nila ako kapag kailangan na nila ako. Inihatid na rin nila ako pauwi. Wag kayong mag-alala. Okay lang ako. Kaya ko 'to! Tulad nang lagi kong sinasabi sa inyo, wag na natin pag-usapan pa dahil pilit ko na s'yang kinakalimutan." paliwanag ni Maria. 


"Oo nga, Lisa! Bakit kasi ang OA mong mag-react!"

"Anong ako? E ikaw ang halos magkandadapa na diyan kanina" sagot ni Lisa.


"Teka, Maria. Diba pinapapunta ka ni Prof. Marquez sa Faculty room?" tanong ni Clara.

"Kaya nga ako nandito. Samahan n'yo ako! Kinakabahan ako, di ko alam kung bakit n'ya ako pinapapunta doon!" sabi ni Maria.

"Ha? Baka naman mapagalitan lang kami!" sagot ni Lisa.

"Hindi 'yan! sabihin ko nalang na kasama ko talaga kayo. Saka hello! Dun lang kayo sa labas syempre."

At dumiretso na ang tatlo sa faculty room kung saan namamalagi ang mga guro at naghahanda para sa kanilang susunod na klase.

"Oh there you are! Ms. Escudero right? Mabuti naman at dumating ka!" tawag ni Prof. Marquez.

Bago lumingon si Maria ay nakita muna n'ya ang gurong nagligtas sa kanya noong isang gabi na nakatitig habang lumalakad s'ya papasok. Hindi ito nagsalita gaya nang inaasahan. Malabo pa rin sa kanya ang huli nilang pagkikita ni Maria.

"Ah, yes sir!? Ano po bang kailangan n'yo sakin?"

"Halika, maupo ka!"

At muli nitong pinagmasdan ang mukha ni Maria.

"Alam mo, maganda ka! Mayroon kang X-factor! Kaya kitang pasikatin!"

"Ah. Ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ni Maria.

"Tumayo ka nga!" at tumayo si Maria.

"Bukod sa maganda ka, maganda rin ang hubog ng katawan mo!" dagdag nito.

"Sir?! Ano pong ibig n'yong sabihin? Akala ko po tungkol sa subject?" tanong ni Maria.

"Ah hindi! Pinapunta kita dito kasi nakikitaan kita nang potensyal na maging modelo. Kakasa ka ba?" tanong nito.

"Model sir? Hindi po ako interesado sa ganon?" sagot ni Maria.

"Sigurado ka ba? Kasi ako nakikita ko na makikilala ka sa ganoong industriya! Saka kikita ka nang malaki!" sabi nito.

"Kikita nang malaki? Paano po?"

"Malalaman mo kapag nandun ka na. Wala ka namang gagawin kundi ang magpa-cute lang sa camera. Saka isa pa, kapag nakilala ka na bilang isang modelo, pagkakaguluhan ka na nang mga lalaki."


"Pagkakaguluhan nang mga lalaki?"

Tila isang magandang huling pangungusap ang kanyang narinig. Dumadagundong na naman sa kanyang isip ang isang maitim na plano.


"Okay, sir! Deal!"

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon