Noong nakaraang araw, pagkatapos mag-usap nina Prof. Marquez at Maria.
"Ah sir, ano pong meron bakit pinapunta n'yo si Ms. Escudero dito?" tanong ni Clark.
"Well, she's pretty right? Sayang nga lang at hindi ko s'ya student pero nabigyan ako ng opportunity para naman makilala s'ya kasi nag-substitute ako once sa klase nila and napansin ko s'ya." sagot nito.
"I see. Pero would you mind if I ask you kung ano ang reason why she's here?" tanong ni Clark.
"Sure! Inalok ko s'ya ng trabaho. Katulad ng mga ginawa ko sa mga magagandang dilag ng campus na ito. And she said yes!" sagot nito.
"Trabaho? Anong job sir?"
Natigilan ito nang bahagya na tila nag-isip muna.
"Model. Gagawin namin s'yang model and natitiyak ko na kikita s'ya doon nang malaki."
At natigilan na lamang si Clark. Mukhang may hinala na ito.
Pagkatapos nang klase n'ya sa section kung saan kabilang si Maria ay dumiretso ito sa faculty room upang magpahinga dahil tapos na ang mga klase n'ya sa araw na iyon. Nasaktuhan n'yang may kinakausap si Mr. Marquez sa telepono.
"Oh, Hi! Kamusta ka na? Nasa location ka na ba? Well, talagang isang mansyon ang photoshoot mo, Iha! Tama ba ang pinuntahan mo, Ang address ay Avensor's Village malapit sa isang mall sa ikawalong eskinita, yung mansyon na kulay peach ang pinta! Wag kang mag-alala at maraming lalaking mag-aasikaso sa'yo d'yan. Paliligayahin ka nila at hinding hindi mo makakalimutan ang karanasang ito!"
Nagtaka si Clark kung bakit sa isang mansyon gagawin ang sinasabi nitong "photoshoot". Normal naman ito lalo na kung depende sa hinihingi ng direktor ngunit may kung anong kabang bumalot sa kanya pagkatapos n'yang marinig 'yun.
Napansin n'yang umaktong palabas si Mr. Marquez dahil may isa na namang tumawag kaya sinundan n'ya ito hanggang sa makarating sila sa isang sulok ng building.
"Kamusta? Andyan na ba? Baka niloloko lang ako! . . . Oh! Good good! Buti naman at madaling mapaniwala 'yan! Basta ang komisyon pagkatapos! . . Wag kayong mag-alala! Hindi kakanta 'yan! Sa hiya nalang n'yan na malaman ng mga tao. Basta bayaran n'yo nang malaki para tumahimik. Sa dami na ng magagandang babaeng ipinadala ko d'yan dapat sanay na sanay na kayo sa gagawin. Sige na! Baka may makarinig pa sa atin!
Nanlaki ang mga mata ni Clark sa narinig. Agad itong nagtago upang hindi malaman ng kasamang guro na alam na n'ya ang lahat ng mga pinaggagawa nito. Ang mangbugaw ng estudyante.
Bumalik na si Mr. Marquez sa Faculty room at agad namang sumunod si Clark para hindi ito makahalata.
"Oh, Clark bakit parang nagmamadali ka?" tanong ni Prof. Marquez.
"Ah.. Uhm Tapos na klase ko sir, baka mag-undertime ako, medyo masakit ang ulo ko!" sagot nito.
"Ah okay, wag kasing masyadong babad sa trabaho. Tignan mo ako! Relax lang sa buhay! Wag kalimutang uminom ng gamot!" sabi ni Mr. Marquez.
"At baka kailangan mo ako para gumaling ka!" dagdag n'ya.
"Ah, Ah? No need sir. Thanks for your concern. I gotta go!" sagot ni Clark.
Walang taong perpekto. Wala ring perpektong plano. Minsan ang akala natin na maayos na maayos na desisyon ay mayroon palang kakambal na pagkakamali.
"Okay, you may now kiss her!" sabi ng intsik na mukhang mas excited pa sa lalaking katabi ni Maria.
Parang naging bato si Maria ngunit hindi ito nanlaban. Ngunit,
"Wait! What's this?" tanong n'ya.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...