Chapter 18- FRESH START

9 0 0
                                    

Agad na binalot ni Clark ng puting kumot ang hubad na katawan ni Maria. Halos hindi n'ya ito matitigan. Si Maria naman na parang isang manika lang na sumama kay Clark. Pagkatapos balutan ng kumot ay agad na binuhat ni Clark si Maria palabas nang bahay at isinakay ng kotse.

Marahang nagmaneho si Clark habang walang imik naman na nakaupo lang si Maria sa kabilang bahagi ng sasakyan. Isang mahabang byahe nang katahimikan.

Parang isang walang buhay na babae na lamang si Maria na mulat na mulat ang mga mata.

Hindi na nakapagpigil pa si Clark at itinigil ang sasakyan sa isang gilid ng daan kung saan walang masyadong kabahayan.

"Uhm. . Ms. Escudero." marahan n'yang sabi.

"Pasensya ka na kung bigla akong dumating, hindi ko lang kasi. . "


"Salamat, Clark!" mahinang sagot ni Maria.

Natigilan si Clark. Ngayon lang n'ya narinig ang isang babae na tawagin s'ya sa kanyang pangalan. Hindi n'ya alam ang gagawin at mga ilang oras ding nanatili ang katahimikan.

"Salamat sa pangalawang pagkakataon."

Parang isang kidlat ng gumuhit sa alaala ni Clark ang unang pagkakataon na iniligtas n'ya si Maria sa hindi pa rin malinaw na dahilan. Napayuko na lamang ito.

"Ah, Ms. Escudero. . would you mind if I ask what happened? I mean it's okay naman kung hindi mo kaya, I'll understand. . pero. . "

"I was framed!"

Dito na lalong kinabahan si Clark dahil hindi n'ya alam kung papaano sasabihin na alam n'ya kung sino ang may pakana.

"Clark, can we go home now?" malalim na sabi ni Maria.

Tumango na lang si Clark at mabilis na minaneho ang sasakyan.

Hapon na rin nang makarating sila sa bahay nina Maria.

Tahimik ang bahay at tila walang tao. Pinagbuksan ni Clark ng pinto ng sasakyan  si Maria at tinulungan itong makababa at humudyat na aakayin papasok dahil mukhang hindi ito makalakad nang maayos. Ngunit agad na itinaas ni Maria ang mga kamay nito na tila nagsasabing huwag siyang hawakan at naglakad ito nang tahimik papasok sa bahay.

Sa pag-aalalang baka may kung anong masamang nangyari na naman kay Maria ay napagdesisyunan na lamang ni Clark na bantayan ito. Sumakay ito ng kanyang sasakyan at saka mapagpasensyang nag-antay.

Ang isa sa nakapagtataka ay tila mag-isa lamang si Maria nung gabi na iyon. Walang anomang masyadong ingay ang maririnig sa paligid bukod sa ingay ng mga dumadaang sasakyan.

Nanatili si Clark hanggang sa makatulog na lamang ito.



Kinabukasan,

May kumakatok sa bintana ng sasakyan ni Clark. Agad itong nagising at dahil maliwanag na ay nahirapan itong imulat ang kanyang mga mata.

Nang ibaba n'ya ang salamin ng kanyang sasakyan ay sumambulat sa kanya ang maamong mukha ni Maria. Nakangiti ito at kumaway nang mabilis. Tila walang bakas ng paghihirap. Malayong-malayo sa nakita n'ya kahapon. Ang isa pa sa nakapagtataka ay tila mas maging masiyahin ito.

Hindi pa man maintindihan ni Clark ay agad na lamang n'yang binati si Maria nang "Oh Hi!"

Ngumiti muli si Maria.

"Sir, bakit d'yan na kayo natulog? Okay lang po ako? Malayo po sa bituka."

Tila may paninibago sa pagsasalita nito. Naging mas mahinhin at tila hindi makabasag-pinggan.

"Sir, halikayo ihatid ko muna kayo sa bahay n'yo, maaga pa naman at mamayang 11am pa ang klase ko." sabi ni Maria.

"Ah ah wag na! Okay na ako. Gusto mo ba ihatid na kita sa school? It's almost 10am and mukhang malayo ang bahay n'yo sa school."

"How about you sir? Hindi na po ba kayo maliligo? Naku, sir. Maaamoy kayo ng mga may crush sa inyo!"

"No worries. Malapit lang naman ang bahay sa school. After kitang ihatid saka na lang ako babalik para maligo. Sorry, ang baho ko na ba?"

"Ah mabango pa rin naman sir. Pero iba pa rin ang naligo!" sagot ni Maria.

Pinilit na lamang sabayan ni Clark si Maria kahit na labis ang pagtataka nito kung paanong ganoon na lamang kabilis.

Di kagaya kahapon, naging maluwag sa pakikipag-usap si Maria. Simula nang sumakay ito sa sasakyan ay walang tigil na ang pagtatanong nito ng mga bagay tungkol sa lalaking kanyang katabi.

"Oo nga. Marami pa sana akong kwento kaya lang, Oh! We're here na!" sabi ni Clark.

"Nakakatuwa pala kayong kausap sir. Sa susunod po ulit."

"Yeah, definitely. Sure ka ba na okay ka na?"

"Yes sir, huwag na po kayong mag-alala. Nangyari na po ang mga nangyari at wala na po tayong magagawa. Kalimutan na lang natin sir. Salamat ulit. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng naitulong n'yo sa akin. Sige po bababa na po ako!"

"Oh wait!"

"Yes sir?"


"Can I fetch you later?"

At tila nabanaag na naman ni Clark ang mga ngiti sa labi ni Maria na malayong malayo sa mga ngiti nito noon.

"Ah??" sagot ni Maria na tila nag-iisip.

"Okay sir, if you insist! My class is until 5pm."

Tila nakahinga nang malalim si Clark. Parang may tinik na binunot sa kanyang isip.


"Then, I'll see you at 5pm." sagot nito. 

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon