Trust issues.
Problema ng mga paulit-ulit na nawalan na ng paniniwala sa isang tao dahil sa paulit-ulit na pagputol nito sa salitang pangako.
Nagpatuloy ang masayang samahan nina Clark at Maria. Naging usap-usapan na ang dalawa sa buong campus.
Pero sabi nga ng iba, kapag nagmamahal ka, nagiging bulag ka, manhid at nawawalan ng pakialam sa mundo. Bumubuo kayo ng sarili n'yong mundo kapag kayo ay magkasama. Mundong kayo lang ang nakaaalam at nakauunawa.
Naging mailap na ang mga kaklase ni Maria sa kanya. Hindi na s'ya nilalapitan ng mga kaklase n'yang babae kung wala naman itong kailangan.
Malaking tulong na nandyan pa rin ang dalawang kaibigan ni Maria na sina Clara at Lisa.
Si Clara na palaging masaya lamang at parang walang problema sa buhay kundi ang makiusisa sa buhay ng ibang tao.
Si Lisa na pinakamatalik na kaibigan ni Maria simula pa noong sila ay nasa elementary. Alam ng dalawa ang halos lahat ng bagay tungkol sa isa't isa. Kaya lumaki silang sanggang dikit sa lahat.
Lahat ng mga naging karelasyon ni Lisa ay kilala ni Maria. Lalong lalo na si Brent na dating may crush kay Maria.
Noong sila ay high school pa. Kabilang si Brent sa mga pinakamaayos na estudyante sa kanilang paaralan. Maayos sa klase pero gago sa pag-ibig.
Noon pa man ay kilala na si Maria sa buong campus dahil sa angkin nitong ganda na umakit sa karamihan sa mga lalaki sa kanilang paaralan. Siya ang pangarap ng halos lahat ng kalalakihan noon at madalas na natatampok sa kanilang school paper dahil paboritong basahin ng mga kalalakihan kahit na wala naman talagang mahalagang dahilan kung bakit s'ya nailathala sa dyaryo.
Kahit na ganito kaganda si Maria ay naging kaibigan pa rin n'ya ang isang normal at hindi marunong mag-ayos na si Lisa. Parang hindi ito tinuruang magsuklay man lang.
Nagsimula ang lahat ng minsan silang magkatabi sa upuan dahil pinagsama-sama ng guro ang mga pinakamahihina sa likuran. Dito na nila naramdaman na mayroon silang magandang koneksyon hanggang sa maging matalik silang magkaibigan.
Nangakong hindi magmamahal ng iisang lalaki.
Isa si Brent sa maraming lalaking nahumaling kay Maria. Palagi itong nawawala sa klase upang sumilip sa klase nina Maria.
Ilang beses na rin n'ya itong niligawan. Maraming beses na rin siyang tinanggihan nito.
Tulad ng ilang lalaki, ang palaging nilalapitan ng mga ito upang malaman ang kagustuhan ng kanilang natitipuhan ay ang kaibigan ng babae, si Lisa.
Kinaibigan ni Brent si Lisa upang sa ganoon ay mapalapit s'ya kay Maria. Palagi itong sumasabay kumain, sinusundo sa classroom bago umuwi, ka-text at katawagan hanggang gabi kahit na ang tangi lang naman nilang pinag-uusapan ay si Maria.
Dahil sa pagiging malapit ng dalawa sa isa't isa ay naging mas malapit din si Maria kay Brent. Kung noon ay hindi nito pinapansin ang lalaki. Ngayon ay kahit papaano ay nginingitian na n'ya ito.
Labis ang tuwang nararamdaman ni Brent. Lalo s'yang umaasa habang tumatagal na makukuha na niya ang puso ni Maria.
Sinubukan n'ya nang sinubukan.
Pero sabi nga, kahit gaano ka katatag ay mapapagod ka rin.
Minsang nag-set ng isang dinner si Brent para makipagkita kay Maria. Dahil malapit na siya kay Lisa ay ipinadaan n'ya rito ang mensahe. Binanggit ni Lisa na darating si Maria.
Masaya ang binata dahil kahit na paulit-ulit na siyang tinanggihan ni Maria ay mukhang magiging positibo na ang lahat.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...