Pinagmasdan ni Clark ang natutulog na si Maria.
"Habang tumatagal lalo kang gumaganda!" sambit na lamang nito.
Hinawi nito ang buhok ng dalaga upang mas makita n'ya ang kagandahan nito.
Naramdaman agad ni Maria ang haplos ni Clark at agad itong nagising.
Nagkatinginan ang dalawa. Sa pagkakataong ito ay mayroon ng kakaibang pakiramdam.
Masaya si Clark sa kung anoman ang nangyayari ngayon. Nakahinga na s'ya nang malalim dahil isang panaginip lang pala ang lahat ng inakala n'yang nangyari sa kanya.
Ito na ang pagsisimula ng magandang samahan ng dalawa.
Simula noong araw na iyon ay naging malapit na si Maria sa binata.
Naging bukas si Maria sa lahat ng kanyang nararamdaman. Lahat ng nasa isip n'ya ay sinasabi n'ya kay Clark kaya ganoon na lamang ang tiwala ng binata sa kanya.
Araw-araw nang sinusundo ni Clark ang dalaga papasok at pag-uwi. Ginagawa nila ito nang patago upang walang makapansin.
Madalas na ring natutulog si Maria sa bahay nina Clark. Dito na s'ya tumutuloy sa maraming pagkakataon.
Ipinagluluto na rin ng dalaga ng paborito nitong kaldereta at masayang kumakain sa hapagkainan sa bahay ni Clark.
Lahat ng mga inaasahan sa isang magkasintahan ay makikita na ngayon sa dalawa.
Parang wala nang makapipigil sa kanilang nararamdaman.
Ngunit hindi malinaw kay Maria ang lahat. Ang pag-aakala n'ya ay nais lamang makipagkaibigan ng lalaki sa kanya.
Hindi n'ya alam na lahat ng kanilang ginagawa ay may kahulugan na sa binata.
Madalas yayain ni Clark si Maria na lumabas para kumain at sa mga pagkakataong ganoon ay laging hinihiling ni Maria na may kasamang alcohol ang kanilang pinagsasaluhan.
Alak. Masama sa kalusugan. Hindi angkop sa murang edad.
Walang magawa si Clark kundi sundin na lamang ang dalaga. Unti-unti na itong nabubulag sa pag-ibig.
Pagkatapos nilang kumain ay naging madalas ang pagtatalik ng mga ito. Palaging niyaya ni Maria na pagsaluhan nilang dalawa ang gabi sa kama.
Paulit-ulit.
Bilang isang lalaki ay hindi makatanggi si Clark. Ngunit dahil na rin sa katotohanang isa s'yang guro ay hindi kailanman sila nagkaroon ng maligayang pagtatalik.
Madalas na pinag-aawayan ito ng dalawa dahil sa kalagitnaan nito ay biglang makokonsensya si Clark sa kanilang ginagawa.
Doon na rin nagsimula na magkaroon ng pakiramdam si Maria na tila walang pagmamahal sa kanilang ginagawa kundi puro lamang tawag ng laman. Iniisip n'ya na ginagamit na lamang siya ng lalaki para mapunan nito ang pangangailangan bilang isang lalaki.
Dito na rin nagsimulang paunti-unting lumambot muli ang puso ni Maria.
Naging mas masayahin na ito at hindi na gaanong malayo sa mga kalalakihan.
Ngunit ang isang malaking katanungan kay Clark ay kung ano nga ba matatawag ang kanilang relasyon. Ginagawa nila ang lahat ng iyon ngunit walang malinaw na pangalan.
Tila isang palaisipan sa kanya ngunit hindi na pumasok sa kanyang isip na tanungin pa ang dalaga.
Basta ang mahalaga ay ang makasama n'ya ito.
Sa paaralan, araw ng Martes.
Nakangiting pumasok si Maria sa kanilang paaralan.
Napansin agad ito ng dalawa n'yang kaibigan na matagal na ring nagtataka kung bakit napapalayo ito sa kanila.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Mystère / ThrillerSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...