Wag na wag mong sisirain ang isang taong ngayon palang natutong magmahal.
Labis na galit ang nararamdaman ni Maria. Hindi na maipinta ang kanyang mukha ng mga oras na iyon.
Hindi n'ya kayang tignan na ang lalaking kaisa-isang pinagkatiwalaan n'ya ay heto at tila sinisira ang kanyang mga pangako.
Pagkatapos makawala sa babaeng halos lingkisin na siya ay agad na tumakbo si Clark papalapit kay Maria upang magpaliwanag.
Niyakap n'ya nang sobrang higpit ang tila hindi na makagalaw na si Maria.
Patuloy na tumutulo sa mga mata nito ang luha.
"Maria! Maria! Makinig ka sa akin! Mali ka ng iniisip! Walang anomang nangyari sa aming dalawa ng babaeng iyon! Hindi ko s'ya kilala. Bigla nalang siyang lumapit sa akin at ipinipilit ang sarili n'ya. Huwag mo sanang isipin na may intensyon ako na sumama sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, paano, sino pero patawad!"
Parang isang estatwa na lamang na nakatayo si Maria ng mga oras na iyon. Hindi na n'ya naririnig ang sinasabi ng binata. Tila isang ingay na lamang ito na walang kahulugan.
Pinagmamasdan n'ya ang babaeng ngumiti muna bago tumakbo papalayo.
Mula sa kanina pang nakayakap na si Clark ay unti-unti n'yang hinawakan ang mga braso nito at dahan-dahan n'yang inilayo ang humahagulhol na lalaki.
Pilit pa ring inilalapit ni Clark ang kanyang sarili kahit na walang emosyong itinutulak s'ya ni Maria.
Isa-isa nang naglapitan ang mga usiserang mga estudyante na kanya-kanyang labas ng kanilang mga telepono. Kinukuhanan ng mga ito ng larawan ang dalawa. Ang ilan sa mga ito ay umiyak sa nakita.
Pinahid nito ang mga luha sa kanyang mga mata. Lumakad pabalik sa campus habang nagkandaluhod na si Clark. Marami mang nakakita ngunit wala ni isa ang lumapit upang tulungan ito.
Samantala. .
Diretso lamang ang tingin ni Mariang naglalakad papasok ng building. Nanlilisik ang mga mata nito na para bang naghahamon ng away.
Isa lang ang gusto n'yang makita,
Si Lisa.
Sigurado s'ya na ang babaeng lumapit kay Clark ay ang babaeng kausap ni Lisa noong nakaraang araw. Hindi s'ya pwedeng magkamali.
Alam din n'ya na hindi dumidiretsong umuwi si Lisa at hinihintay nito ang kanyang ama na sunduin s'ya.
Agad na dumiretso si Maria sa lugar kung saan madalas nag-aantay si Lisa.
Natyambahan n'yang naroon pa ito kasama si Clara na nag-iintay. Lumapit ito na wala paring emosyon ang mukha.
"Oh, Bes! Akala ko ba nagmamadali ka? Bakit nandito ka pa? Sasabay ka na ba sa amin?" tanong ni Clara.
Diretso lang ang tingin ng nanlilisik na mata ni Maria kay Lisa.
Dito na ito kinabahan.
"Ah. . ah Bes! Sasabay ka ba? Tara! Para mas masaya!" sabi nito.
Biglang natigilan ang lahat.
"May problema ba, Bes? Kung meron pwede mo namang sabi. . "
Hindi na naituloy ni Lisa ang kanyang mga sasabihin nang hinalbot na ni Maria ang kanyang suot na uniporme.
Nagkalapit ang kanilang mga mukha. Mukha ng isang galit at isang gulat na gulat at nagpapanggap na walang alam.
"Anong nangyayari sa inyong dalawa? Itigil n'yo 'yan!" pagpigil ni Clara.
"Teka! Teka! Anong problema mo, Maria! Bakit?" sambit ng natatakot na si Lisa.
Pagtaas na lamang ng kilay ang isinagot ni Maria.
Mga ilang minuto ring nagtitigan hanggang sa makita ni Clara na papalapit na ang parang wala na sa sariling si Clark.
"Sir!!" sigaw ni Clara.
Agad na narinig ni Maria ang sigaw na iyon at naramdaman na agad niya na pipigilan siya ng lalaking ito.
Siniguro n'yang hindi makakalapit ang lalaki kaya buong lakas n'yang kinaladkad si Lisa.
Maliit lang ang katawan ni Lisa kaya naging madali ito kay Maria.
Pilit na pinipigilan ngunit hindi na makawala si Lisa sa mga kamay ni Maria.
Umakyat ang dalawa sa building.
Ang pilit na nanlalaban na si Lisa ay halos magkanda sugat sugat na. Tila isang basahan itong kinakaladkad ni Maria papataas ng building.
Bawat hakbang sa hagdanan ay halos magkalasog-lasog na ang mga binti nito.
Hindi n'ya maintindihan kung bakit sobrang lakas ni Maria. Hindi s'ya makawala.
Ilang palapag rin ang kanilang dinaanan hanggang sa makarating ang mga ito sa pinakatuktok ng building.
Dito na parang basahang inihagis ni Maria si Lisa sa sahig.
Umaagos na ang mga luha nito at halatang takot na takot na.
Nang mga oras na iyo ay hindi na alam ni Lisa ang kanyang gagawin. Hindi pumasok kahit kailanman sa kanyang isip na kayang gawin ito ni Maria.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Misterio / SuspensoSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...