Nakakapagtakang lumipas rin ang ilang araw ngunit naging normal lang naman ang buhay ni Maria. Ni walang anumang bakas ng kapahamakan. Masaya pa rin silang naglalakad sa bawat pasilyo ng kanilang paaralan.
Hanggang,
"Maria, may nagpapabigay daw sa'yo!" tinig ng isa nilang kaklase na halatang halata sa itsura na sobrang kinikilig.
"Bulaklak? Wow naman! Sino kaya ang nagbigay?" sagot ni Clara.
Tinanggap ni Maria ang mga bulaklak nang may agam-agam sa sarili. Ngayon lang may nagbigay sa kanya ng ganito ka-garbong mga bulaklak na halatang mamahalin. Madalas ay simple o isang rosas lang ang natatanggap n'ya.
"Tignan mo meron yatang sulat!" sambit ni Lisa.
"Oo, meron nga, sandali." sagot ni Maria sa mahinahong boses.
Nilalaman ng sulat:
"Kahit ako hindi ko rin maintindihan ang naramdaman ko nung una tayong nagtagpo. Kahit na sa isang hindi magandang panimula.
Magkita tayo sa gate ng Greenwood Village, mamayang gabi, alas nwebe. Aantayin kita roon."
At pagkatapos basahin ay muli na namang gumuhit sa mga mukha ni Maria ang ngiting mapaghiganti. Tila isang biktima na naman ang kusang lumapit sa kanya.
"Patingin nga!" sambit ni Clara.
"Hindi magandang panimula? Anong ibig n'yang sabihin? Teka, parang alam ko na!" dagdag ni Clara.
"Tama ka, Clara. Ang lider ng Black Knight na kinabangga ni Maria kahapon. Actually, yun agad ang pumasok sa isip ko nung nakita ko ang mga bulaklak." sabi ni Lisa.
"Pero. . pero.. anong gagawin mo Maria? Sabi dito na aantayin ka daw n'ya mamayang gabi? Huwag kang pumunta, please!" pagmamakaawa ni Clara.
"Hayaan mo s'yang magdesisyon, Clara!" dagdag ni Lisa.
"Tama naman si Lisa, Clara! Minsan kailangan mo ring subukan para malaman mo." sagot ni Maria.
Subukan. Ang salitang palaging maririnig sa mga taong hindi sigurado sa mangyayari. Minsan maganda ang kinalalabasan ngunit madalas ay hindi umaayon sa inaasahan.
"Guys! Andyan na si Prof. Marquez yung substitute ni Ma'am Ganda, maghanda na kayo. Balik sa upuan ang lahat kung ayaw n'yong maparusahan. Nakakatakot na agad s'ya ang layo palang." sigaw ng presidente ng klase.
Si Prof. Marquez, isang guro sa Humanities, kilala bilang maselan at ayaw sa mga taong walang atensyon sa detalye. Bukod sa pagiging isang guro ay isa ring kilalang Talent handler at coordinator.
Nagsibalik ang lahat sa kanilang mga upuan. Parang may kung anong anghel na dumaan at ni isang kaluskos ay wala kang maririnig.
Pagtapak palang nito sa silid ay parang may kung anong presensya na agad ang naramdaman ng lahat. Presensya na may kilabot sa pakiramdam.
Umikot ang tingin nito na parang may hinahanap.
"Bakit sobrang tahimik naman ng klase na ito? Anong meron?" tanong nito.
"Walaaa poo!" sabay sabay na sagot.
"Ay! Ano ba 'to? Nasa pre-school ba ako? By the way, I am Mr. Marquez, your substitute teacher for this class today!"
"First things first, sit properly! Malalaki naman na kayo at sa palagay ko ay alam na ninyo ang tama at mali, let's start!"
Nagpatuloy ang klase. Halos walang nagsasalita. Lahat ay kinakabahan na baka matawag sila ng guro.
Pagkatapos ng isang madugong diskusyon ay nagkaroon sila ng maikling pagsusulit.
"Huwag n'yong subukang mangopya at igalaw man lang ang mga mata n'yo dahil baka bukas tapos na ang maliligayang araw ng pagiging buhay estudyante n'yo!"
Natapos ang pagsusulit at ang lahat ay sobrang kinakabahan.
"Kapag tinawag ko ang pangalan. Sabihin ang score sa quiz na ito." sabi nito.
Nagpatuloy ito sa pagtawag ng pangalan. Bawat estudyante na kanyang tinatawag ay kanya munang pinagmamasdan bago isulat ang nakuha nitong marka.
"Ms. Escudero!"
Parang bumagal ang oras at nilingon nito ang dalaga. Natigilan si Maria at napako ang tingin sa gurong tumawag sa kanyang pangalan.
"Ah. Ah sorry sir, 17 po."
"Good score, iha" sagot nito na mukhang napatitig kay Maria.
"By the way, I want you to go to the faculty room tomorrow morning. Understood?" sabi nito.
"Bakit po sir?" tanong ni Maria.
"Something confidential. I'll see you tomorrow." sagot nito.
Wala nang anumang lumabas sa bibig ni Maria kundi napatango na lang ito dahil mukhang hindi rin naman nito sasagutin ang tanong niya.
Pagkalipas ng isang oras. .
"Okay, everyone! Thank you for your cooperation. Sana magkita-kita pa tayo sa susunod!" sabi nito sa mga estudyanteng halos hindi na humihinga.
"And you, Ms. Escudero, don't forget, aantayin kita bukas!" dagdag nito.
Pagkatapos magpaalam ay agad na rin itong umalis na akala mo ay lumabas sa isang silid na wala namang tao.
"Grabe ka, Maria! Iba ka talaga. Bakit ka kaya pinapapunta sa Faculty Room bukas?" tanong ni Clara.
"Ewan ko! Baka naman natalinuhan sakin. Taas ng score ko no?" sagot ni Maria.
"Huh? E perfect score nga ako!" pagtataka ni Clara.
"Aba e malay ko! Bahala na, malalaman din natin bukas" sagot ni Maria.
"So ano Maria? Pupunta ka pala mamaya? Tutuloy ka ba talaga? Ako ang kinakabahan sa'yo. Wag ka nang tumuloy!" panghihikayat ni Clara.
"Ayan ka na naman, Clara. Bakit hindi mo na lang s'ya pabayaan?" sagot ni Lisa.
"Okay, sige! Basta sinabihan kita ha. I'm sure aware ka kung sino lang naman ang kikitain mo mamayang gabi." dagdag ni Clara.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...