Naging usap-usapan sa school ang nangyari. Maraming mga bibig na naman ang nabigyan ng pulbura kaya walang humpay na naman ang pagbuga.
Simula kinabukasan ay hindi na nakita pa sa school si Sir Mancho. Itinikom na rin ng mga kaguruan ang kanilang mga bibig. Walang inilabas na opisyal na pahayag ang paaralan ukol dito.
Pansamantalang hinalinhan ng kasamang guro sa subject ni Sir Mancho ang kanyang mga naiwang mga klase.
Ang dalagang inakala ng lahat na pinagsamantalahan ay umaktong tila hindi makalimot sa mga nangyari. Pinalipas rin niya ang isang linggo na hindi siya pumasok upang bahagyang maglaho ang usap-usapan.
Pagkatapos ng isang linggo. Sa Library.
"Papasok na kaya si Maria? Grabe, kung ako nga siguro 'yun baka hindi na ako lumabas ng bahay" sambit ni Clara.
"Bakit naman e hindi naman s'ya nagalaw, muntikan pa lang" sagot ni Lisa.
"Ah sabagay, may point ka. Saka buti naman at nagsasalita ka na. Akala ko pa naman napipe ka na!"
"Okay na 'ko. Sinabi na ngang kagagaling lang sa sakit. Ang kulit!" sagot ni Lisa.
"Uy! Ayun si Maria!" sigaw ni Clara.
Naglalakad si Maria na tila walang nangyari. Nakangiti pang kumakaway sa dalawa.
Nagtinginan ang dalawa. Nagtaka sa kanilang nakita.
"Kamusta kayo? Grabe isang linggo rin tayong di nagkita. Clara, tumaba ka!" sambit ni Maria.
"Ah. . Maria? Okay ka na?" tanong ni Clara.
"Oo naman, bakit naman hindi. Tapos na 'yun. Saka wag na natin pag-usapan, kinakalimutan ko na 'yun, kunwari nalang walang nangyari." sagot ni Maria.
"Oo, kunwari parang ikaw, ang hilig magkunwari!" pabulong na sabi ni Lisa.
"Anong sabi mo, Lisa? Bumubulong ka dyan" tanong ni Clara.
"Ah, Wala! Wala! Ikaw naman! Lahat nalang ng bagay gusto mong malaman"
"Oo nga pala, Lisa. Maayos na ang pakiramdam mo?" tanong ni Maria.
"Oo, pero kani-kanina lang parang biglang sumama ulit" sagot nito.
"Gusto mo samahan kitang magpatingin sa Doctor?"
"Hindi na. Mukhang nakalanghap lang ako ng masamang hangin. Ipapahinga ko lang 'to" sagot ni Lisa.
"Teka, punta lang ako sa C.R parang naje-jebs ata ako! D'yan muna kayo" sambit ni Clara.
"Sama ako sa'yo. Kukuha lang ako ng tubig sa drinking fountain" dagdag ni Lisa.
"So, ano 'to? Haha. Kababalik ko lang iiwanan n'yo na ako kaagad?" tanong ni Maria.
"Ano ka ba, kaya mo na 'yan. Basta kapag di ako agad nakabalik, alam n'yo na. Matigas. Matigas s'ya!" sagot ni Clara.
"Eeeee! Sige na, go na at baka kung ano pa ang masabi mo!" sambit ni Maria.
Naiwang mag-isa si Maria habang kanyang kinuha ang isang aklat sa kanyang dalang bag. Itinali ang kanyang mga buhok, kinuha ang isang earphone at nagsimulang magbasa.
Tahimik ng mga oras na 'yun dahil wala ring masyadong tao sa library.
Habang seryoso sa pagbabasa si Maria ay may biglang naupo sa kabilang bahagi ng lamesa kaharap n'ya. Dahil sa walang marinig at tutok sa kanyang binabasang aklat ay hindi n'ya ito agad napansin. Nang may biglang bumunot ng suot na earphone sa kaliwa n'yang tainga.
"Ano ba!" sambit nito.
"Oopps! Relax!" sambit ng lalaking itinaas nang bahagya ang dalawang kamay.
"Sir Clark?" sagot nito at biglang iniyuko ang mga ulo.
"Relax ka lang. Tao ako! Di kita sasaktan. I'm just here kasi napansin ko na mag-isa kang nagbabasa. Ms. Escudero, right?" tanong nito.
"Ah, yes sir. Natatandaan n'yo po ako?" tanong niya na hindi pa rin makatingin sa mukha.
"Of course, how can I forget the very straightforward Ms. Escudero!" sagot nito.
"But sir, I asked you diba, sabi mo I should say it."
"I didn't say you should, sabi ko if komportable ka lang naman na sabihin but here you are, bulls eye!"
"Ah. . sorry. . sorry sir. Actually, nagulat din ako sa mga sinabi ko." sagot ni Maria.
"No, it's okay. Actually, I like it. It means komportable ka sa klase ko. Right? Saka masasanay ka rin"
"Ah sir, would you mind if I ask kung ilan taon na kayo?"
"Sure, I'm 24! Why?" sagot nito.
Napangiti na lamang si Maria dahil tumama ang kanyang hula.
"Nothing sir. Naisip ko lang. Ang bata n'yo pa po palang professor"
"Well, after college, I have decided na i-take ko na agad ang graduate studies para after nun, I can directly teach sa university" sagot nito.
"Oh I see. Grabe ang sipag n'yo po." sambit ni Maria.
"Not masipag, takot lang magturo ng mga bata"
"Ah. Haha. Okay. I understand it now sir."
"By the way, what are you reading?" tanong nito.
Nung mga oras lang na'yon tumunghay si Maria. Nakita n'ya ang mapang-akit na mga tingin ng kanyang guro na alam n'yang hindi nito sinasadya.
Ipinakita nito ang binabasang aklat.
"Angel and Demons?" tanong nito.
"Nagbabasa ka ng mga ganito kalalim na kwento? Dan Brown 'to." dagdag nito.
"Well, interested po ako sa mga ganyang genre. Saka super intriguing yung theme about science and religion" sagot nito.
"I'm also into that kind of genre. Totoo ka, nakakaintriga." sagot nito.
Gustong gusto nang itanong ni Maria kung bakit nito naisipan na "Sex Education" ang ituro ngunit parang may pumipigil sa kanyang dila na nagsasabing huwag na lamang para matapos na agad ang usapan.
"That's why, I'm teaching Sex Education. Kasi it's a topic na about science and pwedeng i-connect sa religion" dagdag nito.
Nagulat si Maria, hindi n'ya inaasahan ang mga sinabi nito.
"Ah kaya po pala. I was about to ask that question pero yeah, sinagot n'yo na. Pero yun po ba talaga ang dahilan?"
Nagpatuloy ang usapan ng dalawa na umabot rin ng isang oras. Hindi inaasahan ni Maria na tatagal s'ya ng ganito kausap ang isang lalaki, Parang nakaramdam s'ya ng kapayapaan ng mga oras na 'yun. Marahil ay dahil nakita n'ya na may pagkakatulad silang dalawa. Ngunit sa kabila ng kanyang mga ngiti ay hindi pa rin n'ya maalis ang nakatanim ng galit sa mga lalaki. Habang pinagmamasdan n'ya ang kanyang kausap na guro ay bumabalik sa kanyang mga alaala ang mga mapapait na karanasan noong siya ay bata pa. Pero ang hindi n'ya maintindihan ay kung bakit tila hindi tumatayo mula sa pagkakaupo ang kanyang katawan, parang ipinako na ito.
"Actually, I'm quite curious about you. Maybe we can meet again some time and talk. Parang marami kang ideas. Maybe sa isang dinner?" tanong nito.
"Ah sorry sir, I think I'm late. Please excuse me."
Tumayo si Maria na tila hiyang hiya sa sarili at saka tumalikod paalis. Makikitang nakatingin pa rin ang guro sa kanya. Mga tingin na magulo ang kahulugan. Bahagyang natigilan s'ya dahil parang may kung anong pumipihit sa kanya pabalik sa kinauupuan. Ngunit napagpasyahan n'yang tumuloy.
"Just let me know your answer, Ms. Escudero!"
Lumingon ito nang dahan-dahan at saka tumango na malabo kung sumang-ayon ba o nagpaalam lamang.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Misterio / SuspensoSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...