Chapter 25- LABELED

7 1 0
                                    

Sa ilang buwan na ring pinagsamahan ng dalawa at sa paulit-ulit na ginagawa nila iyon ay ngayon lang naramdaman ni Maria ang labis na kaligayahan.

Alam n'ya na kaya nang ipagsigawan ng binata ang nararamdaman nito. Hindi na sila makukulong sa idinidikta ng lipunan.

Na hindi maaaring magkarelasyon ang guro at estudyante.

Unti-unti na ring nawawala ang galit na namuo sa kanyang puso.

Natapos ang kanilang pagtatalik at masayang nagpahinga ang dalawa.

"So. . pwede ko na bang malaman kung bakit ka nagkakaganyan?" tanong ni Maria.

Mukhang mas maganda na ang pakiramdam ni Clark at handa na itong sabihin ang tunay na dahilan.

"I know na hindi malinaw sa atin kung ano ba ang relasyon nating dalawa. Ngunit, hindi ko mapigilang isipin na baka sa isang iglap ay bigla ka nalang mawala. Hindi ko na alam kung paano mabubuhay kapag wala ka." sagot ni Clark.

"Hindi ko maintidihan, anong ibig mong sabihin?"

"Lalaki ako, Maria at ngayon ko lang ito naramdaman at naranasan. Hindi mo ako masisisi kung. . "

Natigilan ito dahil tila hindi kaya ng kanyang loob na isipin ni Maria ang totoong nararamdaman niya.

"Nagseselos ka? Saan?" tanong ni Maria.

"Oo, nagseselos ako at ayoko na nakikita kang may kasamang ibang lalaki, ayokong nakikipag-usap ka sa iba, ayokong ibinibigay mo ang number mo kung kani-kanino, ayokong lumalapit ka sa ibang lalaki, ayoko, dahil hindi ko kaya!"

Natulala na lang si Maria kahit hindi n'ya pa rin maintindihan kung anong mali ang nagawa n'ya.

"Ah, Clark. Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ni Maria.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan.

"Ayoko na ng ganito. Gusto ko nang malinawan. Sabihin mo sa akin, gusto mo ba talaga ako?"

Napatitig muna si Maria bago sinagot ang lalaki.

"Ano bang gusto mong mangyari? Hindi pa ba malinaw sa iyo ang lahat?"

"Hindi magiging malinaw sa akin hanggang hindi mo nililinaw kung ano ba tayo!"


"Oo na."


Isang sagot na matagal iniintay ng bawat lalaki sa mundo. Hindi man sa ganitong pamamaraan inaasahan ni Clark mangyayari ito ay parang tumalon sa saya ang kanyang puso.

"Ah, tama ba ako ng pagkakarinig?"

"Oo tayo na!"

Hindi na napigilan ni Clark ang sarili at niyakap na lamang nang sobrang higpit si Maria.

Walang mapaglagyan ang saya ng dalawa nang mga oras na iyon. Ngayon lang din ito naramdaman ni Maria sa mahabang panahon kahit na may kung anong bumabagabag sa kanya.

Tila may bagay pa rin na pilit humihigit sa kanya pabalik.

Pagkagising ni Clark kinaumagahan ay napansin n'ya na nawawala na naman si Maria.

Labis ang kanyang naging kaba at takot na baka sa pagkakataong ito ay magkatotoo na ang kanyang panaginip.

"Maria?!"

Agad s'yang bumangon sa pagkakahiga at hinanap ang nawawalang si Maria. Parang unti-unti na namang tumitigil ang tibok ng kanyang puso hanggang makita n'ya ang dalaga na nakangiting naghahanda ng kanilang umagahan sa kusina.

Dito na s'ya nakahinga nang malalim at nilapitan ang dalaga.

"Andyan ka lang pala. Akala ko. . "

"Akala ko?" tanong ni Maria.

"Wala naman. Akala ko panaginip lang ang lahat kagabi. Hindi naman ako nanaginip hindi ba?" tanong nito.

Napangiti si Maria.

"Ano ka ba, maupo ka nalang d'yan at antayin mong matapos itong inihahanda kong agahan."

"Nagluluto ka pala? Parang mabango 'yan!"

Dito na nagsimulang makampante si Clark. Tila umaayon na ang lahat sa inaasahan n'ya.

Mas naging maluwag na sa kanyang pakiramdam na malinaw na sa kanilang dalawa kung ano ba ang kanilang relasyon.

Pagdating sa school ay hindi na nito ibinaba si Maria sa lugar na walang masyadong nakakakita kundi sa mismong gate na ng school.

"Wait, anong iniisip mo? Sigurado ka ba?" tanong ni Maria.

"Babe, dahil malinaw na sa atin ang lahat at tayo na. Hindi na ako matatakot na ipaglaban ka! Kaya natin 'to nang magkasama." sagot ni Clark.

"Babe? Ang baduy! Uso pa ba 'yun?" tanong ni Maria.

"Ano bang gusto mo, darling? Baby? Mahal?"

"Parang mas magandang pakinggan ang Mrs. S!", isinunod sa apelyido ni Clark na Santos.

Natigilan at napangiti na lamang si Clark sa sinabi ni Maria.

"Okay, sige po, Mrs. S, ikaw ang masusunod!" sagot ni Clark.

"Mabuti naman, Mr. S, halika na at bumaba na tayo. May bagong mundo pa tayong kahaharapin." sabi ni Maria.

Unang bumaba si Maria sa sasakyan na sinundan ni Clark.

Tulad ng inaasahan ay pinagtinginan sila ng lahat ng mga estudyante. Mga matang mapanghusga. Mayroong kinilig ngunit karamihan ay nakaramdam ng inggit.

Isa sa mga unang nakapansin sa dalawa ay ang naglalakad ring papasok na si Lisa.

Nanlaki ang mga mata nito sa nakita. Hindi s'ya makapaniwala na makitang bumaba si Maria sa sasakyan ng kanilang guro.

Hindi n'ya mapigilang mag-isip nang masama. Sa puntong ito ay may naramdaman siyang masamang pakiramdam.

Pagdating sa classroom ay kapansin-pansin ang labis na ngiti sa mga labi ni Maria na hindi nito maitago.

"Uy, bes! Anong nangyari sa'yo? Nakadroga ka ba? Kailangan ka na ba naming ipa-rehab?" tanong ni Clara.

"Kaloka ka naman! Pag masaya nakadroga na agad? Hindi ba pwedeng kinikilig lang!" sagot ni Maria.

Habang sinasabi n'ya ito ay akmang pumasok si Lisa sa loob ng classroom at narinig ang kanyang sinabi.

"Oh, Bes Lisa! Andyan ka na pala! Himala at nauna sa'yo si Maria." sambit ni Clara.

"Ah. . medyo. . medyo traffic lang!"

"Ah okay, gets! Tara na mamaya darating na si Sir Prince Charming, mabubuo na naman ang araw ko! First subject pa lang, pwede na umuwi pagkatapos!" sagot ni Clara.

Bumalik na ang tatlo sa kanilang upuan at agad rin namang sumunod ang iba nilang mga kaklase dahil may sumigaw na naman ng,

"Andyan na si Sir Pogi!"

Hindi maintindihan ni Maria pero parang may kung anong kaba s'yang naramdaman. Sumabay pa na naging tahimik si Lisa sa hindi maintindihang dahilan.

Pumasok si Clark na masaya at labis ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi n'ya ito kayang itago lalo pa't nandoon sa klase na iyon si Maria.

Nagpatuloy ang klase. Habang nagbibigay ito ng quiz ay napansin ni Lisa ang pasulyap-sulyap na pagtingin ni Clark kay Maria.

Hindi ito mapigilan ng binata.

Dito na labis na nagtaka si Lisa. Parang may kung anong bumubulong sa kanyang isip. 

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon