Chapter 30 - FIN

14 1 0
                                    

Ang isa sa pinakamisteryosong bagay sa mundo ay kapag minsan mong ibinigay ang iyong sarili ngunit naiwan ka lamang mag-isa.

Maswerteng nakaligtas si Clark sa aksidenteng nangyari at hindi rin nagtagal ay natanggap rin n'ya ang katotohanang isang ilusyon lamang si Maria. Isang imahinasyon, isang panaginip.

Ngunit alam n'ya sa kanyang sarili na hinding hindi na mawawala ang dalaga sa kanyang puso.

Ikinwento lahat ni Lisa ang lahat nang nangyari sa kanila ni Maria.

"Nais ko lamang linawin ang lahat sa iyo anak. Ang lahat ng iyong binanggit noon sa akin ay eksaktong eksakto sa mga nangyari sa realidad. Kinakabahan ako, hindi ako makatulog sa gabi simula noong umuwi tayo dito sa bahay dahil. . dahil ayokong mangyari sa'yo ang nangyari sa ama mo. Namatay ang iyong ama sa isang bangungot. Ilang gabi na siyang dinadalaw ng kakaibang mga panaginip na kahit kailan ay hindi n'ya ikinuwento sa akin hanggang sa bawian s'ya ng buhay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin kung ano ang pinakadahilan at kahit na ang ang mga doctor ay hindi iyon maipaliwanag. Ayokong matulad ka sa kanya lalo na ngayon na malinaw mong naikwento sa akin kung ano ang mga laman ng iyong panaginip.

Bata pa lang ay malapit na ako kay Maria. Mabait s'ya at palakaibigan. Kaya naging madali sa akin na magutuhan siya. Isa pa, siya lang ang nag-iisang lumapit sa akin upang kaibiganin ako dahil noong nag-aaral pa kami ay halos nakalimutan ko nang ayusin ang aking  sarili. Siya ang nagparamdam sa akin na may makatatanggap pa rin pala sa isang katulad ko. Hanggang sa magustuhan siya ng iyong ama. Ngunit noong panahon na iyon ay gustong gusto ko na rin si Brent.

Ang akala ko noon ay may gusto rin si Maria sa iyong ama.

At tama ka. Lahat noon ay ginawa ko para sirain s'ya. Dahil inggit na inggit ako sa kanya. Naisip ko na kung mapananatili ko ang pagkakaibigan namin ay mas magiging madali para sa akin na gawin iyon kaya nanatili kaming magkaibigan hanggang sa huli.

Ngunit lumabis na siya hanggang sa masiraan na ng ulo. Totoo ang nasa panaginip mo. 

Nahulog s'ya mula sa isang sampung palapag na building.

Pero ang gusto ko lamang linawin sa'yo ay hindi ko s'ya itinulak gaya ng sinabi mo. Kusa n'yang inihulog ang kanyang sarili kaya nga ang nakita rin sa imbestigasyon ay nag-suicide s'ya. Ngunit hindi ko maintidihan kung bakit tila ako ang sinisisi n'ya sa mga nangyari.

May isa ka pang dapat malaman anak." paliwanag ni Lisa.

"Ano 'yun, Ma?" tanong ni Clark.


"Imposibleng minahal ka ni Maria." sagot nito.

"Bakit? Pero mukhang ako lang ang lalaking nagpasaya sa kanya!" tanong ni Clark.

"Tulad nga ng nabanggit ko sa iyo. Mukhang napagkatuwaan n'ya ang iyong mga panaginip. Imposibleng mahalin ka n'ya dahil kahit hindi n'ya kailanman sinabi sa amin. Base sa lahat ng kwentong inilahad n'ya noong kami ay magkaklase pa lamang, namuo ang isang malaking galit sa kanyang puso sa mga kalalakihan. 

Siya ay isang misandrist.

Yun din ang hinala ko kung bakit kayong dalawa ng iyong ama ang pakay n'ya. Madalas at paulit-ulit n'yang sinasabi noon na hinding hindi s'ya magmamahal ng lalaki.

Hindi ko man alam kung gaano n'ya ginulo ang iyong damdamin ngunit humihingi ako ng tawad anak! Nadamay ka pa sa gulong ito." dagdag ni Lisa.

"Pero bakit ipinaramdam n'ya sa akin yun? It's like she really loves me, Ma!" tanong ni Clark.

"Isa lang ang malinaw, Clark. Gusto ka n'yang sirain gaya ng ipinangako n'ya bago s'ya nagpakamatay. Paulit-ulit n'yang sinabi na babalik s'ya upang maghiganti." sagot ni Lisa.

Naging mas malinaw na ang lahat kay Clark.

Ang lahat ng ito ay resulta lamang ng hindi pa natapos na misyon. Isang paghihiganti.


Kahit na malaki ang agam-agam ay dinala ni Lisa si Clark sa puntod ni Maria. Hindi maintidihan ni Clark ngunit bumuhos na lamang ang luha sa kanyang mga mata.

Madalas pa rin n'yang napananaginipan si Maria. At dahil dito ay parang paulit-ulit na bumabalik ang kanyang pagmamahal sa dalaga.

Nagpatuloy siya ng buhay na tila nakatali sa mga alaala nito. 

Dahil doon ay hindi na kailanman pa nagmahal ng ibang babae si Clark. Lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay hindi na nito pinagbibigyan.

Namuhay siyang mag-isa.

Mag-isa kasama ang mga bagay na wala naman siyang kinalaman.

Gayunpaman ay nanatili s'yang buhay sa mahabang panahon.



Kailan nga ba magiging tama ang paghihiganti?

Ang bawat bubog ng ating nakaraan ang siyang nagbibigay sa atin ng lakas para magpatuloy sa buhay. Ngunit paano magpapatuloy kung mayroong poot, galit, inggit, at kalungkutang namuhay na sa ating kaluluwa.

Si Maria ay representasyon ng lahat ng mga kababaihang inapi at pinagsamantalahan.

Ang mga karanasan n'ya ang humubog sa kanya upang makagawa ng mga bagay na hindi katanggap-tanggap.

Kahit na anong tanggi ay alam nating may isang mariang namuhay sa atin. Puno ng poot at galit.

Mananatili s'yang buhay hanggang may mga pusong nagnanais na maghiganti.



Ito si Maria, isang misandrist at ito ang kanyang kwento.



                                                                           ***FIN***

                                            

                                                                   



                                                                    All rights reserved.

                                                           @TheBoyDownUnder2020 

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon