Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasusunod ang plano. Sabi nga, kahit gaano mo pinaghandaan ang isang bagay ay may posibilidad pa rin na pumalya.
"Ms. Escudero! Ms. Escudero? Is Ms. Escudero around?"
Tahimik ang lahat dahil tila seryosong seryoso ang pagtatanong ni Clark. Nagtataka ito at bahagyang kinakabahan dahil sa mga nakita n'ya kahapon.
"Present, Sir! Sorry, I'm late."
Ang lahat ay nakatingin kay Maria na nang mga oras na 'yun ay puro pasa. Napanatili nito ang katahimikan sa paligid.
"Ah, Ms. Escudero, are you okay?" tanong ni Clark.
Walang imik na pumasok ng silid si Maria. Tila nababanaag sa kanyang mga mukha ang matinding paghihirap na kanyang pinagdaanan. Ang lahat ay nakatitig lamang sa kanya hanggang sa s'ya ay umupo.
"Okay, class! Today, we'll discussed some ways on how to make sex an unforgettable experience."
At tulad ng inaasahan, nakarinig ang lahat ng word na "Sex" at mula sa pagkakatitig kay Maria ay parang pinihit ang ulo ng mga ito at tumingin sa guro.
"I'm just kidding. Instead, ang lesson natin today is how to avoid being engage in a sexual intercourse at a very young age."
Biglang bumagsak ang mukha ng mga estudyante ng makarinig ng "Avoid".
Nagpatuloy ang klase. Parang walang nangyari na kumilos si Clark bilang isang guro. Makikita pa rin ang mga babaeng halos kumislap ang mga mata sa kakatitig sa kanya.
Samantala, hindi pa rin mapigilan ng dalawa na tanungin si Maria.
"Maria, a. . a. . anong nangyari sa'yo? Bakit puro ka pasa?" tanong ni Clara.
Tahimik at wala pa ring imik si Maria. Tila walang naririnig. Samantalang si Lisa ay hindi na nakabuka pa ang bibig.
"Well, first we have to know kung bakit ba na-eengage ang isang kabataan like you sa sex. Basically, ang pinaka-ugat talaga is ang tinatawag natin na "Kontrol" at "Emosyon". Minsan dahil sa emosyon na ating nadarama ay nawawalan na tayo ng kontrol sa ating mga sarili. Kapag mataas ang emosyon nang kagustuhan na lumigaya ay nawawala tayo sa sarili hanggang sa masabi nalang natin na tayo ay nabiktima ng "Tukso". paliwanag ni Clark.
Bigla na lamang tumulo ang luha sa mga mata ni Maria. Maraming bagay ang pumapasok sa kanyang isip ng mga oras na 'yun.
"Maria, okay ka lang ba? May masama bang nangyari sa'yo? Sumagot ka para maintidihan namin" sabi ni Clara.
Parang gripo na namang pinihit ang ulo ng kanilang mga kaklase na halatang halata na uhaw sa maanghang na balita.
Pinahid na lamang ni Maria ang kanyang mga luha at nagpanggap na walang nangyari.
"Okay lang ako, bes! Ano ka ba? OA mo talaga. Nadulas lang ako kanina dun sa daan papunta sa'min e ang daming taong nakatingin, nakakahiya, naalala ko lang, tapos ayun naiyak na ako!" sagot ni Maria.
"Sigurado ka? Baka gusto mong pumunta sa clinic?" tanong ni Lisa na bigla na lang nagsalita.
"Mamaya na pagkatapos ng klase ni Sir Clark. Alam ko naman na inaabangan n'yo 'tong subject na 'to!" sagot ni Maria.
Kahit na sinabi ni Maria na wala siyang problema ay mababanaag parin sa mukha nito ang takot.
"Kringg!!"
Hudyat na tapos na ang klase. Hudyat rin na mayroon silang dalawang oras na bakante.
Maingay na naglabasan ang lahat. Kanya-kanyang pinag-uusapan kaagad na akala mo ay pinindot na remote control. Marahang tinutulungan ni Clara at Lisa na maglakad nang maayos si Maria para makarating sa clinic.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Mystère / ThrillerSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...