Chapter 29 - AWAKENED

8 0 0
                                    

"Mariaaaa!!"

At nagmulat ang mga mata nito.

Mga matang puno ng luha. Unti-unting nasilayan n'ya ang mga pamilyar na ilaw. Parang tinatawag s'ya kung saan.

Mayroon ring mga pamilyar na tunog.

Iginala ng binata ang kanyang mga mata. Isang malaking katanungan? Nasaan s'ya?

Hanggang sa mapansin n'ya ang makinang madalas na makita sa isang ospital. Doon na rin s'ya nagsimulang pansinin ang mga tubong nakakabit sa kanya.

Isang malaking kababalaghan ngunit nasa isang kwarto s'ya ng ospital. Balot ng kasuotang pang-pasyente.

Pagtingin n'ya sa kanyang kanan ay nakita n'ya ang isang babaeng natutulog hawak ang kanyang braso.

Hindi maintindihan ni Clark ang kanyang nararamdaman. Labis s'yang naguguluhan sa mga nangyayari. Nananaginip na naman ba s'ya? Ito ba ang karugtong ng kanyang bangungot?

Malinaw pa rin sa kanyang alaala ang lahat ng mga nangyari.

Dito na n'ya sinimulang pisilin ang kanyang balat. Nagbabakasakali na isa nga lamang itong panaginip.

Ngunit kahit na ano ang kanyang gawin ay tila balewala. Nakahiga pa rin s'ya katabi ang isang babaeng kilalang kilala n'ya. Ang kanyang ina.

Hinawakan n'ya ito at agad naman itong nagising.

"Ay Diyos ko! Gising ka na ba? Totoo ba 'to? Salamat! Salamat!" sabi ng kanyang ina.

Umiyak ito habang yakap ang sugatang binata.

Hindi pa rin nagsasalita si Clark sa paniniwalang isa lamang ulit itong panaginip.

"Akala ko talaga wala nang pag-asa. Ang sabi ng doctor ay magiging tila lantang gulay ka na lang daw. Pero heto ka at mukhang maayos naman ang lahat!" dagdag nito.

Hindi mapakali si Clark. Hindi n'ya matanggap na nasa isang panaginip s'yang muli samantalang may masamang nangyari kay Maria.

Mula sa bahagyang pagkakabangon ay humiga itong muli at pilit na natutulog sa pag-asang sa paggising n'ya ay babalik na sa normal ang lahat.

Paulit-ulit n'yang binabanggit ang pangalang,

"Maria!"

Nanlaki ang mata ng kanyang ina. Hindi n'ya alam kung epekto lang ba ng gamot at nagkakaganito ang kanyang anak.

Dito na s'ya nagsimulang tumawag ng nurse.

Dumating naman agad ito at tinurukan ng pampakalma ang binatang halos nagwawala na sa pagpupumilit na makatulog.

Kumalma naman agad ito pagkatapos ng ilang minuto ngunit paulit-ulit n'ya pa ring binabanggit ang pangalan.

Natigilan ang kanyang ina. Hindi ito makagalaw. Parang may kung anong pumulupot sa kanya.

"Maria!!"

Pamilyar ang pangalang iyon.

Ngunit naisip n'ya na baka naman kapangalan lamang ito. Kaya ipinagpatuloy na lamang n'ya ang pagtapik sa binatang unti-unti nang nanghihina.

Hindi n'ya maalis ang katotohanang nabagabag s'ya nang marinig ang lahat ng iyon sa kanyang anak.

Nang biglang pumasok ang doctor.

"Doc, kamusta po? May problema po ba?

"Misis, kahit ako man ay nagulat sa nangyayari sa inyong anak. Mula sa aming mga test ay napakaliit na lamang ng tyansya na siya ay bumalik ulit sa normal. Sa totoo lang halos wala na nga. Masama ang pagkakabangga n'ya at pagkakabagok ng kanyang ulo at maraming namuong dugo sa kanyang utak. Ngunit, oobserbahan pa rin natin s'ya dahil maaaring may mga pagbabago pa sa mga susunod na araw."

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon