Chapter 23 - THE ACCIDENT

8 0 0
                                    

Ang inakala mong normal na buhay ay nababalot pala ng kababalaghan. Minsan matatanong natin sa ating sarili na ang buhay ba na mayroon tayo ngayon ay ang katotohanan o para lang tayong binubulag ng mundo.

Tulalang naglalakad si Clark. Hindi n'ya maintindihan kung ano ang mga nangyayari. Nasaan na nga ba si Maria?

Sigurado s'ya na tamang klase ang kanyang pinuntahan. Ngunit ang isa pa n'yang ipinagtataka ay wala rin doon ang mga kaibigan ni Maria.

Pagpasok sa Faculty room ay pinagtitinginan na s'ya ng mga kapwa n'ya guro.

"Uhm, Sir, okay ka lang ba?" tanong ng isang guro na halatang may gusto kay Clark.

Dito na natauhan si Clark.

"Ahh yes, Ma'am. Don't worry. May naalala lang ako." sagot nito.

Agad na pumasok sa isip ni Clark na tanungin ang adviser ng klase, si Mrs. Aquino. Nilapitan n'ya ito kaagad.

"Ma'am?" tanong nito.

"Yes, sir? Anong kailangan mo?" sagot nito.

"Uhm??"

"May problema ba sir? Parang may gumugulo sa isip mo? Alin? Yung mga estudyante ba natin na may crush sa'yo? Ay nako, di ka pa naman nasanay, taon-taon naman 'yan diba?"

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan.

"Where is Ms. Escudero?" tanong ni Clark.

Natigilan nang konti si Mrs. Aquino.

"Sorry? Who's Escudero? Baka Elpero, si Nancy na palaging walang tigil ang talak sa classroom. Papagalitan ko na ba ulit?" sagot nito.

Sobrang naguluhan si Clark.

"Ah. . yeah. .tama Ma'am. Sorry. Si Ms. Elpero pala. Hindi naman. .natanong ko lang." sagot ni Clark.

"Okay. Ikaw ha! Sinong Escudero 'yan? Baka naman may natitipuhan ka ng babae."

"Ma'am, palabiro ka talaga. Baka nalito lang ako sa dami rin kasi ng mga students natin."

"Yeah! Baka sa ibang klase s'ya. Have you checked the other class?"

"Oh, baka nga. Don't worry, Ma'am. Baka si Ms.Elpero nga. Nalito nalang ako." sagot ni Clark.

Lalo s'yang nabagabag sa mga nangyayari. Nananaginip lang ba s'ya ngayon?

Tinapik tapik at kinurot n'ya ang kanyang sarili ngunit tila wala namang nangyayari. Nakatayo pa rin s'ya kaharap ang mga abalang kasamang guro.

Bumalik ito nang tahimik sa kanyang kinauupuan. Sumasakit na ang kanyang ulo sa kaiisip.

Natapos ang araw at napagdesisyunan na ni Clark na umuwi na lang.

Sobrang likot na ng kanyang isip at hindi na s'ya mapakali.

Pagsakay n'ya ng kanyang sasakyan ay agad na pinaandar n'ya ito ng mabilis upang balikan ang bahay ni Maria.

Sobrang nag-aalala na s'ya at hindi na n'ya maintindihan ang kanyang nararamdaman.

Paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip.

"Isa lang ba 'tong panaginip?"

Pagdating n'ya sa bahay nina Maria ay muli nitong kinatok ang gate. Umaasang lalabas si Maria.

Lumabas na naman ang matandang babae upang siya ay kausapin.

"Oy, Iho! Sino bang hinahanap mo? Baka nagkakamali ka ng bahay. Matagal na panahon ng walang nakatira d'yan. Abandunadong bahay na 'yan!"

Parang isa-isang natunaw ang larawan ng bahay sa paningin ni Clark. Ngayon lang naging malinaw sa kanya ang itsura nito.

Halos wala nang makatitira dito.

Dahil sa dami ng gumugulo sa kanyang isip ay hindi na n'ya nasagot pa ang matanda at agad na umalis.

Habang nagmamaneho ay paulit-ulit sa kanyang isip ang,

"Nasaan ka, Maria?"

Labis na nababagabag na s'ya. Pinagpapawisan. Hindi mapakali.

Naaalala n'ya ang pagkakataong labis s'yang pinasaya ni Maria. Wala na siyang naiisip kundi ito na lamang.

Sa sobrang hindi mapakali ay hindi na n'ya napansin na sobrang bilis na pala ng kanyang pagpapatakbo.

Kinakabahan.

Naguguluhan.

Nang bigla na lang n'yang napansin ang isang matandang papatawid ng kalsada.

Agad n'yang iniliko ang kanyang sasakyan ngunit nakalimutan n'yang mag-preno.

Tumama ang kanyang sasakyan sa isang malaking puno at nawalan na s'ya ng malay.


Ang tanging naaalala na lamang n'ya nang sandaling bumalik ang kanyang kamalayan ay ang mga ilaw sa ospital na mabilis na lumalagpas sa kanya at ang kanyang ina na labis na tumatangis na dinadala s'ya papasok ng operating room hanggang sa ipikit na n'yang muli ang kanyang mga mata.

Tila pinaglalaruan na lamang siya ng tadhana. Hindi n'ya maintindihan kung anong kasalanan n'ya at nangyayari sa kanya ang lahat ng mga ito.



Biglang nagmulat ang kanyang mga mata.

Isang magandang umaga. Maliwanag na ang sikat ng araw.

Napansin n'ya na nasa bahay na s'ya ulit at napangiti na lamang ito.

Nag-unat s'ya ng katawan nang mayroon s'yang naramdaman.

Dahan-dahan n'yang nilingon ito.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

Sumambulat sa kanya ang natutulog na si Maria. Nakatapis lamang ito ng kumot.

Panandaliang tumigil ang tibok ng kanyang puso ngunit nakaramdam s'ya ng kapayapaan at kasiguruhan.

Kasiguruhan na ang inakala niyang insidente ay isa lamang palang panaginip. 

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon