Chapter 10- UNMASKED

12 2 0
                                    

Minsan hindi natin maintindihan ngunit pero kapag ang isang lalaki ay puro pasa at duguan, mas lalong lumalakas ang dating. Nang mga oras na 'yun ay natulala na lamang si Maria habang pinagmamasdan ang lalaking nagbuwis ng buhay para sa kanya. Hindi n'ya alam kung saan huhugutin ang mga salita dahil parang ayaw makisama ng kanyang mga dila.

"Okay ka lang? Nasaktan ka ba?"

Bigla nalang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Isang bagay na alam n'ya na hindi dapat mangyari. Ngayon n'ya lang 'to naranasan sa labingwalong taon na nabubuhay s'ya sa mundo.

"Ah. . (Hindi mapakali ang kanyang mga mata), o. . okay lang po ako,

Sir Clark!"

Sagot ni Maria sa lalaking hinihingal pa mula sa ginawang pagliligtas sa kanya.

"That's good to hear. Actually. . .a I saw you running late at night and naisip ko lang na tignan kung anong problema then I bumped into these guys na humahabol sa'yo. Wala, call of duty, and mabuti naman na ligtas ka." sagot nito na hinihingal pa rin.

"Sir, nagdudugo ang labi n'yo at ang dami n'yong pasa, halika sir, tulungan kita papunta sa isang convenience store na bukas pa." sagot ni Maria.

Halos hindi malaman ni Maria kung paano magsisimula o kung paano n'ya tutulungan ito.

"Ahh, ang sakit!" sambit nito.

Kusa nalang gumalaw ang mga braso ni Maria at inalalayan ang lalaki.

Halatang-halata na hindi komportable si Maria sa kanyang ginagawa ngunit ang inisip na lang n'ya ng mga oras na 'yun ay ang magpanggap. Magpanggap na kunwari s'ya ay labis na nagpapasalamat. Ngunit bakit ganon? Tila may pag-aalala sa kanyang loob na hindi n'ya maintindihan.


"Nandito na tayo, sir! Umupo ka muna, bibili lang ako ng alcohol at bulak" sambit ni Maria.

"Alcohol?"

"Yes, Sir. Para malinis 'yang mga sugat mo."

"Pwede bang tubig nalang?"

Napatitig si Maria sa lalaking tila nagmamakaawa na tubig nalang ang gamiting panglinis at saka,

"Sir? Seryoso ka ba? Hahaha. Takot ka sa alcohol? Sa laki ng katawan mo?" sagot ni Maria.

Napayuko nalang si Clark at napangiti. Habang si Maria ay nagpatuloy na sa counter para bayaran ang mga pinamili.

"Here you go, sir! It's time!" sambit ni Maria.

"Seryoso ka na ba?"

"Mukha ba akong nagpapatawa sir?"

"Sige, pero dahan-dahan lang ha? Mahina ang tolerance ko sa alcohol"

"Pero grabe kang nakipagbugbugan kanina. Sorry sir. I'll try."

Marahang idinampi ni Maria ang bulak na ibinabad sa alcohol.

"Ahh, wait wait. Wew!"

"Sir, umpisa pa lang, relax ka lang po!"

Nang mga oras na iyon ay tila aliw na aliw si Maria na makitang nasasaktan ang lalaki. Tila isang palabas para sa kanya ang mga nangyayari.

"Wait! Wait! Bakit ang diin? Dahan-dahan lang? Grabe ka sa'kin, iniligtas na nga kita tapos sasaktan mo lang pala ako"

"Ooppss! Sorry sir! Sinubukan ko naman kaso hindi natatanggal kung dahan-dahan" sagot ni Maria.

Nakatingin lamang si Maria sa sugat sa noo nito habang halos matunaw na ito sa katititig ni Clark.

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon