Hindi talaga lahat ng bagay ay kaya mong itago lalo na sa mga taong mas nakakakilala sa'yo.
Pumasok si Maria sa loob ng campus na bahagyang nakatakip ang mukha upang hindi mamukhaan ng mga kapwa estudyante at upang hindi maging tampulan ng tukso.
Naglalakad s'yang parang walang nangyari.
"Ey, Maria! Why are you absent yesterday?" tanong ng isa n'yang kaklaseng lalaki.
"I'm sick dude! Bakit na-miss n'yo ba ako?" sagot nito.
Naglalakad pabalik sina Clara at Lisa mula sa canteen an may hawak na pagkain.
"Ikaw talaga ang hilig-hilig mong kumagat sa kinakain ko, mayroon ka naman! Dun ka na kaya tumira sa amin!" sambit ni Clara.
"Ikaw naman bes! Para isang kagat lang. Namatay ka ba sa kagat ko? Grabe s'ya ha!" sagot ni Lisa na mas komportable talagang kausap si Clara.
"Nga pala, ano na bang balita kay Maria? Hindi pa s'ya ulit nagtetext sa akin. Hindi mo ba kinakamusta?" tanong ni Clara.
"Hindi. Palagi kong nakakalimutan. Bakit hindi ikaw ang magtanong tutal marami kang oras sa pakikipagtawagan sa jowa mong kamukha mong nerd!" sagot ni Lisa.
"Ouch! Ang sakit pala pag sa'yo galing! Oo na ako na ang weirdo!" sagot ni Clara.
Agad na dumiretso ang dalawa sa classroom para hindi mahuli sa susunod nilang klase, ang "Sex Education" subject.
Pagdating sa classroom ay nakita nilang dalawa na nag-aayos ng gamit si Maria para sa susunod na klase.
"Hooooy!! Nandito ka na pala, bakit wala kang pasabi?" sigaw ni Clara.
"Hooooy!! Andito na ako, buhay na buhay! Malakas pa sa tatay mo!" sagot ni Maria.
"Grabe parang bihira ka lang naman magkasakit bes! Pwede ka naman sa Miyerkules nalang pumasok. Don't worry wala tayong exam today and ako na ang sasagot kapag nagtawag sa attendance!" dagdag ni Clara.
"Ano ka ba, okay na ako! Hindi mo ba nakikita?" sagot ni Maria.
"So, ano ba talaga nangyari sa'yo kahapon?" tanong ni Lisa na tila may ibang tono ang pananalita.
Habang binabanggit n'ya ang kanyang tanong ay agad nitong napansin ang pasang itinatago ni Maria sa ilalim ng manggas ng kanyang uniporme.
"Nilagnat ako bes! Grabe, hindi talaga ako makatayo!" sagot nito.
"Ah, nilagnat? Ganito ba ang nilagnat?"
At itinaas ni Lisa ang manggas ni Maria at sumambulat sa kanila ang mga pasa nito sa braso.
Natigilan ang tatlo nang saktong may isang guro na naman ang pumasok sa kanilang classroom.
Tila robot na nagtayuan na naman ang lahat. May kung anong takot ang biglang kumalat sa paligid.
"It's nice to see you again!" sagot ng guro.
Inayos muna ni Maria ang kanyang gamit bago tumayo.
"Good morning, Mr. Marquez!"
At tila isang mabagsik na hayop na biglang nanlisik ang mga mata ni Maria.
Nang magsiupo na ang lahat ay naiwang nakatayo si Maria at mula sa pagkakatalikod ay humarap si Prof. Marquez.
"Ay sus porsanto santisima!" Ang naisigaw na lamang nito habang tila mabilis na pinihit na naman ang ulo ng mga kaklase ni Maria.
Mga ilang minuto rin silang nagtitigan habang nanlalaki na ang mga mata ni Prof. Marquez sa gulat at takot. Tila isang multong biglang nagpakita sa loob ng isang classroom si Maria.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Misteri / ThrillerSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...