Natapos ang kanilang mga klase at tulad nang inaasahan ay humiwalay na naman si Maria na nang mga oras na 'yun ay hindi kababanaagan ng kaba o takot.
Dumiretso na ito at hindi na nagpalit pa ng suot na damit. Malayo-layo rin ang Greenwood Village at kinailangan pa n'yang sumakay ng taxi para makarating doon.
"Ah, manong, d'yan nalang sa tabi! Eto po ang bayad" sabi ni Maria na pababa na sa taxing sinakyan.
Pagbukas ng pinto ay makikita na madilim na ngunit pinaliliwanag ng mga ilaw sa gate ng village ang malamlam at tahimik na lugar.
Agad nakita ni Maria ang isang lalaking nakasandig ang katawan sa pader ng gate at nakasuot ng isang saklob.
Lumapit s'ya rito at hindi na rin nagulat na tama ang hinala ni Lisa.
Si Kevin, ang lider ng grupo. Ang lalaking nakabangga n'ya noong isang araw.
"Mabuti naman at dumating ka! Kanina ka pa namin hinihintay!" sabi nito.
"Namin?" sabi ni Maria na nung mga oras na 'yun ay labis ang pagtataka.
"Wag kang mag-alala. Di ka namin sasaktan. Pinapunta kita dito kasi nakuha mo ang pansin ko. Iba ka sa lahat."
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Maria.
"May party sa bahay at gusto ko sana na makasama ka ngayong araw. Akala ko pa naman ay dito na ako matutulog sa gate pero heto at dumating ka!"
"Party? Bakit anong meron?"
"Wala naman. Ganon lang talaga kami. Actually, inihanda ko ang party na 'yun bilang isang selebrasyon kapag dumating ka. Walang party kung hindi ka dadating."
"Ah okay. So, ano ba talaga ang pakay mo sa akin? Kailangan ko na rin umuwi mamaya at baka mag-alala ang nanay ko!"
"Gusto mo ba tawagan ko s'ya?"
"Hu-huwag na! Sige na! Basta mabilis lang tayo."
Agad na sumama si Maria kay Kevin na noong mga oras na 'yun ay labis ang ngiti sa mga labi. Sumakay sila sa sasakyan nito at dumiretso papasok sa village.
Walang imik ang dalawa kahit na maya't maya ang tingin ni Kevin kay Maria.
Pagkarating nila sa bahay ni Kevin ay labis na namangha si Maria sa kanyang nakita. Pagbukas n'ya ng pinto ay bumungad na agad ang mga lamparang nakahilerang nakabitin sa itaas. Napapalamutian ng mga fairy lights ang buong paligid. Nakalatag din sa sahig ang isang pulang carpet na binuhusan ng pulang rosas.
Wala nang nasabi pa si Maria. Ipinakita na lamang n'ya sa lalaki na mangha-mangha s'ya sa nakita n'ya. Pumasok sila sa bahay at ang bungad na agad ay ang apat na lalaking nakaupo sa isang engrandeng hapag para sa fine dining. Lumingon ang mga ito nang marinig na nagbukas ang pinto.
"Pare, andyan na pala kayo! Mabuti at dumating s'ya. Akala namin hindi na matutuloy ang party!" sagot ng isang miyembro, si Cairo.
"Wala ba kayong tiwala sa akin. Ano pa't ako ang naging lider ng grupo. Halika, Maria! Maupo ka!" pagyayaya ni Kevin.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ni Maria.
"I have ways. Huwag mo na itanong. Let's enjoy the night!"
"Pero sabi ko saglit lang ako!"
"Pwede ba naman ang saglit lang sa party!"
At nagtawanan ang lahat.
"By the way, I'm Kevin ang pinakagwapo sa grupo!"
"Wooh! Magtigil!" sagot ng iba.
"Ako si Cairo! . . I'm Karl . . Bruce at your service . . Marcelo. No! Marcel nalang!"
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...