Chapter 20- TWISTED

9 0 0
                                    

Kumalat sa social media ang larawan ng isang guro na may katabing estudyante sa c.r kinabukasan. Naging usap-usapan ito ng lahat ng estudyante na halatang halatang mabilis maniwala sa mga nababasa sa internet.

Agad na pinabulaanan ito ng mga kapwa guro sa isang assembly na ginanap araw ng Huwebes.

"Ipinatawag namin ang lahat para mapag-usapan nang maayos ang kumakalat na larawan ng isa nating guro. Isang guro na ang nasira ang buhay dahil sa mga pangyayari sa eskwelahang ito at hindi na namin hahayaan na maulit pa ito!" sabi ng administrador ng paaralan.

"Walang masamang ginawa ang teacher na nasa larawan at hindi inaasahan lamang na makulong sa palikuran kahapon. Kami ay humihingi ng pabor na nawa ay magtulong-tulong ang lahat na mabura ang larawan na kumakalat ngayon sa social media. Kung hindi n'yo ito buburahin at may mahuli pa kaming nagpapakalat ng larawan ay sinisiguro namin na mapapatawan ng parusa ang sinomang hindi susunod!" dagdag nito.

Biglang kumunot ang noo ng karamihan sa mga estudyante na tila napagbabawalan silang gawin ang mga kagustuhan nila. Kaya,


"Boooooooo!!!" ang tanging maririnig sa buong paligid.

Labis na nagalit ang administrador habang umiiyak sa isang sulok ang gurong nasa larawan, Si Mr. Marquez na nakasandig ang ulo sa estudyanteng nakabukas ang butones ng uniporme sa larawan. Kilala sa paaralan ang lalaki dahil sa itsura nito at napakaraming babae ang tila nais maipaghiganti ang ginawa ng guro sa lalaki, si Juancho na hindi na nakayanan pang pumasok pagkatapos kumalat ang litrato. 

Makikita ang ilang kababaihang tila namatayan ng kamag-anak. Ang ilan naman ay labis na nanggagalaiti sa gurong itinuring nilang karibal.

Ang noo'y labis na kinatatakutan na gurong si Mr. Marquez ay tila hindi na makayanan pang humarap sa mga tao.

Nagalit ang administrador at agad na inutusan ang mga guro na lapitan ang mga estudyante at isa-isahing utusan na burahin ang larawan sa social media. Ngunit dahil sa dami ng estudyante na pagkatapos na burahin ng isa ay agad nilang ibinabalik ito sa pamamagitan ng pagre-repost mula sa ibang kasama ay nahirapan ang mga guro na gawin ang utos ng administrador.  Dahil dito ay lalo lamang kumalat ang balita dahil mas marami nang estudyante ang nakakaalam.


Lumapit ang isang guro sa administrador.

"Sir, pasensya na po sa abala pero trending na po si Mr. Marquez sa social media. Mas marami po ang nag-repost ng larawan n'ya. Ano na po ang gagawin natin? Kahit po i-report natin ito ay wala na rin tayong magagawa!"

Hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay masarap maging "trending". 

Biglang nahilo ang matandang administrador at agad ring nawalan ng malay.

Wala nang nagawa ang mga guro kundi pabalikin na lamang ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom.

Samantala, ang kanina pang umiiyak na si Mr. Marquez ay napagdesisyunan na lamang na umuwi ng bahay. Tuliro, mukha wala na sa tamang pag-iisip. Ang ilang taon n'yang pinagpagurang dangal ay masisira lang pala nang ganon-ganon lang.

Mabilis itong lumabas kahit na pinipigilan ng mga kapwa guro.

Mula sa labas ay makikita ang matatalim na tingin ng mga estudyanteng papasok sa classroom. Ininda ito nang labis ni Mr. Marquez at tumakbo ng wala na sa isip.

Pagkalabas ng campus ay walang pakundangang tumawid ito na hindi alintana ang mabilis na nagsasalimbayang mga sasakyan.

Sabi nila, matagal daw mamatay ang mga masasamang damo. Pero pag oras mo na, oras mo na.

Nakita na lamang ang duguang katawan ni Mr. Marquez habang napapaligiran ng mga estudyanteng gulat na gulat sa nangyari.

Ang tanging maririnig ay ang mga tinig ng mga estuyanteng nagsasabing "Buti nga sa'yo!" Nakakatakot ka pala ha!" "Dumating na ang oras mo!" "Tama lang sa'yo 'yan, hindi ka namin mapapatawad sa mga ginawa mo!" at ang huni ng ambulansya na ilang minuto rin bago dumating.


"Dead on Arrival"

Wala nang nagawa pa ang mga doktor para isalba si Mr. Marquez.


Naging tahimik ang buong campus. Kumalat rin ang balitang binawian na ito ng buhay. Marami ang nalungkot at marami rin ang naging masaya dahil sa wakas ay nabawasan na ang mga demonyo ng campus.  

Dito mapapatunayan na sa buhay ng tao, hindi mo talaga makukuha ang loob ng lahat. Kahit na ilang dekada man na napatunayan mo ang iyong sarili ay masisira ka lamang sa isang pagkakamali.



Samantala. . .

Hindi na inabutan pa ni Maria ang mga pangyayari. Dumating ito nang huli na bumaba mula sa sasakyan ni Clark. Malayo mula sa harapan ng campus kung saan siya bumaba upang walang makapansin. Makikita ang mga ngiti sa labi nito habang nagpapaalam kay Clark na aabangan lamang na makarating siya sa gate ng campus bago bumaba.

Pagpasok sa building ay agad nakita ni Maria ang mga kaibigan na tulala pa rin sa mga nakitang pangyayari.

"Mga bes! Grabe na-miss ko kayo! Hindi na ako nakasabay kahapon kasi may kailangan akong asikasu. . "

Nagtaka na lamang si Maria sa itsura ng dalawa. Tila pinagsukluban ng langit at lupa.

"Oh anong nangyari? Bakit ganyan ang mga mukha n'yo? Sabihin n'yo sakin!" tanong ni Maria.

Marahang tumingin si Lisa kay Maria.

"Patay na si Mr. Marquez."

Nagulat si Maria sa mga narinig.

"Ah. . ah ano?" sagot nito.

"Nabangga s'ya ng isang delivery truck kaninang umaga lang." dagdag ni Clara.

"Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari! Parang nakonsensya tuloy ako na isa ako sa mga nag-share ng litrato n'ya." dagdag ni Clara.

Yumuko si Maria at hindi inaasahang gumuhit na naman sa kanyang mukha ang isang ngiting tila hudyat ng tagumpay. Tagumpay na labis pa sa kanyang inasahan.

"Nakakagulat nga! Parang nung isang araw lang, nag-walk out 'yun sa klase natin!" sagot ni Maria.

Nanatili ang katahimikan. Isang pambihirang pangyayari na marinig ang katahimikan sa isang paaralan sa oras na nasa labas ang mga estudyante. 

Tila ang lahat ay pinutulan ng dila. Nagtitinginan. Nagpapakiramdaman. 


Tahimik na lamang na bumalik ang tatlo sa kanilang classroom para sa susunod na klase. 

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon