Kaibigan.
Kasama mo kahit saan. Ang magliligtas sa iyo sa kapahamakan. Ang tutulong sa iyo sa oras ng pangangailangan. Ngunit ang maaari ring sumira sa iyo sa oras ng kagipitan.
Sa takot ay agad na tumayo si Lisa kahit na hirap na hirap ito. Nagsugat-sugat na ang kanyang mga binti at puro pasa na ang katawan.
Agad siyang lumayo sa galit na galit na si Maria at tumigil sa isang pasilyo ng rooftop kung saan sila nakatayo ngayon.
"Maria! Ano 'to! Anong nangyayari sa'yo? May problema ba? Ako 'to si Lisa kaibigan mo!" sigaw ni Lisa.
Wala pa ring imik si Maria.
"Anong kasalanan ko! Sabihin mo dahil hindi ko maintindihan! Itigil mo na 'to!" dagdag nito.
At sa isa na namang pagkakataon ay muling gumuhit sa mukha ni Maria ang ngiting mapaghiganti.
Lumapit ito sa kanina pang takot na takot na si Lisa.
"Hanggang ngayon ba naman ay magpapanggap ka pa rin? Ano na naman bang kwento ang iimbentuhin mo? Ano na naman ba ang mga plano mo?!" tanong ni Maria.
"Anong pinagsasabi mo! Wala akong ginagawang masama. Kaibigan kita, Maria! Alam mo 'yan! Mula pa noon!" sagot ni Lisa.
"Kaibigan? Kaibigan kaibigan! Isang kang mapagpanggap na kaibigan!"
"Ano bang mga sinasabi mong mapagpanggap?"
Halos mabasa na ang suot na uniporme ni Lisa sa mga luha nito ngunit tila may mali talagang nararamdaman si Maria.
"Ilang beses mo na bang pinlanong sirain ako, Lisa?" tanong ni Maria.
Dito na kinabahan si Lisa.
"Agawin ang dapat ay sa akin?!"
Alam ni Maria ang lahat ng mga ginawa ni Lisa. Hindi ito magaling magtago. Matagal na n'yang alam na may gusto ito kay Brent kaya kusa na s'yang lumayo. Ngunit ang hindi n'ya matanggap ay ang mga ginawa nitong pagtatago ng lahat ng bagay na dapat ay sa kanya.
"Ipa-rape ako?"
Bumalik sa mga alaala ni Maria ang eksenang muntikan na siyang pagsamantalahan ng mga lalaking humahabol sa kanya noong gabing naglakad ito pauwi at iniligtas ni Clark.
"Sorry ka nalang. Hindi ka nagtagumpay! Dahil may mga tao talagang handang ibuwis ang kanilang buhay para sa akin!" dagdag nito.
"Ah isa pa! Gawin akong isang maruming babae?!"
Alam ni Lisa ang masamang gawain ni Prof. Marquez. Ang inakala n'yang pagkakataon n'ya upang masira si Maria ay hindi nagtagumpay. Nahuli ni Maria na magkausap ang dalawa bago ang nangyaring insidente. Nagtaka s'ya noong una ngunit naging malinaw na sa kanya ang lahat.
"Ibigay ang cellphone number ko?!"
Si Lisa ang nagbigay ng numero ni Maria sa grupong nagnais sirain s'ya. Siya rin ang nagbigay ng ideyang imibitahan ito sa isang dinner para doon ay matapos na ang lahat.
"At oo nga pala! Meron pa, alam kong ikaw ang gumawa ng lahat ng paraan para makalabas sa kulungan ang lalaking sumira ng buhay ko!"
Kilalang isang judge ang tatay ni Lisa na madalas na sumusundo sa kanya pauwi. Alam ni Maria na maliit na lamang ang tyansa nitong makalabas. Kaya labis na lamang ang kanyang ipinagtaka nang makita n'ya ito na malaya na.
"Gusto mo bang isa-isahin ko pa? Baka hindi mo na makayanan!"
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...