Chapter 6- STRANGER

14 2 0
                                    

Ilang araw ring hindi pumasok sa paaralan si Lisa. Umaasa sa mabilis na paggaling ni Brent.

"Doc? Ano po ang nangyari?" tanong ni Lisa.

"Well, we're still examining the lab results. Pero so far ang nakikita kong dahilan ay too much alcohol" sagot ng Doctor.

Hindi sagot ang nakuha ni Lisa kundi mga tanong. Hindi ito ang unang pagkakataon na uminom nang sobra si Brent. Ilang beses na rin n'ya itong ginagawa noon kapag nag-aaway silang dalawa.

Samantala.

Bumalik sa school si Maria na parang wala muling nangyari, malabo na namang pagbintangan dahil walang nakakitang magkasama sila bukod sa mga tao sa bar na karamihan naman ay mga estranghero lang sa kanilang buhay.

Estranghero. Maaring mabuti, maaaring masama. Walang pagkakakilanlan kaya hindi mapagkakatiwalaan.

"Oh hey, Miss Escudero? Ano napag-isipan mo na ba yung alok ko sa'yo noong nakaraang araw? tanong ni Clara.

"Gaga! Puro ka biro. Ilang araw ng absent si Lisa. Mukhang dinamdam n'ya yung mga nangyari kay Brent." paliwanag ni Maria.

"Teka! Oo nga pala. Ano ba talaga nangyari dun? Akala ko ba monthsary nila?" tanong ni Clara.

"Mahabang kwento, bes! Basta to make the story short, lalaki, nakalimot ng monthsary, si babae effort, pangpitumpu't tatlong beses na palang nakalimot" paliwanag ni Maria. 

"Aw! Talaga ba? Ay gago pala 'yan e!" sagot ni Clara. 

"Gago talaga. Matagal ko nang sinasabi kay Lisa na bitawan na n'ya yun pero mapilit. Masyadong nabulag ang ating kaibigan, pero. . "

(Tumunog ang telepono)

May mensahe na natanggap si Maria.

"Hi, Miss. Nakita kita noong isang gabi. Hindi na kita nilapitan kasi may kasama ka. Inabot rin ako ng ilang araw para magtanong-tanong kung paano kita mako-contact. Nakita ko ang lahat. Alam ko ang mga ginawa mo, mayroon akong ebidensya."

Natulala. Reaksyon kapag may kaba at pagkagulat. Kadalasang epekto rin ng takot.

"Uy bes! Anong nangyari sa'yo? Bakit natulala ka dyan?" tanong ni Clara.

"Sorry but I have to go!"

Naging mahaba rin ang palitan ng mensahe.

"Sino ka? Paano mo nakuha ang number ko?" tanong ni Maria.

"Hindi mo ako kilala pero ako kilala kita. Alam ko kung gaano kasama ang budhi mo."

"Anong pinagsasabi mo d'yan. Paano mo ako nakilala?"

"Basta ang alam ko, maganda ka. Hindi ko malimutan ang mukha mo simula nung gabi na 'yon."

Napatingin sa malayo. Tila nag-iisip. Nakapagdesisyon. Gumuhit na naman sa mukha ang ngiting mapaghiganti.

"Okay, I'm free tonight. Do you want to see this beautiful face again?" sagot ni Maria sa mensahe.

Biglang tumunog ang telepono ni Maria hudyat na may tumatawag.

"Yes?"

"Sigurado ka? Makikipagkita ka sa akin? Saan? Paano? Anong oras?"

"Chill!  Sa isang kundisyon." sagot ni Maria.

"Anong kondisyon? Sige kahit ano? Pinapasaya mo naman ako."

"Wala naman. Gusto ko lang magdala ka ng epektus".

"Epektus? Anong pinagsasabi mo? Hindi ako gumagamit non!" sagot ng lalaki.

"So ayaw mo ba? Sayang naman. Mukhang libreng libre pa naman ako mamayang gabi."

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon