Namuo na ang takot sa mga mag-aaral dahil sa sunod-sunod na kakaibang insidente na nangyari sa kanilang paaralan.
Nabawasan na ang mga estudyanteng umuuwi ng madilim pati na ang mga kaguruan. Tila binalot na nang labis na kilabot ang lahat.
Marami sa kanila ang labis na nagtataka kung saan ba nag-uugat ang lahat ng mga masasamang pangyayari na ito.
Walang makasagot.
Samantala.
Nagpanggap na lang si Maria na wala siyang alam sa lahat gaya ng dati pa n'yang ginagawa. Gayundin naman ang gurong si Clark na mula noon ay naging mas malapit kay Maria.
Kada hapon ay madalas nang inaatay ni Clark si Maria para ihatid sa bahay nito. Kailanman ay wala pang nakilala si Clark na kamag-anak ni Maria kapag inihahatid n'ya ito. Parating tahimik ang tahanan nito na parang siya lang ang tao.
Dito na rin nagsimulang magtaka ang dalawa n'yang kaibigan kung bakit palagi nalang itong humihiwalay kapag uwian na.
"Oh, saan ka na naman pupunta aber? May aasikasuhin ka na naman? Alin? Yung binebentang sabon ng nanay mo?" tanong ni Clara.
"Oo nga, bakit simula noong aksidente na nangyari kay Mr. Marquez ay palagi ka na lang humihiwalay sa amin. May problema ba?" tanong din ni Lisa.
"Ayan na naman kayo! Gigisahin n'yo na naman ba ako? Wag kayong mag-alala.Wala akong ginagawang masama. Marami lang talaga akong ginagawa." sagot ni Maria.
"Ay sus! Basta bahala ka kapag may nangyari sa iyong masama, wag mo kaming sisihin na hindi ka namin pinaalalahanan ha."
Dumiretso na ang dalawa palabas ng gate samantalang umiskapo na si Maria upang puntahan ang kanina pang nag-aantay na si Clark.
"Oh, Miss Escudero, what took you so long?"
Natigilan si Maria nang makita ang bihis na bihis na si Clark. Gwapo na ito nang nakasuot ng uniporme pero iba pa rin talaga kapag naka-kaswal na kasuotan lamang ito.
Lumakad ito na parang hinihigit s'ya papalapit kay Clark.
Pagdating n'ya sa harap nito ay inilabas ni Clark ang dalang bulaklak mula sa likuran.
"Uhm? Just saw it kanina, naisip ko lang bumili. Sa'yo nalang!" sabi nito.
Sa halip na matuwa ay biglang kumunot ang noo ni Maria.
"Ah. . wait! Sorry! Kung ayaw mo naman pwedeng sa iba nalang!"
"No sir. Actually. . nagulat lang kasi ako na may paganito kayo. Di na sana kayo nag-abala!" sagot ni Maria.
"Pe. . pero. . hindi talaga. . "
At dumiretso na si Maria sa kabilang bahagi ng sasakyan at sumakay nang tahimik.
Pagdating ng dalawa sa loob.
Kanina pa hindi mapakali si Clark na parang may gustong sabihin pero hindi n'ya maituloy.
"Uhm, sir? May problema po ba?" tanong ni Maria.
"Ah. . Haha. . Wala naman!"
At natigilan ito na parang humugot ng lakas na sabihin na ang nasa isip n'ya.
"Uhm. . Ms. Escudero. . dinner?"
At dahan-dahan siyang tumingin kay Maria na parang wala namang reaksyon sa katanungan ni Clark.
"Sure, sir! Saan n'yo ba gusto? Treat ko." sagot ni Maria.
"Oh no! My treat! Actually nagugutom na rin kasi ako and just wanna ask someone para makasama for dinner then there you are!"
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...