Chapter 2 - SELF-CARE

22 2 0
                                    

MARIA'S POV

Ang sabi ng iba, kapag daw pinabayaan mo ang sarili ay maaaring mabuyo ka sa masama. Ang solusyon? Ang tamang pag-aalaga sa sarili. Ngunit ano nga ba ang tamang paraan para mapanatiling ligtas ang sarili? Ligtas saan? Isang palaisipang walang makasagot. 

"Self-care is very important most especially to girls! Without self-care, maaaring mapabayaan ang inyong sarili at mapapunta kayo sa maling direksyon. In this subject, you will learn how to take care of yourselves most especially when no one is around to do that for you." paliwanag ng bago naming professor.

Napakagaganda ng mga sinasabi n'ya pero hindi ko maintindihan kung bakit parang may kakaiba sa mga tingin n'ya. Ito ba ng dahilan kaya nahuhumaling ang mga babae sa kanya? Malagkit. Napakalagkit.

"Pwede n'yo bang i-share kung papaano n'yo inaalagaan ang inyong sarili? Anyone?" tanong n'ya.

As expected, napakaraming nagtaas ng kamay. Lahat ng kaklase kong babae ay halatang halatang gusto lang magpapansin sa kanya.

Pero the way na mapansin, maging kakaiba!

I don't raise my hand. Para mag-isip ang lalaking 'to na hindi lahat ng babae makukuha n'ya.

And tulad muli ng inaasahan, ako ang tinawag.

"Ah sir? Hindi po ako nagtaas ng kamay." pagkukunwari ko.

"That's the reason why. I want to hear how you take care of yourself." pang-eengganyo n'ya.

Tulad ng nakasanayan, lumabas na naman sa aking mga labi ang mga ngiti, ngiti na nagtagumpay na naman ako sa aking mga balak.

"At my age, mahirap na talagang alagaan ang sarili. Ito yung mga panahon na nararanasan naming mga babae ang iba't ibang bagay na kadalasan ay hindi namin gusto. May tumutubong kung ano-ano, lumalaking kung ano-ano, at nakakaramdam ng kung ano-ano" paliwanag ko.

"Please be more specific!" pag-uutos n'yang parang may mga gusto s'yang marinig sa aking bibig.

"Sorry sir? Do you want me to say the words?" tanong ko.

"Ah, would you be comfortable to say that? Kasi kung hindi naman, don't worry, I'll understand."

"Oh sure sir, if you insist! May tumutubong tigyawat, mga buhok na tinatawag na bulbol, mga malalaking suso na hindi lahat ay nabibiyayaan at libog!" dagdag ko.

"Oh okay! Ah. .  Ah. . , thank you, Miss?"

"Miss Escudero, sir! Did I answer your question?"

"Oh yes, yes! And there's nothing wrong with that. Here in our subject you will be used in hearing those words and by the way, it's a normal thing. C'mon guys, your grown-ups now, dapat mas malawak na ang mga isip n'yo", sagot n'ya.

Kunwari pa s'yang okay sa kanya pero kitang kita na halos tumulo na ang pawis sa kanyang mukha.

Tulad nang nakagawian, uupong parang inosenteng walang nangyari, kunwaring sumang-ayon sa pinagsasabi ng mga lalaking kinasusuklaman ko.

Nakatulala ang mga kaklase ko na nakatingin sa akin, tila gulat na gulat sa mga sinabi ko.

At syempre ang isa sa pinakanagulat, si Lisa na nanlalaki ang mga mata na sinabing,

"Beshy, ikaw ba 'yan? Sure ka bang ikaw 'yan? May problema ka ba sa buhay? May mga pinagdadaanan ka ba recently? Kung naii-stress ka sa pagdadala ng pa-order na pamango ng nanay mo, tulungan kita" sabi ni Lisa.

"Ano ka ba? Bawal ba maging ganon? Grabe ka! Saka grabe yung kaba ko no! Ayaw ko na ngang sabihin pero pinilit ako ni sir! Nahihiya na tuloy ako." Sagot ko.

Pagpapanggap. Isang bagay na tila nakasanayan ko na. Sa isang pitik ng dila ay kaya nang makapagpaniwala.

Nagpatuloy ang klase sa talakayan na tila ba humaling na humaling ang aking mga kaklaseng babae. Hindi ko rin naman sila masisisi, gwapo ang teacher tapos sex education ang subject. Asahan na gising na gising ang mga libido ng mga makakating 'to.

"Sir, masaya palang mag-aral ng Sex Education, akala ko nung una maiilang ako dahil lalaki kayo pero ang galing n'yong magpaliwanag"

"Mas na-appreciate ko po ngayon ang pag-aalaga sa aking sarili"

"Masarap palang. . palang mag-aral nito sir! Mun. . muntikan ko na 'tong hindi enrollan pero masaya pala! A. . ah! Yun lang po sher!

Simula nung mga oras na 'yun, madalas ko nang nakikitang patagong nakatingin sa akin ang bago naming professor. Ako naman ay nakararamdam ng kakaibang ligaya dahil mukhang may una na akong sisirain. Maghintay ka lang.

Habang masugid kong isinusulat sa aking kwaderno ang mga sinasabi ng professor namin. May bumato sa akin ng ginasumot na papel.

"Aray!"

Pinulot ko ang papel. May nakasulat.

"Hi, ang ganda mo talaga! Pwede ba tayong magkita mamaya? Sa likod ng canteen, uwian. Iparanas mo naman sa akin yung dalawang ano mo."

May mga bagay talaga na hindi mo na kailangan pang pagpaguran dahil kusang lumalapit sa'yo. Maghintay ka lang.

Umiikot na naman ang mga iniisip ko. Isang bagay na palagi kong nararamdaman kapag nakakaramdam ako na may lalaking humaling na humaling na naman sa akin.

At sa palagay mo ba, makakaisa ka sa'kin?

Mariin kong hinawakan ang hawak na panulat at sumagot sa papel na inihagis sa akin nang halatang halata naman kung sino.

"Tignan ko pa! Marami akong gagawin mamaya. Makapag-aantay ka ba?"

Saktong nakatalikod ang teacher nang ibinato ko pabalik ang papel.

Kitang kita sa mga mata ng lalaking iyon ang saya nang mabasa n'ya ang aking sagot.

Muling ibinato sa akin ang papel.

"Ikaw pa ba? Hayaan mo, mamayang hapon akin ka na!"


Mas lalong bumuhay sa aking dugo ang sagot n'yang iyon. Hindi ko alam pero may kakaibang saya talaga akong nararamdaman, sayang makapaghiganti! Sayang alam kong magdadala sa akin sa kapahamakan sa hinaharap. 

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon