Pagmamaang-maangan. Isang bagay na natural na dumadaloy na sa mga taong may itinatagong kababalaghan.
"Ah babe, anong meron? Nakakuha ka ba nang mataas na score sa Math exam n'yo kanina o talagang love mo lang ako?" tanong ni Brent.
Ang mga ngiti ni Lisa ay napalitan ng lungkot. Bumagsak ang kanyang mga balikat na kanina'y labis na masaya.
"Babe?"
"Yes babe? Grabe ang effort mo para lang sa isang exam. So dito tayo magdi-dinner tatlo?" sagot ni Brent.
"Babe? So nakalimutan mo na naman? Nakalimutan mo na naman sa ikapitumpu't tatlong pagkakataon!" tanong ni Lisa.
Halos bumagsak na ang katawan ni Lisa nung mga pagkakataon na 'yun at walang nagawa kundi ang pumasok sa kanyang silid.
Sumunod naman si Brent at nagmakaawa kay Lisa na buksan ang pinto.
"Babe! I'm sorry. Nawala sa isip ko sa daming kailangang tapusin sa practicum. I'm really really sorry! Can you open the door please?" pagmamakaawa ni Brent.
"No! Get lost! We're done now!"
"Babe, let me explain!"
Tumagal din ng mga halos kalahating oras ang pagmamakaawa ni Brent na buksan ni Lisa ang pinto ngunit sadyang matigas na ito at nanahimik nalang sa loob, rinig na rinig sa labas ang hagulhol ng kanyang pag-iyak.
Samantalang si Maria, ay nanatiling nakatayo lamang. Hindi malinaw sa kanyang mga mukha kung ano ang nararamdaman n'ya nung mga oras na iyon.
"Brent, I think we should go! Let's give her time to think." sambit ni Maria.
Sabay na lumabas ang dalawa habang patuloy ang pagluha ng mga mata ni Brent. Paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang "Sorry!".
Habang naglalakad sa isang maluwag na kalsada ay makikita si Maria na nakahalukipkip ang mga kamay na tila giniginaw. Nakapagtataka na bigla na lamang tumigil si Brent mula sa kanyang pag-iyak.
"Maria, Can I have a favor?" tanong ni Brent.
"Yes, Brent?"
"Sobrang nalungkot lang ako. Alam ko na you can drink alcohol? Maybe a glass of tequila. Shall we?"
"Ahh? Hindi ba dapat umuwi ka nalang muna para magpahinga? Then, kausapin mo bukas si Lisa para humingi ng tawad"
"Please! I have to drink para makatulog ako"
"Oh okay! Pero konti lang ha. I have a class pa tomorrow", sagot ni Maria.
Sa paglalakad ay napadaan ang dalawa sa isang kilalang bar, ang "Crazy Bitch Bar". Ang gandang pangalan. Nababagay sa mga walang kwentang nilalang na nilikha lang para sirain ang buhay. Para magbigay ng balanse sa mundo.
"Halika, Maria. Akong bahala sa'yo."
Tukso. Kaydaling lumapit. Hindi mo namamalayan na nandyan na pala lalong higit sa mga oras na hindi mo inaasahan. Sabi nila, ang mga taong pinakalapitin ng tukso ay ang mga taong walang pakialam sa paligid, sa hinaharap.
Madilim ang paligid. Ang nagbibigay liwanag ay mga ilaw na sumasayaw. Patuloy ang alingawngaw ng musikang walang malinaw na liriko. Maingay ang lahat ng tao. Makikita ang saya na parang nakalimot ng isang dekadang problema.
Makikita ang tulalang si Maria habang pinagmamasdan ang lalaking kanina lang ay umiiyak ngunit ngayon ay tila walang naganap na anuman.
"Let's drink!" sambit ni Brent. "Kalimutan natin ang lahat ng problema. Tomorrow is another day".
Napataas na lamang ng kilay si Maria habang pinakikingggan ang mga sinasabi ng lalaking iyon. Tila walang pag-aalala. Ngayon ay mas naiintindihan na n'ya kung bakit sa loob ng anim na taon ay kahit kailan ay hindi n'ya naalala ang araw kung saan una silang nagkakilala ni Lisa.
Nagpatuloy sa pag-inom si Brent, patuloy nang patuloy, walang tigil. Hindi mabilang ang pagtawag n'ya sa bartender na ibigay sa kanya ang nais na inumin. Habang si Maria ay nakaupo lamang at marahang inuubos ang isang baso ng tequila na alam n'yang magbibigay init sa kanyang katawan. Sa dami ng baso ay aakalain na pati si Maria ay kasama n'yang nagpapakalasing.
"Isa pa, Brent? Last na 'to ha!"
Wag mong sasabihan ang lalaki na tumigil dahil lalo n'ya 'yang ipagpapatuloy.
"Brent, I think, that's enough. You can't even stand up!" sambit ni Maria.
"Hindi ako lasing, Maria. Tingnan mo kaya pa kitang tingnan sa mga mata".
Pagtataksil. Isang gawaing ginagawa ng tao kapag may pagkakataon. Kakambal ng tukso.
Mga ilang minuto ring nagkatitigan ang dalawa.
"Maria, hindi ko naman talaga mahal si Lisa. Ginagamit ko lang siya para mapalapit sa'yo. Ang ganda mo at mapang-akit na katawan ang siyang lagi kong hanap. Bakit hindi natin subukan. Baka mas bagay tayo."
Mapang-akit ang mga mata ni Maria na tila tinatawag ang kaluluwa ng pagkalalaki ni Brent. Malabo ang paningin, tila isang imahinasyong magpapatuloy sa buong gabi.
Palapit nang palapit. Ang mga labing tila nag-aalab ay malapit nang magdampi.
Ang mga nag-iinit na katawan ay tila magsasama.
Nang biglang. .
Ang lahat ng tao ay tumigil sa kanilang mga ginagawa, parang isang laro na kapag tumigil ang tugtog ay kailangan magpanggap na hindi gumagalaw.
Ang mga ilaw ay biglang nagbukas. Kasingliwanag ng umaga.
Sumambulat sa mga nakapaligid ang isang lalaking bumubula ang bibig. Nangingisay-ngisay ang katawan na akala mo ay dinaluyan ng napakalakas ng kuryente ang bawat ugat sa katawan.
Maririnig sa paligid ang mga sigawan.
"Tumawag kayo ng ambulansya!"
"Anong nangyari? Hanapin n'yo ang may kasalanan!"
"Tulungan n'yo, bakit tinititigan n'yo lang?
Nakakalungkot na isipin na sa daming taong tumatawag ng tulong ay ni walang sinuman ang lumapit sa lalaking,
Si Brent.
Parang bulang naglaho si Maria pagkatapos ng pangyayari. Walang nakapansin sa kanya. Tila walang nakaramdam.
Pag-ibig, sadyang nakababaliw. Ngunit tulad nga ng sabi ng iba, ang lahat ng tao ay may itinatagong lihim. Walang paliwanag ang sasapat sa isang taong manhid na sa kasinungalingan at pagtitiis.
Makikita na lamang si Lisa na itinatakbo sa ospital ang lalaking kanina lamang ay kanyang iniiyakan.
Tanga? Oo, si Lisa 'yon. Isa sa mga tanga na patuloy na naniniwala sa mga kabaliwan ng ibang tao.
Sa isang sulok ay makikita si Maria, nanlilisik ang paningin. Ang tingin na nagsasabing hindi pa tapos ang lahat at simula pa lang ito. Dahan-dahang gumuguhit sa mukha ang ngiting mapaghiganti at naglakad palayo hanggang sa maglaho.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Mistério / SuspenseSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...