Unpredictable. Minsan tadhana. Minsan ikaw.
Hindi natin kayang kontrolin ang lahat ng bagay. Kung kusang darating, darating.
Makikitang sinusuntok ni Maria ang kaliwang dibdib. Tila mayroong damdamin na gumugulo sa kanya.
"Tumigil ka! Tigil! Hindi pwede! Hindi ka pwedeng manghihina! Lalambot ka. Hindi!" sambit nito habang marahang sinusuntok ang dibdib.
Bumalik na ito para hanapin ang kanina pang nawawalang mga kaibigan. Nagtataka s'ya dahil isang oras na mahigit ang nakalipas ngunit hindi pa rin bumabalik ang mga ito.
Pumunta s'ya sa C.R kung saan nabanggit ng isa na pupuntahan nito at sa gilid ng gym kung saan matatagpuan ang drinking fountain.
Mainit ang panahon. Masakit sa balat ang sikat ng araw. Makikita ang dalaga na pabalik-balik, naghahanap. Hanggang sa napagod ito at bumalik na sa kanilang classroom.
Makikita ang dalawang kanina pang hinahanap na prenteng nakaupo. Tila walang naiwan sa kung saan.
"Hmm! Mga hitad. Bakit n'yo ako iniwan dun. Kanina pa ako pabalik-balik dun sa mga sinabi ninyong pupuntahan n'yo pero wala kayo." sambit nito na binatukan ang dalawa.
"Pero aminin mo nag-enjoy ka? Me so inggit!" sagot ni Clara.
"Anong pinagsasabi mo d'yan? tanong ni Maria.
"Gaga. Bumalik kami. Kaso nung nakita namin na katabi mo na ang iyong knight in shining armor. Nagpaubaya na kami. Ganyan ang magkakaibigan. Masharap ba?" tanong ni Clara.
"Ah ganon!"
Bahagyang kiniliti nito si Clara sa mga bahaging alam n'yang kahinaan nito.
"Tama na! Hindi na ako makahinga!" pagmamakaawa ni Clara.
"Uulit?"
"Hindi na uulit!" sagot ni Clara.
(Pabulong: Pansamantala)
"Nga pala, Maria. Late na tayong uuwi mamaya dahil dun sa practice natin ng sayaw sa P.E. Susunduin ako ni Dad pero gamit ay motorbike, hindi kita maisasabay." sambit ni Lisa.
Bahagya itong natigilan...
"Okay lang, bes! Kaya ko ang sarili ko" sagot nito.
"Basta mag-iingat ka! Delikado ngayon lalo na kapag gabi." Pagpapaalala nito na tila may ibang ibig sabihin.
"Grabe talaga ang beshy ko. Oo, tatandaan ko 'yan" sagot ni Maria na nakangiti at tila walang iniisip na masamang mangyayari.
Ang gabi ay madilim. Tinatakpan ang liwanag. Sinasabing kapag madilim ay lumalabas ang kasamaan ng mga nilalang. Ang mga maamong mukha ay tila nag-aanyong demonyo.
"Okay, bukas. Same time tayo guys. Walang ma-lalate para hindi tayo masyadong gabihin sa pag-uwi. After class, diretso agad sa gym. Wag kalimutan ang pamalit kahit t-shirt lang. Pwede na kayong umuwi." sabi ng lider ng kanilang grupo sa P.E.
Makikitang nag-iimpake na ng gamit ang lahat. Alas otso na ng gabi.
"Maria, paano ka uuwi? Di kita masasabay. Magkaibang direksyon kasi tayo ng uuwian." tanong ni Clara.
"Wag kang mag-alala bes! Kaya ko. Magta-tricycle nalang ako!" sagot nito.
"Okay, ingat ka ha!" paalala nito.
Umalis na ang lahat at naiwan si Maria. Naglalakad palabas ng campus. Dala-dala ang isang gym bag na puno ng damit at gamit pangbabae.
Madilim na ang mga daan at tanging ang mga ilaw nalang sa poste ang nagbibigay liwanag sa bawat kalye. Makikitang palingon-lingon si Maria sa kaliwa at kanan para mag-abang ng masasakyan. Gabi na at wala ng taxing dumadaan ng mga oras na iyon at ang tangi na lamang pag-asa ni Maria ay ang makasakay ng tricycle.
Mukhang malas na araw ito kay Maria dahil bukod sa mukhang napagkaisahan s'ya ng kanyang mga kaibigan kanina ay minalas pa ito na walang dumadaan na kahit anomang sasakyan.
Wala na itong nagawa kundi ang maglakad na lamang at magbakasakali na makasalubong ng kanyang masasakyan pauwi.
Maginaw ng mga gabi na iyon. Katatapos lamang ng ulan at medyo mamasa-masa pa ang paligid.
Matapang na nilakad na lamang niya ito kahit na pinaalalahanan na mag-iingat ng kanyang mga kaibigan.
Patuloy lang s'ya sa paglalakad nang may maramdaman siyang may sumusunod sa kanyang likuran. Ngunit upang hind kakitaan ng anomang takot ay diretso lang ang mukha nito ngunit ang mga mata ay nakikiramdam.
Bahagyan nitong binilisan ang kanyang lakad na tila naghuhudyat na siya ay tatakbo na.
Naririnig din n'ya ang mabilis na yabag ng mga paa sa kanyang likuran.
Wala na siyang nagawa kundi ang lumingon at sumambulat sa kanya ang limang lalaki, mga halos kasing edad lang din n'ya at matalim ang mga tingin sa kanya.
Bahagya nitong ibinalik mula sa pagkakalingon ang ulo at huminga nang malalim.
Naramdaman nalang niya ang mga paang tumatakbo at hinahabol ng mga di kilalang lalaki.
Mabilis ang pagtakbo. Tila hindi na n'ya nararamdaman ang kanyang hininga.
Nang biglang unti-unting nawala ang mga yabag ng humahabol sa kanya pagliko n'ya upang magtago. Nagtaka ito dahil kanina lang ay tila mamamatay ang mga ito kung hindi s'ya maaabutan. Tumigil s'ya at lumingong muli.
Nawala na ang mga lalaki.
Hindi n'ya inaasahan na tila may humahatak sa kanya pabalik para alamin kung bakit biglang naglaho ang mga ito.
Pagbalik n'ya sa kanyang nilikuan ay nanlaki ang mga mata nito.
Nakita n'ya ang isang lalaking nakasuot ng puting polo na tila pamilyar na pamilyar sa kanya. Humahampas ang mga kamao nito sa mga lalaking humahabol sa kanya kanina. Tila bumabagal ang oras.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang mga nakita. Narinig na lang n'yang sumusigaw ito ng "Anong problema n'yo? Bakit n'yo hinahabol ang isang babaeng walang kalaban-laban? Anong binabalak n'yo?"
Wala na siyang marinig ng mga oras na 'yun tila nabingi na ang kanyang mga tainga.
Natahimik na lang ang kanyang puso nang makita na ang mga humahabol sa kanya ay tumakbong pabalik, tila takot na mga hayop na ayaw maparusahan ng amo.
Mabilis na lumingon ang lalaki.
Hindi maintidihan ni Maria pero tila ayaw gumalaw ng mga katawan niya. Napako na siya sa pagtitig sa lalaking nagligtas sa kanya.
Unti-unti itong lumapit sa kanya. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso nito.
"Okay ka lang? Nasaktan ka ba?" tanong ng lalaki.
Hanggang ipinikit at imunulat nitong muli ang kanyang mga mata.
"Sir?!"
BINABASA MO ANG
REVENGE OF A MISANDRIST (COMPLETED)
Mystery / ThrillerSi Maria, lumaking may matinding galit sa mga lalaki, ay unti-unting babangon mula sa kanyang madilim na nakaraan. Makilala kaya n'ya ang lalaking magbabago sa kanyang pagkatao? Ang nobelang ito ay hindi angkop sa mga bata. Malawak na pag-iisip ay...