Chapter 7 - SCHEME

12 2 0
                                    

"Lisa, kamusta ka? Ang tagal mo ring nawala. Anong nangyari?"

Inaasahang tanong sa taong hindi mo nakita ng matagal. Minsan pagtatanong ng pag-aalala. Minsan pagpapanggap.

"Medyo nagkaroon lang ako ng sakit at kailangan kong mag-stay sa bahay. Pero di naman malala so don't worry" sagot ni Lisa.

"Pero mukhang namumutla ka tapos namayat ka. Okay ka lang ba?" tanong ni Clara.

"Ikaw, Maria, kamusta ka?" pagtatanong ni Lisa na tila may agam-agam.

"Ako? Eto maganda pa rin naman. Like your old gorgeous friend" sagot ni Maria.

Hindi na nakasagot pa si Lisa. Tumambad nalang kay Maria ang mga titig nito.

"Ah nevermind, magpapalit pa tayo ng P.E uniform. Stop na sa pagiging malungkot" sagot ni Clara.

Isang lunes. Hapon na. Makulimlim ang langit at tila nagbabadya ang malakas na ulan. Maririnig na rin ang malalakas na kulog.

Makikita ang mga mag-aaral na nagpapalit ng uniporme para sa P.E.

"Uy, nabalitaan n'yo ba kahapon? May drug addict daw na nahuli dun sa bar na palaging tinatambayan nung mga kabarkada ko sa kabilang school" pagtatanong ng isang babae nilang kaklase.

"Ano na namang chinichismis-chismis n'yo d'yan. Bilisan n'yo at magagalit na si Sir! Mamaya, makatulog na 'yun dun. Kailangan na magpahinga at matanda na!" sagot pa ng isa.

Si Sir Mancho. Isang batikang guro. Nagtuturo ng Physical Education nang halos tatlumpung taon na. Never nakapag-asawa dahil ayaw matali sa kasal.

"Maria, di ba hindi ka naman marunong sumayaw? Paano ka n'yan mamaya? Folk Dance tayo baka mapagalitan ka, tigas ba naman ng katawan mo." tanong ni Clara.

"Kaya nga kinakabahan ako. Pero bahala na, edi kapag napagalitan, i-drop ang subject. Easy!" sagot ni Maria.

"Iba ka talaga! Ikaw na talaga. Kaya naman sa'yo ako e!" sagot ni Clara.

"Lisa, okay ka lang? Parang wala kang imik. Kanina pa. Sabi mo wala namang problema" tanong ni Clara.

"I'm okay! Ano ka ba. Kagagaling lang sa sakit diba? Kailangan super enegetic agad? Saka P.E yung subject kailangan kong magreserba ng energy para hindi ako mapagalitan" sagot ni Lisa.

"Guys, tinatawag na tayo! Tara na!" isang boses ang tumawag ng kanilang pansin.

Sa loob ng gym ay makikita ang mga mag-aaral na masiglang naglalaro ng basketball, volleyball, badminton. Maamoy sa loob ng gym ang pawis ng bawat isa ngunit wala namang may pakialam dahil isang normal na bagay nalang 'to sa kanila. Bawat isa ay uhaw na makahawak ng bola at kapag nahawakan naman na ay ibabato ng sobrang lakas,

"Everyone, line up, arms forward raise! Sideward, raise!" sigaw ni Sir Mancho na noo'y kagagaling lamang sa ilang oras na pagkakaupo.

"Today, ay tuturuan ko kayong sayawin ang isang kilalang sayaw ng mga Pilipino. Ang subli."

"Matatandaan ninyo na ayoko sa mga taong matigas ang katawan dahil wala namang nilikha ang Diyos na matigas ang katawan. Kapag sinabi kong bend, bend! Extend, extend!"

Halatang-halata sa mukha ng mga estudyante ang kaba dahil iilan lamang sa kanilang mga klase ang sumasayaw talaga.

"Okay, Let's start! Arms at the side, quit moving unless sinabi ko. Ang mga paa, 45 degrees."

Wala kang makikitang nag-uusap. Lahat ay naka-focus dahil kapag nahuli ka ay may karampatang parusa.


Ang bola ay ginawa para paglaruan. Madalas inihahagis, madalas pinatatalbog. Pero minsan rin ay naibabato sa ulo.

"Maria!" sigaw ng kanyang mga kaklase.

Nakita na lamang si Maria na biglang napahandusay sa sahig dahil tinamaan nang sobrang lakas ng isang bola ng volleyball ang ulo nito. 

"Anong nangyari?" sigaw ni Sir Mancho.

Lumapit ito at kanyang nakita si Maria na nawalan ng malay. Masyadong malakas ang pagkakapalo sa bola.

Ang mga tingin ni Sir Mancho ay hindi maipaliwanag. Malaki ang respeto ng lahat kaya walang nag-isip ng masama.

"Ako na ang bahala. Ituloy n'yo ang ginagawa n'yo. Move!" sigaw nito.

Hinawakan n'ya ito sa likod at sa mga binti at binuhat upang dalhin sa loob ng kanyang office.

Hindi mo masisisi ang mga natirang estudyanteng naiwan na tumingin.

Malawak ang office ni Sir Mancho dahil puno rin ito ng mga gamit pangpalakasan. Kanyang inihiga si Maria sa isang stretcher. Marahan n'yang ibinaba ang walang malay na dalaga.

Gumapang ang kanyang mga tingin mula ulo hanggang paa. Tila may binabalak.

"Maasahan talaga ang aking mga alaga! Sobrang nilakasan para makatulog ka, aking binibini."

Dahan-dahang lumapat ang mga kamay nito sa hita ni Maria habang nakatingin sa maganda nitong mukha. Umaaktong kinakagat ang kanyang labi.

"Ngayon, akin ka! Wag kang mag-alala, mabilis lang 'to!"

At inilapit na nga ng matanda ang kanyang katawan, lumapat na ang kanyang mga labi sa dibdib ni Maria.

Nang biglang tumunog ang telepono nito.

"Lintik! Sino naman 'to! Panira!

Binuksan ang telepono. Tumatawag ang kapwa guro.

"Hello, sir! Pasensya na napatawag ako. May student daw na tinamaan ng bola at hinimatay pero wala pa sa clinic."

"Ah, dinala ko muna dito sa aking o. . "

"Sir? Sir, bakit ako nakahubad? Sir? Anong ginagawa n'yo sakin?"

Habang sinasabi n'ya ito ay unti-unti n'yang hinuhubad ang kanyang damit.

"Anong sinasabi mo dyan? Tumahimik ka baka may makarinig." sagot ng matanda.

"Hello sir? Anong nangyayari? Anong ginagawa n'yo sa bata? Sir? Hello sir?" tanong ng kausap sa telepono.

"Sir, tama na po. Wag po! Tama na!" sigaw nito.

"Tumahimik ka sabi, anong pinagsasabi mo d'yan? Pag hindi ka tumahimik, ibabagsak kita!" sagot nito.

"Hello, sir! Sir, hindi po maganda 'yan sir. Bata po 'yan at estudyante natin. Sir, mag-isip po kayo, mali po ang inyong ginagawa" sambit ng kausap sa telepono.

"Wag po! Tama na! Maawa po kayo sakin!" sigaw ni Maria na nung mga oras na 'yun ay halatang mayroon na namang binabalak.

"Ah hindi ka talaga titigil ha! Sige, magsalita ka pa!"

Tinakpan ng guro ang bibig ni Maria para walang makarinig sa mga isinisigaw nito. Nagpupumiglas si Maria at pilit na sumisigaw.

Nagbukas ang pinto.

Mula sa kaninang tila aso't pusang nag-aaway ay tumigil ang dalawa.

Marahang inilingon ng guro ang kanyang tingin.

Makikita ang isang babaeng guro na tila gulat na gulat sa kanyang mga nakita at ang kanyang mga estudyante na inaasahang nag-eensayo ay nagkumpulan at nakatingin sa kanya. Walang nagsasalita. Ang lahat ay gulat na gulat sa nakita.

"Ah, Mrs. Garcia, mali ka ng inaakala. Walang... " tumigil ang matanda dahil tila wala sa mukha ng gurong kausap na maniwala sa kanya.

Nilingon nitong muli si Maria na halos makita na ang suot na panloob.

Naging malamlam ang mga mata ng matanda. Tila nawalan na ng pag-asa.



Maraming bagay sa mundo ang hindi kayang ipaliwanag ng kahit na sinuman. Ang inaakala nating mabuting gawin ay kadalasang labag sa idinidikta ng ating isip.

Kahit gaano mo pinlano ang isang bagay, darating at darating din ang oras na hindi ito sasang-ayon sa iyong gusto. 

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon