Chapter 4- SURPRISE

18 2 0
                                    

Sabi nga nila, ang lahat ng bagay ay nagbabago. Walang permanente kundi ang katotohanang ang lahat ay hindi mananatili kung nasaan sila sa kasalukuyan. Nagsisimula at natatapos. Pag-uusapan at malilimot.

Nagpatuloy ang lahat sa kani-kanilang mga buhay. Parang lumipas na lamang ang mga araw at nalimot na rin ng mga tao ang mga bali-balita.

Si Maria naman na walang nag-akalang makagagawa ng ganoong kasuklam-suklam na plano ay hindi pinag-isipan ninuman na pagsuspetsyahan.

"Uy, Bes! Grabe ka! Sabi mo sakin, tutulungan mo ako sa surprise party ko para kay Brent. E anong oras na?" tanong ni Lisa.

"Ay! Shocks! Oo nga pala. Sorry beshy! Ang dami kasing umorder ngayon kay Mama", sagot ni Maria.

"Halata bes! Pawis na pawis ka na naman. Sabi ko naman kasi sa'yo, tutulungan kita minsan kaso lagi ka namang tumatanggi. Okay lang, naiintindihan naman kita saka ano ka ba, late ka na nga umuwi kagabi."

"So, kamusta? Natapos mo?" tanong ni Maria.

"Oo naman, sa bahay na namin para maipakilala ko na rin s'ya sa mga magulang ko, tagal narin namin mga 6 years na" sagot ni Lisa.

"Tatag ha. Wala na talagang makabubuwag sa inyo."

"Uy, bes! Gusto ko ring nandun ka sana para mas lumakas ang loob ko kapag ipapakilala ko na siya kina Mom at Dad"

"Ah, let's see, assignment sa Physics, exam sa Math, pasahan ng project for English Lit? Hmm?"

Habang nag-iisap ay kinuha ni Maria ang kanyang telepono para tignan pa kung ano ang mga dapat n'yang tapusin nang may malaglag na pulbura mula sa kanyang bulsa.

"Oppss! Nalaglag!" sambit ni Maria.

"Ano 'yan? Baka nagdodroga ka na girl ha kaya pawis na pawis ka!" tanong ni Lisa.

"Baliw! Wala 'to! Pamatay lang ng daga at ipis sa bahay!" sagot ni Maria.

"Okay, nevermind. So hindi na ba, bes?"

"Ano ka ba, mag-bestfriend tayo! Saka hello! Magkaklase tayo. Sama-sama. Bahala na. Sige, game ako!", sagot ni Maria.

"Oh my gosh, beshy! You're the best! Mas na-excite tuloy ako!" sagot ni Lisa.

Matagal na ring magkaibigan sina Lisa at Maria. Simula palang nung umakyat sila ng High School ay kambal dikit na silang dalawa. Lahat ng bagay ay pinagsasaluhan nila, mga gamit, mga bagong bag, sapatos, alam rin ni Maria ang lahat ng password na ginagamit ni Lisa, palagi silang sabay kumakain, noong high school ay palagi ring magkatabi dahil magkasunod ang kanilang mga apelyido, Lisa Escobar at Maria Escudero. Wala nang nakatibag sa kanilang dalawa.

Noon, nagkaroon ang dalawa nang pangako sa isa't isa na hindi sila kailanman magkakagusto sa iisang lalaki. Kung sakali man, ang mas matanda ang kailangan magpaubaya. Matanda ng ilang buwan si Maria kay Lisa kaya sa mga ganitong bagay ay alam na ni Maria kung ano ang gagawin kung sakaling mangyari ito. Sa kabutihang palad ay hindi pa naman naganap na sila ay nagkagusto sa iisang lalaki.

Iyon ang alam ni Lisa.

Dahil nga lingid pa rin sa kanyang kaalaman ang lihim ni Maria.

Sa laki ng tiwala ni Lisa kay Maria ay kaya na nitong tumalon sa mataas na building para lang kay Maria. Lahat ng nangyayari kay Lisa ay alam ni Maria.

Sumapit ang hapon at natapos na ang kanilang huling klase.

"Uy, Clara! Iba ka talaga, akala ko ba hindi ka nag-review? Bakit ang taas mo sa exam? Hinding hindi na talaga ako sa'yo maniniwala sa susunod" sambit ni Maria.

"E did I told you ba na boplaks ako? Kasalanan ko bang natural na matalino ako? Haha. Relax Ms. Escudero! Pakokopyahin kita next time para naman tumaas ang grades mo!" sagot ng isa pa nilang kaibigan, Si Clara.

"Oh, Lisa. Bakit nakaupo ka pa d'yan? Tara na! Kailangan natin magmadali para i-handa yung mga ilaw. Saka bibili pa tayo ng cake diba?" tanong ni Maria.

"Kinakabahan ako, Maria. Baka hindi s'ya matanggap ng mga magulang ko. Anim na taon ko rin 'tong itinago sa kanila." sagot ni Lisa.

"Kaya nga sasama ako diba? Sasaluhin kita, ano pa't kambal tayo. Lumaki na tayong magkasama. Walang iwanan! Ikaw ang nag-iisa kong bestfriend!"

"Oh, so ano ako dito? Stranger bes?" tanong ni Clara.

"Wag ka na magtampo! Alam mo naman diba na mas mahaba ang pinagsamahan naming dalawa! Saka mas matalino ka naman samin" paglalambing ni Maria.

"Aysos! Oo na. Pasalamat ka, girl crush kita kung hindi kita kaibigan. . baka pinormahan na kita! Ano papasa ba?"

"Luka-luka ka talaga! Lisa, tara na! dali! Iwanan na 'yang may MIO na 'yan. Haha!" pagyayaya ni Maria.

Nagmadali ang dalawa na makasakay ng taxi para umabot sa oras. Alas otso ang usapan nina Lisa na magkikita sa isang parke. Walang kaalam-alam si Brent sa mga mangyayari. Hindi rin sigurado si Lisa na natatandaan ni Brent ang araw na ito.

Habang papunta sa parkeng napag-usapan ng dalawa. Masayang nakasakay sa taxi sina Maria at Lisa dala ang isang blindfold.

Pagkatapos ng sampung minuto...

"Hey, babe! I miss you! Anong meron? Bakit kasama mo si Maria? Hi, Maria! It's nice to meet you again!" sambit ni Brent.

Kilala si Brent na isang matinong lalaki. Sa tatlo n'yang nakarelasyon ay si Lisa na ang pinakatumagal. Ngunit ng mga oras na 'yun ay tila walang muwang si Brent sa mga nangyayari. Mapusok ang mga tingin ni Maria kay Brent.

"Babe! Grabe ka! Anong, anong meron? Alam ko may surprise ka sakin! Oh eto isuot mo 'tong blindfold at may surprise ako for you!" sagot ni Lisa.

"Ah okay sige babe! Ah ah oo nga!" sagot ni Brent.

Isinuot ni Lisa ang blindfold ngunit bakas sa kanyang mukha ang pilit na mga ngiti. Mga ngiting tila umasa sa wala.

Pagkarating sa bahay.

"Sige babe! Lakad ka lang! Dahan-dahan!" sambit ni Lisa.

"Babe, what's this? Haha. Ops! Baka itulak mo na ako ha! Malapit na ba?"

"Okay, eto na! Tanggalin mo na in 1. . 2. . 3!


Dahang-dahang tinanggal ni Brent ang blindfold at sumambulat sa kanya ang isang pinaghandaang set-up. Maraming ilaw na nakapaligid sa lamesang para sa dalawang tao. Nakalatag din sa sahig ang mga petals ng pulang rosas. Halatang pinaghandaan ang lahat. Nakahain rin sa lamesa ang isang cake na may kandilang hugis "73".


"Surprise!"

REVENGE OF A MISANDRIST  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon