00

531 13 4
                                    

Nasisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa stage sa harapan ng hall na ito at medyo nahihilo na din ako dahil sa kaba. Kung hindi lang ako napilitan na pumunta sa party na ito ay wala ako dito.

Lalo na at marami akong iniisip. Anxious na din ako sa aking paligid.

Dahil alam kong may mali sa paligid. May mali sa lugar na ito, sa bayang ito. At hindi dapat ako nandito.

Habang iniisip ko kung tama ba ang mga hinala ko ay mas lalo akong pinagpapawisan ng malapot.

Tuwing lilingon ako sa ibang bahagi ng hall na ito ay napapansin ko ang kakaibang tingin na nagmumula sa mga taong nakatayo lamang sa gilid.

Mukha silang nagmamatyag lamang sa paligid at kinakalkula ang kilos ng mga tao rito.

Muli kong itinuon ang tingin sa harapan. Tinatantiya ang mga maaari kong gawin at ang mga susunod kong hakbang.

Alam kong kapag naka tunog sila na may alam ako at sa ginawa ko ay hinding hindi na ako makakaalis sa lugar na ito na syang kinakatakot ko. At mas natatakot ako sa maaari nilang gawin sa kin.

Ipinikit ko ang aking mga mata para makapag focus at mas makapag isip.

'Kailangang kailangan ko nang umalis. Habang nagtatagal ako rito ay mas tumataas ang chance na madakip nila and only God knows what they can do to me. '

I slowly opened my eyes. Pero isang pagkakamali ang aking nagawa.

Kitang kita ko ang isang babaing nakatayo sa gitna ng Dance floor. May dugo ang kanyang dress ganun din ang kaniyang mukha. Gulo gulo na din ang buhok niya. Walang ibang nakakapansin sa babae o sadyang pinipili nilang hindi pansinin ito while the others are just sensually dancing and grinding their bodies against each other. Iniiwas ko ang tingin sa pag-aakalang mawawala ito but then I was greeted by a man who looks like in the same situation as the girl in the middle of the dance floor.

Hindi ko na kaya. May pagmamadali akong tumayo at umalis sa aking pwesto. Dali dali kong tinungo ang pinto ng hall para makaalis na sa kung ano mang lugar ito.

Ang pag hampas ng hangin saking balat ang bumungad pag labas ko sa mismong gusali kung saan ginaganap ang kasiyahan.

Tinahak ko ang daan patungo sa bahay na tinitirhan ko. Kukunin ko lang ang ilang mga importanteng gamit ko bago umalis sa bayang ito. May sasakyan naman ako kaya walang problema.

Walang problema hangga't wala silang nalalaman sa mga bagay na natuklasan ko. At hindi ako dapat nandito sa lugar na ito. Matagal ko nang pansin ang pangingilag ng mga tao sa akin at ang mga tingin at titig nilang nagsasabing hindi ako tanggap sa bayang ito.

Ilang metro na lang ang layo ko mula sa bahay ng maramdaman ko ang agresibong pag hampas ng hangin sa aking balat na animo'y may dumaan saking magkabilang gilid.

"Saan ka pupunta? Hindi ba't nasa Function Hall ang pagdiriwang?" Natigil ako ng marinig ko ang baritono ngunit malamig na boses na nagmumula sa aking likuran.

Nilingon ko ang nagsalita. Ito ang unang beses na makita ko siya. Matangkad siya, maputi, maganda ang pangangatawan at gwapo pero ang pinakang nakakakuha ng atensyon ay ang mga mata niyang kulay crystal blue. Kahit anong papuri ang ibigay ko sa kaniya alam kong isa siya sa kanila.

Alam kong malaki ang posibilidad na malaman nila ang balak ko pero nagulat pa rin ako. At hindi siya nag iisa na lalong nagpadagdag sa kaba ko.

" U-hm Uuwi n-na ako. M-medyo sumama ang pakiramdam ko." napalunok ako dahil sa pagka-utal ko.

Nang hindi siya mag salita ay muli ko na siyang tinalikuran.

"S-sige, Una na ako. Magpapahinga n-na ako."

Nakakaisang hakbang palang ako ng maramdaman ko ang kaniyang pagkilos. In just a blink of an eye, nasa harapan ko na siya.

May sinusupil siyang ngisi sa mapupula niyang mga labi. Nakita ko pa ang pagkinang ng isang bagay sa kaniyang bibig na tinatamaan ng ilaw bago siya muling nagsalita.

" You can't escape now. And you can never leave this place anymore. "

Warden (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon