Three weeks. Three weeks after na nagtranfer sina Chase dito at three weeks na rin akong ginugulo nina Chase. Puta namang buhay to. Kapag kasama ko si Dale, nandyan din sina Chase pag naman ako lang, nandyan sila na parang may super powers kasi isa isang nasulpot.
Minsan nga iniisip kong kabute si Ken eh, lagi nalang kasing nasulpot kung nasan ako. Sa gym, garder, passageway, room at ang malala sa rooftop.
Minsan naman iniisip ko kung takas mental si Gavin, tawa kasi doon tawa dito. Baliw na ata ang isang yun, magjo-joke siya minsan ng hindi nakakatawa pero natatawa ako hindi sa joke niya kundi sa tawa niya.
Minsan din naiisip ko kung libro si Nate, diba ang ganda ng Nate no, ako lang natawag sa kanya nyan. Nagulat pa nga siya eh, bakit ko daw siya tinawag sa ganong pangalan kaya sabi ko 'pake mo.' Gaya ng sabi ko, parang libro si Nate kasi ang dami dami niyang sinasabi sakin na hindi ko maintindihan.
Minsan naman iniisip ko kung kampon ba ni Satanas si Chase sa sama ng ugali. Napaka sungit. Sa apat na magkakaibigan na yun, sa kanya ako pinaka naiirita. I can't stand him. He's so annoying. Kala niya nakalimutan ko na yung sinabi niyang i love you. Utot niya.
"Ano iniisip mo?"
Napalingon naman ako sa nagtanong sakin nun at nakita ko muka ni Kim na nakangiti sakin na parang tanga.
"Pftt.. anong pagmumuka yan?" Tanong ko kaya kumunot ang noo niya tsaka ako humagalpak ng tawa.
"Aray! Putang ina!" Inis na nilingon ko siya dahil sa pangbabatok niya.
Siya si Kimberly, ang kaibigan ko sa kabilang section. Tarantado din niya at bastos ang bunganga pero wagas kong makatawa pagmay katarantaduhang nakita.
"Ang epal mo, tangina mo!" Irap ko sa kanya.
"Uy may chika ako." Biglang sabi niya at nakikita ko sa muka niya ang ngising aso niya.
"Psh, ano yun?" Pagchichismis ko.
"Puta! Pagchismisan ang galing mo ah!" Sabi niya sabay hatak ng buhok ko.
"Ano ba?!" Hawi ko sa kamay niya. "Curious ako eh," sabi ko pa.
"Well, ito na nga. Alam mo yung apat na kalalakihan na nagtranfer dito weeks ago." Pagkukwento niya kaya napangiwi ako.
Akala ko sa iba, sa mga tukmol lang pala.
"So, what about them?" Pagiingles ko kaya binatukan niya ko.
"Puta! Isa pang batok mo, sasampalin na kita." Banta ko.
"Eh, ikaw eh, may paenglish english pa eh. Panget ka naman!" Asar niya kaya tiningnan ko siya.
"Excuse me?!" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Oh ano?"
"Maganda ako no. Duh, bakit pa madaming nagchachat sakin?!" Taas kilay kong sabi sa kanya kaya tinawanan niya ako.
"Sige lang, push mo lang yan!" Sabi niya pa.
Gaya ng kwento niya, sinabi niya sakin kung anong meron sa apat na yun at ang puta, kilig na kilig habang ako ay irap ng irap sa hangin.
"Whatever!" Irap ko sabay tayo.
"Oh, saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Sa campus ground." Sagot ko tsaka umalis.
Pagkarating ko sa campus ground, puwesto ako sa ilalim ng puno tsaka kinuha ang libro ko at mapayapang nagbasa doon. Ganto ang gawain ko kapag wala akong klase, pupunta ng ground o rooftop para mapagisa.
"Can i sit here?" Napaangat naman ako ng tingin sa nagtanong at nakita ko si Ken.
Kumunot naman agad ang noo ko. "Bakit?"
"Pangit ka rin!" Pagbibiro niya. Aba! Kinuha niha yung lagi kong sinasabi.
"Luh, gaya gaya!" Pangaasar ko kaya umirap nalang siya at umiling tsaka umupo sa tabi ko.
Sinandal naman niya ang ulo niya sa puno at nilagay ang kanang kamay sa tuhod niyang nakaangat tsaka pumikit. Tiningnan ko siya ng ginawa niya yun at aaminin ang gwapo niya kapag nakapikit. Parang anghel ang muka eh.
"Tapos ka na ba?" Bigla niyang sabi habang nakapikit.
"Ha?" Naguguluhang sabi ko.
"Tapos ka na bang titigan ako?" Sabi niya sabay dumilat kaya nanlaki ang mga mata ko at umiwas ng tingin.
"Pi-pinagsasabi mo?" Pagdadahilan ko kaya narinig ko siyang natawa ng mahina.
Dahan dahan ko naman siyang tiningnan at ng makita kong nakapikit ulit siya ay umiling nalang ako at nagbasa ng libro pero bago ko pa hawakan ang libro ay hinawakan niya na ang kamay ko tsaka humiga sa lap ko.
"H-hoy! Bumangon ka dyan?!" Kinakabahang sita ko habang hinahampas ang dibdib niya ng mahina pero parang wala siyang naririnig.
"Hoy!" Tawag ko at pinagpatuloy ang panghahampas pero gagawin ko sana ulit kaso natigilan ako dahil sa paghawak niya sa kamay ko. Gulat akong napatingin sa kanya ng magmulat siya at seryoso akong tiningnan.
"Let me sleep at least five minutes." Seryosong sabi niya kaya wala na akong nagawa ng pumikit na siya.
Instead of magbasa ako, nawili akong titigan ang muka niya pababa hanggang leeg niya. Sa kawilihan ko, hindi ko namalayang kumuha na pala ako ng lapis at papel para iguhit ang muka niya.
Simulan natin sa buhok, bandana pababa ng mga kilay at mata niya bago sa ilong niya na merong taleng, pababa sa lips niyang kulay pula hanggang sa leeg niya. Lagyan din natin ang tenga nya ng chanel earing niya.
"Gwapo." Wala sa sarili kong nasabi habang nakatingin sa drawing ko.
"Who?" Natigilan naman ako ng magsalita siya kaya dahan dahan kong hinawi ang sketch pad ko para masigurong siya yung nagsalita at napapikit naman ako ng maraan ng makita kong gising siya.
"H-ha? Wa-wala ah." Sabi ko at itatabi ko na sana yung drawing ko pero mabilis pa sa alas kwarto niyang naagaw sakin eh.
"Ah, shit! Akin na yan!" Sigaw ko pero tumayo siya at tinaas sakin yung sketch pad ko.
"Sabi ng akin na yan eh," sabi ko habang tinatalon sakanya yung sketch pad ko.
Nakita ko naman siyang ngumiti ng makita ang drawing ko. Sigurado akong ngumiti yan dahil sa panget ito.
"Akin na yan!" Agaw ko pero tinataas parin niya.
Tinatalon ko naman to pero malikot siya kaya napapahakbang siya palayo.
"Akin na!" Sabi ko pero ayaw pa rin niya kaya imbes na yun yung halbutin ko hinawakan ko yung batok niya para tumingin sakin.
"Makuha ka sa tingin!" Pinandilatan ko siya ng mata kaya nagkasalubong ang mga mata namin.
"Ito na, nakuha na." Sabi niya kaya hinalbot ko sa kanya ang sketch pad ko tsaka nagiwas ng tingin at nilagay ko sa bag ko ang sketch pad ko.
Nang malagay ko na to sa loob ay narinig ko siyang may sinabi.
"I will not be surprised that you're drawing is so beautiful because at first, the creator is really beautiful."
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
FanfictionWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.