Chapter 12: Arts Room

275 9 0
                                    

Maulang umaga ngayon kaya malamig din ang simoy ng hangin. Buong klase tuloy akong nakayakap sa katawan ko kahit may jacket ako. May bagyo daw kasi sabi sa balita, buti nalang nakapagdala ako ng payong kung hindi, basa ako papunta mamayang parking lot.

Pagkatapos ng klase ko, pumunta ako sa locker ko at nilagay yung librong ginagawa namin kanina sa klase. Pagkasarado ko naman ng locker ko, dun ko nakita ang muka ni Ken na nakatingin ng deretso sakin.

"What now?" Tanong ko at naglakad palayo pero sinundan niya ako.

"Do you have a class today?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala."

"Would you like to come with me?" Tanong niya kaya tumigil ako sa kanya.

"Pass muna ako, Ken. May gagawin ako eh. Sorry." Sabi ko pero tiningnan niya lang ako.

"Where?" Seryosong tanong niya.

"Basta. Sorry." Sabi ko tsaka siya iniwan.

Hindi naman sa iniiwasan ko si Ken, nakakaramdam lang ako ng ilang sa pagitan naming tatlo ni Chase. Kahit mismo si Chase iniiwasan ko.

"Hi, Bea! Saan ka?" Tanong ni Gavin ng makasalubong ko siya sa passageway.

"Uy, may gagawin lang ako." Sagot ko kaya ngumiti nalang siya sakin.

"Sige, alis na ako. May klase ako eh." Sabi niya sabay alis.

Two weeks na rin pala simula nung nagbirthday si Gavin. Two weeks na din akong hindi mapakali dahil sa usapan namin ni Chase. Kita kita ko sa mga mata niya ang lungkot habang sinasagot niya yung tanong ko kaya sinagot ko siya na sa tingin ko ay kakalma siya.

"If I were Trix and I forgot you, maybe I just forgot you in my mind but in my heart, I will always remember our happy memories together and if I forgot you, It's just your face and everything but my love for you, will never fade."


"Hey, you okay? You look pale." Napabalik naman ako sa wisyo ng biglang nagsalita si Nate sa tabi ko. Hindi ko namalayang nasa harap ko na siya.

"Ha? Wala, may napasok lang sa isip ko." Sabi ko.

"Are you sure?" Tanong niya kaya ngumiti ako bago tumango. Nagpaalam naman na siyang papasok na sa klase niya kaya umalis na din ako.

Nagpunta ako sa arts room para gawin ang nakasanayan kong gawin. Lagi kasi akong nandito sa arts room twice a month para hindi ko makalimutan ang pinaka paborito ni Mame na gawin nung nandito pa siya sa pilipinas. She's in Netherlands, Armsterdam actually. She was there for good. We only visit her during our summer vacation that's why I miss her. I miss my mother.

"Why are you alone here?" Gulat naman akong napalingon sa likod ko at nakita ko dun si Chase na nakasandal sa pintuan.

"Wala lang." Sagot ko. Lumapit naman siya sakin para siguro tingnan ang drawing ko pero wala siyang nakita.

"Tss, wala naman eh." Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Baka nagiisip pa ako ng maido-drawing kasi." Irap ko sa kanya.

"If you want, I can be your example or model so, you have something to put in there." Sabi niya at tumayo sa unahan tsaka umaktong modelo siya.

Palihim naman akong natawa sa itsura niya kasi ginugusto niya itong gawin kaya wala na akong nagawa kundi siya na ang maging model ko. Pero bumilis ang tibok ng puso ko ng magsimula akong idrawing ang muka niya. Para kasing naranasan ko na ito.

Natawa naman ako sa itsura niya ng makita kong seryoso siya sa ginagawa niya at aaminin ko talagang gwapo siya dahil sa porma niya at ayos na para talagang model.

"Don't laugh, just do it." Sabi niya kaya umiling nalang ako.

Nakatayo, habang nakatingin ng deretso at nakangisi pa siya. Idagdag mo pa ang nakapamewang niyang kaliwang kamay tapos korte oa ekis ang paa niya. He's so damn handsome. Napakagat nalang ako ng labi tuwing tinitingnan ko siya. Mahaba din ang pagpipigil kong nararamdaman na wag siyang titigan ng matagal hanggang sa natapos.

"I'm done." Sabi ko. Nakahinga na naman siya ng maluwag bago pumunta sakin para tingnan ang drawing ko.

"How was it?" Tanong ko pero hindi niya pinansin kasi nakatitig lang siya sa gawa ko kaya kinubit ko siya.

"It's beautiful, far from my expectations." Asar niya kaya sinuntok ko siya sa sikmura. Tinawanan naman niya ako kaya lalo akong nairita.

"Ge, asar pa." Sabi ko at inirapan siya.

"I'm just kidding." Bawi niya pero hindi ko yun pinansin kasi napatitig ako sa gawa kong drawing.

Alam kong si Chase yan pero bakit ibang tao ang nasa isip ko. Luh! Nakakainis na utak! Epal!

"Eiram!" Wala sa sarili kong sabi dahilan para mapatahimik si Chase.

"Luh, sorry may pumasok kasi sa isip ko eh." Bawi ko ng makabalik sa reyalidad. Tiningnan ko naman siya pero nakatingin lang siya sakin at pilit na ngumiti.

"It's okay." Sabi niya.

"May kakilala kang Eiram?" Tanong ko kaya nagulat siya't nagiwas ng tingin.

"Nothing." Sabi niya.

Tumango naman ako. "Oh, I see. Sorry."

Tumingin naman siya sakin at ngumiti. Kahit naman itanggi niya pagtinanong ko iyon alam ko namang pilit na ngiti ang pinakita niya.

"........name." bulong ni Chase pero name lang nagets ko.

"Ha? Ano yun?" Tanong ko.

"Nothing, don't worry." Sagot niya.

Umalis na naman kami ni Chase sa arts room kasi pareho kaming may klase pero bago kami maghiwalay ng daan tinawag ko na siya.

"Thank you." Nakangiting sabi ko kaya ngumiti nalang siya tsaka umalis.

Pagharap ko naman sa daan ko ay nakita ko si Ken na seryoso ang tingin sakin bago bahagyang ngumiti at yumuko.

"Bakit na nga ba ako magtataka kung simula't sapol kanya kana?" Mahinang sabi niya pero rinig ko to.

Ano yung ibig niyang sabihin?

"Ken, what do you mean?" Hindi ko mapigilang magtanong pero umiling lang siya at aalis na sana kaso pinigilan ko.

Dahan dahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya at bahagyang ngumiti sakin.

"I like you and I'll do everything just to proved to you that I am the only guy who destined to be with you." Seryosong sabi niya kaya natulala ako.

Nagitla nalang ako nang may biglang humigit sakin at nakita ko ang nakangising si Chase sa harap ko.

"Just dream, Kendric. I'll let you dreaming. Siguraduhin mo lang na magagawa mo ang sinasabi mong gagawin mo lang lahat. Hahayaan kita, pero ito lang ang masasabi ko sayo." Sabi niya kay Ken at maraang tumitig dito.

"She's mine, even if she doesn't know me now. She's mine, Kendric. Mine, only mine."

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Where stories live. Discover now