Nakakainis talaga putek! Sino ba yang babaeng yan? Makalingkis nakakairita eh. Isa pa, makatikim na to.
"Uy, napaghahalatang nagseselos ang isa diyan. Kung nakatingin kina Chase, parang papatay eh." Pagpaparinig ni Gavin na alam ko namang ako yun.
Putangina naman kasing babaeng yun. Makalingkis kala mo walang girlfriend yung kasama niya. Pasalamat siya at sila ang partner sa pinapagawa ni Sir. Nakakairita. Nakakainis.
"Sinong nagseselos?" Maang maangan ko kaya tiningnan niya ako ng kakaiba.
"Sino nga ba?" Tanong niya pa.
Ngumisi naman ako. "Okay lang naman saking may lalapit sakanya at may makipaglandian. Natural sa tao yung nakikipagusap iba kaya hindi ko siya pagbabawalan pero pagkatapos nilang magusap, tapos na rin kami. Dun siya sa kaflirt niya. Magsama sila. Ako pa ang magkakasal sa kanila kung gusto mo."
"Luh, akala ko nanliligaw lang sayo yan. Bakit sabi mo tapos na kayo?"
Binatukan ko naman siya. "Syempre joke lang yun, naniniwala ka naman."
"Aray, gago to oh." Maktol niya pero hindi ko siya pinansin at tumingin dun sa gawi nina Chase.
Naiirita talaga ako kapag nagtatangkang humawak sa braso ni Chase yung babae. Nagpapabebe pa, panget naman.
"Tss, di hamak na mas maganda ako dun eh." Bulong ko pero parang narinig ni Gavin kase nagreact agad siya eh.
"Malamang mas maganda ka, nagkagusto kami sayo eh. Walang panama yang si Tin sayo." Bwelta niya.
Tin? Sino yun?
"Sinong Tin ang tinutukoy mo?" Taka kong tanong.
Umirap naman siya. "Ang galing mong magalit sa isang tao without knowing their names, siya si Tin yung lingkis ng lingkis sa boyfriend mo kuno. Psh."
"Tanga ka!" Sigaw ko.
Tin pala ha! Tin tin niya muka niya. Magsama sila.
"Trix," tawag ni Chase ng makalapit samin kasam yung Tin. Ang sama naman ng tingin sakin nung Tin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Hindi ko sila pinansin sa halip inirapan ko sila tsaka hinigit si Gavin.
"Luh, lagot ka Chase, nagtatampo!" Sigaw ni Gavin tsaka sumabay ng lakad sakin.
"Halika, Babe. Date tayo." Biro ni Gavin at inakbayan ako kaya siniko ko ang tiyan niya.
"Babe your face, tse." Irap ko pero tinawanan niya lang ako at hinabol.
"Joke lang." Bawi niya.
Nagpunta naman kami sa gym para manuod ng laban ni Ken. Nagtabi pa kami ni Gavin na puro asar lang sakin buong game. Hindi ko tuloy napanood ng ayos sina Ken sa asar nito ni Gavin. Kaya hanggang sa paglabas namin ng gym puro batok ang inabot sakin. Iiyak naman na siya kaya tinigilan ko na siya kaya nagtawanan kami. Natigil lang ang tawanan namin ng makita ko si Chase na palapit samin.
"Trix," tawag niya pero hindi ko siya tinitingnan.
"May problema ba tayo?" Tanong niya.
"May tayo ba, Eiram?" Balik ko kaya narinig ko ang tawa ni Gavin sa likod kaya siniko ko siya. Ang ingay.
"Wala pero---"
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
FanfictionWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.