Chapter 17: Avoiding

217 7 0
                                    



Wala akong ganang pumasok sa school matapos lahat ng malaman ko pero wala pa akong kahit na anong naaalala. Hindi ko din masyadong pinapansin si Dade kagabi dahil sa nalaman ko. Maski si Chase na nasa labas kagabi ng bahay namin hindi ko pinansin at nilabas. Naririnig ko ding binabato niya ang bintana ng kwarto ko pero wala akong pakialam sa kanya.

Ngayon, umagang walang kwenta sakin. Wala naman akong pakialam sa mga taong pinaguusapan ako kasi mukang nakikita nila ang mugto kong mata. Umiyak din ako buong gabi. Ilang beses kumatok si Dade pero wala akong balak buksan. Hindi din ako kumain kagabi dahil nawawalan ako ng gana.

"Bea!"

Tuloy tuloy lang akong naglakad hanggang makakapunta na sana ako ng building kaso hinarang ako nina Dale. Blangko ko silang tiningnan ng humarang sila sakin. Naamdaman ko din ang presensya ni Gavin sa likod ko.

"Umalis kayo sa harap ko." Seryosong sabi ko.

Tiningnan lang naman nila ako at hindi ginawa ang sinabi ko kaya umirap ako sa hangin at umiwas ng daan sa kanila pero pinipigilan ako ni Nate. Galit na kinalas ko ang pagkakakapit niya sa braso ko.

"Don't touch me, I didn't know you." Mariing sabi ko at nakita ko sa kanila ang seryosong tingin sakin.

"Bea, listen to us---"

"Listen? Listen to all of you? Fuck! Bakit ako makikinig sa taong ginawa akong tanga?!" Pigil ko kay Gavin.

Wala naman akong pakialam kung marami nang nakatingin samin. Mamatay na mapahiya!

"Look Bea, wala naman---"

"Shit! Wag niyo akong gawing tanga, although ginawa niyo na, right?!" Natatawang sabi ko.

Nanahimik naman sila.

"Alam niyo, ang tingin ko sa inyo kaibigan eh pero bakit ginawa niyo akong tanga? Katatawa tawa? Walang muwang? Damn! I'm not naive and stupid but why do I feel like one?" Sabi ko at nagsimula ng tumulo ang luha ko.

"Stop, Bea. Wala kaming ganong pinapahiwatig." Seryosong sabi sakin ni Ken.

"Eh bakit hindi niyo sinabi sakin?!" Sigaw ko.

"Dahil pagsinabi namin hindi ka maniniwala!" Sagot ni Dale.

Napatingin naman ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Ikaw Dale, kasama kita sa lahat pero bakit hindi mo man lang sinabi sakin? Dahil hindi ako maniniwala? Bakit? Biro ba yung sasabihin mo? Kilala mo ako, maniniwala ako basta totoo. Hindi mo naman sinabi saking hindi pala to ako. Hindi pala ako si Bea. May boyfriend pala ako pero mismong ako hindi ko alam." Sabi ko pa.

"Trix,"

Napatingin naman kami sa nagsalita nun at nakita ko si Chase sa likod ni Gavin na kanina pa tahimik.

"Don't call me Trix, I'm not your girlfriend. Patay na ang girlfriend mo. Bea ang pangalan ko, Idiot!" Irap ko sabay alis dun.

Pinunasan ko naman ang luha ko habang naglalakad at iniirapan ang mga taong nakatingin. Wala na akong pakialam sa mga taong chismoso. Putang inang buhay to!

Sa dalawang klase na nagdaan, lutang ako. Iba ang nasa isip ko. Pati ngayong lunch lutang parin ako.

"Uy, narinig ko yung nangyare kanina. Okay kalang?" Tanong ni Kim sakin. Si Kim ang kasama ko ngayon sa table.

"Tss, wala yun." Tipid na sagot ko.

Nagpatuloy naman ako sa pagkain pero napatigil ako ng may tumabi sa tabi ko. Si Nate at Dale. Hindi ko sila pinansin pagkaupo tsaka naman ako tumayo at dinala ang pagkain ko. Ramdam ko ang tingin nilang lahat pero hindi ko sila pinansin.

"Kim, lipat tayo. Nakakawala ng vibes dyan." Malamig na sabi ko kay Kim tsaka ako umalis sa harap nila.

Lumipat kami sa ng kabilang table na sobrang layo sa kanila. Dun ako nagpatuloy ng pagkain pero naiilang ako sa paraan ng pagtingin ni Kim.

"Anong nangyare? War kayo nina Dale?" Curious na tanong niya.

"Yeah."

"So, tunay pala yung narinig kong nagkaamnesia ka pala kaya ka dinala sa Armsterdam?"

Tumingin ako sa kanya. "Oo."

"Anong kasalanan nila dun?"

Malamig ko siyang tinitigan. "Ang kasalanan nila, sinungaling sila."

"Ano, okay ka lang ba?"

"Oo naman, si Bea ata ako eh."

"Tss, ngiti pa eh. Halata namang pilit lang."

"Psh. Kumain kana kaya."








Tatlong linggo na ang nakalipas sila nung huli ko silang nakausap nina Gavin. Kung nasan ako nandon si Gavin, parati niya akong kinukulit pero yung dating saya na napaparating nun sakin wala na. Kapag naman nasa library ako, parating naupo si Nate sa tambayan ko dun kaya ako ang nalipat ng pwesto pero tuloy padin siya ng pagsunod kaya sa inis ko, lumabas na ako ng library. Kapag naman nasa rooftop ako, parati ko dun nakikita si Ken kahit pa ngumawa siya ng ngumawa hindi ko siya pinapansin.

One time, gusto niyang magpaliwanag pero dahil kailangan kong maging bastos sa harap nila, naglagay ako ng earphone sa tenga ko at pumikit ng sa ganon hindi ko siya marinig. Lagi namang napunta si Dale sa bahay para yayain akong magvolleyball pero hindi ko siya pinapansin. Lahat na ata nakwento niya pero wala parin akong pakialam. One time nga, pumunta siya ng bahay na may bangas ang muka akala niya siguro pupunahin ko ang bangas niya pero nung panahon na yun, tiningnan ko lang siya ulo hanggang paa tsaka walang habas na umakyat sa taas.

Palagi ko ding nakikita si Chase sa school pero wala akong pakialam sa kanya kahit pa palagi siyang nandyan pagmay disgrasyang nangyare sakin. Sa gym, nagpp.e kami ng volleyball at natamaan ako ng bola sa muka. Daig pa niyang teacher kasi lahat ng nakapalibot sakin pinaalis niya. Sa pool area, nagtatawanan kami ni Kim nun at hindi ko namalayang nadulas ako kaya in the end, nahulog ako sa pool. Hindi agad ako nakalangoy nun kasi biglaan pero naramdaman ko nalang nasagip niya na ako.

Agad niya akong pinalibutan ng jacket niyang tuyo pagkaahon sakin. Wala akong nagawa nun dahil nung panahon ding yun, nilalagnat ako wala lang nakaalam. Kaya pagkatapos ng insidenteng yun, dinala agad ako sa clinic dahil bigla akong inapoy ng lagnat. Nang magising ako doon, akala ko si Kim ang kasama ko pero nagulat ako ng makita ko siya doon.

"What are you doing here? Leave!" Malamig na tanong ko sa kanya kaya tumingin siya mismo sa mata ko.




"I'm here even if you don't, I'm still here."

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Where stories live. Discover now