Chapter 23: You're my love

235 6 0
                                    



"Dale!"




Panibagong araw muli sakin. Four days na simula nung nakaalala ako at four days na ding hindi ko pa nakakausap ang pinsan slash best friend ko.



"B-bea," utal na sabi niya kaya natawa ako at inakbayan siya.



"I'm sorry po Kuya Dale," asar ko kaya natawa siya.



"Loko ka talaga..." Tanging nasabi niya.



"Oy, nagsosorry na nga ako eh." Pilit ko at tumango naman siya.



"Yeah, sorry din." Balik niya.





Nagusap nadin kami ni Dale tungkol dun sa noon at naayos na namin kaya bumalik na kami sa dati. Sabay naman kaming pumasok sa klase kasi ka block ko siya ngayon. Buong klase akong wala sa wisyo kasi naantok ako at lagi naman akong ginigising ni Dale. Hanggang sa natapos ang klase at dumeretso kami sa canteen, naabutan namin sila doon. Medyo nga nagtaka ako nung makita kong wala si Kim, yun pala may klase siya kaya hindi nakasabay samin.



Inapiran pa ako ni Gavin pagkarating ko. Nginitian naman ako parehas nila ni Ken at Nate. Tumabi ako kay Eiram na nakatingin sakin kaya nginitian ko siya.



"Ano meron?" Tanong ni Dale.



Wala namang pumansin sa kanya kaya tinawanan namin siya ni Gavin.



"Nice, talk to myself!" Pangbabara niya sa sarili niya kaya tinulak ko siya.



"Corny, amp.." asik ko.



Kumain naman ako ng order ni Dale para sakin at tiningnan ko si Eiram na tahimik sa tabi ko.



"Psst. Problema?" Tanong ko.



"Tumawag sakin si Dad, pinapasundo si Chin sakin mamaya." Sagot niya at kitang kita ko ang inis sa muka niya.


Alam ko na kung bakit inis to, nagyaya sakin ng date kagabi kaya pumayag ako pero inutusan pala siya kaya ang resulta, hindi tuloy ang date..



"That's okay, I want to see Chin, too." Sabi ko. First encounter ko lang kay Chin noong hinatid ko si Aries sa school niya kase four years ago, wala pang Chin na nageexist.



"You sure?" Paninigurado niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.



"Malamang, hindi naman ako hagom sa date no. Edi pagkasundo natin kay Chin sama natin siya sa mall." Sabi ko at ngumiti dahil sa idea ko.



Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko na akala mo hindi sangayun sakin.



"Tss, bakit kasama si Chin?" Takang tanong niya.


Inirapan ko naman siya. "Edi kung ayaw mo, kami ni Chin ang magmo-mall."



"Fine, you win!" Walang nagawa niyang sabi kaya ngumisi ako.



"Shet! Under si pareng Chase! HAHAHA!" Asar ni Gavin tsaka tumawa kaya natawa na kaming lahat maliban kay Nate na nagpipigil ng tawa at kay Eiram na ang sama ng tingin kay Gavin.



Kaya bilang gante, binato niya ng bote si Gavin at ang luko, nakaiwas naman.





Lumipas ang maghapon at walang ginawa ang buhay ko. Boring ang klase ko kaya natulog nalang ako pero matic pagdating sa exam, mataas ako. HAHAHA.


Sinundo ako ni Eiram sa room ko sabay kaming naglakad papuntang parking lot. Matapos ang 25 minutes na pagmamaneho, nakarating kami sa school ni Aries. Hindi na ako nagabalang sunduin din si Aries kasi sabi ni Mame, kanina pa daw nandon ang magaling kong kapatid.




Hinintay naming maglabasan ang mga students at pagkatapos ng ilang minuto, nakita na namin si Chin na naglalakad kasama ang isa niyang kaklase at agad siyang napatakbo ng makita niya ako. Luh, dapat kay Eiram eh.



"Ate Bea!!" Sigaw niya at niyakap ang binti ko. Tumawa naman ako tsaka lumuhod para mapantayan ko siya.



"Hi, Chin. How's school?" Nakangiting tanong ko.



"It's good, Ate Bea." Sagot niya tsaka ngumiti.



Napatingin naman kaming dalawa nang biglang tumikhim si Eiram. Natawa naman ako sa itsura niya na parang galit siya kasi hindi siya yung unang nilapitan ni Chin.



"Kuya Eiram, hihihi..." Sabi ni Chin at niyakap si Eiram.



"Tss, let's go Chinny. We're going to mall." Sabi ni Eiram kaya nagtatatalon si Chin habang pumapasok sa back seat. Tumawa naman ako ng makita kong seryoso akong tiningnan ni Eiram.


"Let's go," sabi niya.




Pagkarating namin ng mall, kumain kami sa isang sikat na restaurant. Ako pa tuloy nagalalay kumain kay Chin dahil walang pakialam sa kanya ang magaling niyang Kuya. Bawat kasi pagsubo niya, naglalaglagan kaya nakakainis tingnan. Mabilis kong tinapos ang pagkain tsaka ko siya tinulungan. Pagkatapos naming kumain sa restaurant, dumeretso kami sa Time Zone. Naglaro kami ni Chin sa kuhanan ng teddy bear pero walang nakakuha saming dalawa kaya hinigit ko nalang siya sa laruang pupukpukin ang ulo ng hayop para hindi ito lumitaw. Tawa naman kami ng tawa kapag hindi namin nahahabol ang paglitaw ng hayop sa loob kasi nakakafrustrate masyado. Humiwalay kasi kami kay Eiram na naglaro ng basketball, wala ng ginawa kundi naglaro. Naagaw naman ng pansin namin ni Chin ang nagkumpulang tao dun sa mini videoke. Hindi ko masyadong makita ang pinagkukumpulan kasi masyadong madami.



"That's Kuya," wala sa sariling nasabi ni Chin kaya napatingin ako sa kanya.



"What?"



"Si Kuya po yun." Ulit niya.



Anong meron kay Eiram? Teka? Bakit wala na siya sa basketball? Halos isang oras kasi kaming naglaro ni Chin sa iba't ibang arcade kaya hindi ko na naisip si Eiram.


Napatigil nalang ako ng marinig ko yung boses nung nakanta.




Ikaw lang ang aking mahal

Ang pagibig mo'y aking kailangan

Pagibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman






His voice is very familiar. Narinig ko na yan. Doon ko lang napagtanto kung anong ibig sabihin ni Chin.



"That's Kuya Eiram.." sabi ni Chin habang nakaturo sa kumpulan.





Ang nais ko sanay inyong malaman

Sa hilago o sa timog o kanluran

Kahit saan pa may ay aking isisigaw

Ikaw ang aking mahal






Nang tumingin siya dito sa gawi namin dun na nanlaki ang mga mata ko, idagdag mo pa ang ngiti niya kaya rinig na rinig ko ang mga tilian ng crowd. Nagbago! Nawala! His hair becomes black. Gaya nung first encounter namin, messy hair but black hair. Nagbago na siya ng kulay ng buhok at wala na ang pink. This guy is annoying when he always grinned. Napairap tuloy ako sa kanya.



"Hihihi.... Kuya Eiram really loves you, Ate Bea." Sabi ni Chin kaya nagulat ako.



She knows.





"She's right, Trix. I really love you. Ikaw ang aking mahal..."

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Where stories live. Discover now