Natatakot ako! Yun ang nararamdaman ko. Shit! Bakit sa lahat ng pwedeng makakita, bakit siya pa? Bakit? Nahihiya ako! Nasasaktan ako! Natutuliro ako!
Nahihiya ako sa kanya. Sa kabila ng magiging mabait ko sa kanya, nagawa ko pang kunin yung talagang kanya. Baka isipin niya, inaabuso ko siya. Ayokong makigulo sa kanila pero kapag nasa harap ko si Eiram, nawawala lahat ng dapat kong gawin. Layuan siya, yun lang ang dapat kong gagawin pero hindi ko magawa. Alam kong masama ito at hindi ito pwede kasi may Angel. May Angel na naghihintay.
Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa pwedeng mangyare sa pagitan naming tatlo. Ayaw ko ng gulo pero hindi ako naaalis sa gulong kinasasangkutan namin. Nasasaktan ako sa pwedeng kahihinatnan nito. Ayoko ng feeling na nagtatago at natatakot dahil dito. Nasasaktan din ako sa pwedeng isipin ni Angel samin. Malamang, nakita kaming maghahalikan eh, sa tapat niya pa. Nasasaktan din ako kasi gustong gusto kong sumugal pero hindi pwede. May isa eh.
Natutuliro ako. Nababaliw ako sa nangyayare ngayon, ayoko. Ayokong makigulo sa kanila kasi nananahimik na ako pero nang dahil kay Eiram, gumulo na lahat. Sa tatlong taong wala siya, okay naman ako pero nung dumating na naman siya nababaliw na ako. Bakit ba ang lakas ng epekto nito sakin? Ayoko nito! Natatakot ako dito!
"Hi guys, Nice view. Huh!" Sabi ni Angel nung makalabas siya ng kotse.
Hindi ko siya matingnan kasi nahihiya ako sa ginawa kong kahihiyan.
"I'm sorry, Angel." Yun nalang ang nasabi ko at dali dali na akong tumakbo paalis.
Naririnig ko pa ang tawag nilang dalawa pero hindi ko na ito pinansin, ewan ko. Siguro hahayaan ko na silang dalawa, tama na yung nakagawa ako ng katangahan. Ayoko ng maulit. Nakakasakit na ang tadhanang ito. Kung talagang kami, kami. Wala ng dapat na kahit anong handlang.
Dalawang araw. Dalawang araw na simula nung mahuli kami ni Angel at dalawang araw na din simula nung hindi ako lumalabas ng bahay namin. Wala ako sa condo kasi alam kong pupuntahan ako doon ni Eiram.
Ayokong lumabas kasi feeling ko, mamamatay ako sa sobrang kahihiyan kapag nakita ko silang dalawa. Ang tanga mo kasi Bea, masaya na yung dalawa eh, bakit ginulo mo pa? Tss. Nakakainis.
"Beatrix, let's eat lunch!" Sigaw ni Mame sa labas ng kwarto ko.
Napabuntong hininga naman ako bago kumilos. Simula nung nandito ako umuwi, wala akong kinausap maski sina Mame at Dade. Ayokong sabihin sa kanila na ang tanga nilang anak eh nanggulo ng isang relasyon. Baka bungangaan ako. Ayoko nun.
Pagbaba ko, akala ko nandito si Dade at Aries pero naisip ko na nasa school at work pala sila kaya kami lang ni Mame. Naisip ko tuloy nung three years ago, akala ko sandali lang dito si Mame pero nung panahon na sobrang nagdamdam ako sa pagkawala ni Eiram, nandon lang siya sa tabi ko at inaalo ako. Hindi na daw babalik ng Netherlands, siguro bakasyon nalang pagpupunta siya don.
"Okay ka lang ba, Bea?" Tanong ni Mame nang mapansing hindi ako naimik sa hapag.
Hindi ko na kaya. Siguro naman naiintindihan niya ako.
Kinuwento ko kay Mame lahat ng nangyare, akala ko galit siya kasi hindi siya nagre-react sa mga sinasabi ko at tahimik lang siya. Yumuko pa ako nung nakita kong tumayo na siya para umalis, umiyak ako noon kase nararamdaman ko nang mali nga ako pero nagulat ako ng yakapin ako ni Mame at sinabi niyang walang malinpagdating si pagmamahal. Sa pagkakataong yun, nakaramdam ako ng kakampi makalipas ng dalawang araw. Hindi din kasi ako nagpaparamdam kina Nate, Ken at Gavin kahit sobrang dami na nilang texts and calls. Ayoko. Nahihiya ako.
Paakyat na sana ako sa taas ng biglang nag-vibrate ang phone ko. May natext. Unknown number.
From: Unknown number
Hi, this is Angel. Can we talk? Bea?
Sa gulat na naramdaman ko, nahulog ko yung phone ko pero sinimot ko din naman. This is it! Kung hindi sakin si Eiram! Fine! I'll give it to her kasi sakanya na siya eh.
Nanginginig pa akong nagreply sa kanya ng 'okay, where?' tapos nagreply naman siya kung saang mall. Agad akong nagpunta ng kwarto para maligo at makapagpalit. Nagpaalam din ako kay Mame na kakausapin ko na si Angel.
"I'm so proud of you, anak." Yakap ni Mom sakin.
"Thanks, Mame." Bawi ko.
Agad akong pumunta sa sinasabi niyang coffee shop at hinanap ko siya dun. Nakita ko siya sa bandang dulo na nakaupo habang may kausap na waiter. Nagbuga naman ako ng hangin bago lumapit sa kanya. Nakita ko siyang nagulat pero ngumiti din naman nung nakita ako. Pinaupo niya ako at inorderan ng coffee at hindi nagtagal ay dumating na iyon.
"So?" Sabi niya pa.
"Angel, I'm sorry." Yun agad ang lumabas sa bibig ko.
Nakita ko naman siyang ngumiti sakin ng wagas.
"You don't have to sorry to me, Bea. It's my fault that you two broke up so, I should be the one who apologize. But I thank you for apologizing to me even though I do not deserve it." Sabi niya.
Nagulat ako. "Ha?"
"I know you two had a relationship before so, I'm really sorry." Sabi niya.
"Alam mo? Pano?"
"Ryker told me when I introduced you to each other. I want to chase you and apologize to you because I hurt you without knowing that you're the one that he loves. But Ryker told me that he was the responsible here, so, I agreed." Sagot niya.
Hindi ako makapagsalita sa mga nalalaman ko. What?
"Nung nasa Starbucks tayo unang nagkita, siya yung kasama kong sinabi kong fiancée. Nung makapasok ako sa kotse niya, nagaaway pa kami kasi nga hindi namin gusto ang isa't isa." Dagdag niya. Mas dun ako nagulat.
"Na nagpapanggap lang kaming masaya kami at okay kami sa harap ng tao kahit kapag kami namang dalawa ay hindi. Simula't sapol ayoko ng engagement na yan eh pero dahil lang sa lolo ko kaya ako pumayag. Sa totoo lang, may boyfriend ako at alam yun ni Ryker. Hindi naman kami nagsusumbatan kapag kasama namin ang gusto o mahal talaga namin kasi okay na okay samin yun."
"Umalis kami ni Ryker at pumuntang France para maayos at hindi maituloy ang kasal pero hindi pumapayag ang mga lolo namin kaya kami nagtagal don. Sinabi niya na din na ikaw ang gusto niyang pakasalan pero ayaw pa din nila hanggang sa may ginawa si Ryker. Okay lang saking doon ako kase kasama ko ang boyfriend ko ng palihim tsaka dun talaga ko nakatira pero nakita ko kay Ryker na nasasaktan siya kasi nandoon siya at wala siya tabi mo. Umuwi naman kami dito para i-cancel ang mga business dito kasi dun na daw si France gagawin."
"Wala akong reklamo nung sabihin ni Ryker na gusto ka niyang makasama kaya tuwang tuwa ako kasi magkikita na kayo. Kaya nga natutuwa ako ng makita kita sa mall. At mas lalong natuwa ako nung makita ko kayong dalawa sa kalsada noon. Nagkatinginan nalang kaya kami ni Ryker nung umalis ka. Hahabulin sana ka namin kaso nag-text sakin yung lolo ko."
Ang tagal kong nanahimik sa mga sinabi niya. Ang alam ko nalang umiiyak na ako. Pumunta pa siya sa upuan ko para yakapin ako.
"I'm sorry, hindi ko alam na ganon na pala ang sinakripisyon niya. Lagi siyang ganon, mas gugustuhin niya pang siya ang mapahamak kase sakin." Maktol ko, napapayuko.
"Because, he loves you. Even if he doesn't know how to show his love. He loves you." Bulong ni Angel.
"Thank you." Bulong ko din.
"It's okay."
"Bakit nga pala tumawag yung mga lolo mo?" Tanong ko kaya nanahimik siya dahilan para kabahan ako.
"Pinapauwi na kami bukas..... kasi ikakasal ako....kami."
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
FanfictionWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.