Chapter 4: What?!

476 10 1
                                    


Pagkatapos ng encounter namin ni Ken kanina ay hindi na kami nagkita hanggang ngayong lunch. Ewan ko, masyado akong kinakabahan kapag nandyan siya sa harap ko. Hindi ko maexplain ng malinaw ang nararamdaman ko. Ano ba yun? Bakit parang may kakaiba?

Kakaisip ko ng kung ano ano, hindi ko tuloy namalayan na nasa tapat na ako ng garden. Papasok sana ako kaso may pumigil ng braso ko at nakita ko ang seryosong muka ni Chase.

"What?" Tanong ko ka agad at hinawi ang kamay niyang nasa braso ko.

"Who was with you earlier?" Seryosong tanong niya kaya nagtaka ako. Ha? Ako? Sino kasama--- ah, si Ken.

"Si Ken." Sagot ko ng may halong pagtataka.

"Why are you with him?" Tanong pa niya.

Kumunot naman ang noo ko. "Ano naman sayo?"

"You should not go with him."

"Ha? Ano kamo?"

"You don't know him."

"Bakit ba?!" Inis na asik ko. Wala kasi akong naiintindihan sa kanya.

"Tu devrais être avec moi, juste moi." (Dapat sakin ka lang nasama, sakin lang.)

"Teka! Anong sabi mo?" Naguguluhang sabi ko pero hindi niya ako pinansin sa halip ay aalis na sana siya pero pinigilan ko. Naiiyamot na talaga ako.

"Weet je, ik begrijp je niet." (Alam mo, hindi kita maintindihan.) Sa sobrang inis ko nasalita ko ang salita ni Dade.

"je begrijpt me echt niet, je bent altijd bij hem." (Hindi mo talaga ako maintindihan, lagi kang nasa kanya eh.)

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Anong lagi akong nakay Ken? At marunong din siyang mag-dutch?

"Wat bedoelt u?" (What do you mean?)

Umiling siya. "Niets." (Nothing.)

Tulala pa rin ako pagkatapos niya akong iwan. Ano bang ibig niyang sabihin? Bakit parang pinararating niya na kasalanan ko?

"Uy, bakit ka tulala?"

Nakakainis naman ako, binigyan niya na naman ako ng karagdagang inisipin. Hay nako, Ryker Chase Leyva! Hindi talaga kita gets.

"Huy!" Napaigtad naman ako ng bigla akong gulatin kaya sinamaan ko ng tingin si Kim na ngingisi ngisi sa harap ko.

"Bakit ba?" Tanong ko.

"Bakit kasi tulala ka?" Tanong niya habang hatakhatak ako papasok ng garden at naupo kami sa bench dun.

"Ha? Wala naman!" Tanggi ko.

"Sus, wag ka nang magka-ila. Nakita ko kayo ni Chase na naguusap ng lenggwaheng hindi ko maintindihan." Sabi niya pa kaya gulat akong napatingin sa kanya.

"Alam mo?!" Pagsisigurado ko.

"Aba'y oo, hindi lang ako. Madami nading nakakita. Yung iba takang taka at yung iba, alam ang pinagusapan niyo." Sagot niya.

Nakakainis! Napahawak tuloy ako sa noo ko bago umiling iling. Tanga kasi! Bakit ba hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin diba.

"So, ano bang pinagusapan niyo?" Tanong niya kaya tiningnan ko siya at ayun, may lamon lamon ng Vcut.

"Wala, nothing important." Sabi ko at sumandal sa sandalan.

"Okay lang kung hindi mo sabihin, basta paghanda kana nandito lang ako, makikinig sayo." Sabi niya pa kaya palihim akong ngumiti.

Yan si Kim, kahit tarantado, maaasahan naman at totoo.

"Salamat." Wala sa sarili kong nasabi.

"Oh siya, una na ako. May klase pa ako" sabi niya at kumindat pa si Gaga.

Naiwan tuloy akong magisa dito sa garden. Kainis naman oh.

"Ano bayan, absent na nga si Dale, may klase pa si Kim. Wala tuloy ako kasama." Bulong ko.

"You can be with me, if you want!"

Agad naman akong napalingon sa nagsalita sa likod ko at nakita ko si Nate.

"Uy," bati ko at tiningnan siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ko. Inayos muna niya ang salamin niya bago tumingin sakin.

"So, is that okay?" Tanong niya pa.

"Uh, oo naman. Okay lang sakin." Sagot ko at ngumiti kaya nakita ko na ngumiti siya ng konti. Hala? Ngumiti? Siya?

"Good, then."

"Ngumiti ka?" Gulat na tanong ko kaya nasilayan ko ang gulat sa muka niya.

"What?" Kinakabahang tanong niya.

"I saw you smile." Pagpipilit ko.

"No, I'm not." Tanggi niya kaya pinanliitan ko siya ng mata.

"Okay, itanggi mo lang." Sabi ko kunwari nagtatampo at hindi naman ako nabigo dahil narinig ko siyang nagbuntong hininga.

"Fine, I smiled." Pagsusuko niya kaya nginitian ko siya.

"Smile ka ulit, patingin ako." Kantyaw ko.

"I don't want." Tipid na sabi niya at nagiwas ng tingin kaya napanguso ako.

"Damot." Nakangusong sabi ko kaya napalingon siya sakin at for the second time, he smile.

"Stop pouting, you're not cute." Nakangiti sita niya kaya napatitig ako sa kanya.

Shemay! Ang gwapo!

"Hey, you alright?" Nabalik naman ako sa wisyo nang tanungin niya sakin yun.

"Oo, ang gwapo mo pala kapag nakangiti." Puri ko kaya napangiti siya.

"Thank you, then." Sagot niya.

"Nawiwili kana sa pagngiti ngiti ah," biro ko sa kanya kaya nawala ang ngiti niya.

"Oy, bat di kana ngumiti? Ngiti ka lang, binibiro lang kita." Bawi ko tsaka humagalpak ng tawa.

"You're crazy, Bea." Napatigil naman ako sa pagtawa ng sabihin niya yung pangalan ko. Shet! Ang gwapo! Crush ko na ata siya!

"Luh, baliw agad? Hindi ba pwede nasisiyahan lang dahil ngayon lang kita nakitang ngumiti?" Bawi ko.

"You're just over reacting," iiling iling na sabi niya.

Inirapan ko naman siya. "Duh, ble!"

"I don't know why I'm smiling now, but I know maybe you are the reason." Bigla niyang sabi.

Gulat naman akong napalingon sa kanya ng sabihin niya yun. B-bakit ako?

"Ha?"

"Nothing, don't mind it." Sabi niya. "Let's go." Yaya niya kaya dahan dahan akong tumango.

Sabay naman kaming naglakad ni Nate, pero hindi ko alam kung bakit ako naiilang. Siguro dahil lang sa mga nagtitinginan. Oo, siguro dun nga.

"Nate, bakit nga pala kayo lumipat dito?" Curious na tanong ko.

Napalingon naman siya sakin.

"To tell you the truth, I don't know. Just one day, Chase told us we were moving." Sagot niya kaya nagtaka ako.

"Bakit daw?"

"He probably wants to find the person he wants or should I say, the person he loves." Sagot niya kaya natahimik ako.

Hahanapin ni Chase yung babaeng gusto niya? Dito? Wow. Ang tyaga niya ha.

"Eh bakit kayo nandito? Pumayag kayo sa simpleng gusto niya?" Tanong ko pero umiling siya.

"At first yes but after a while, I had reason to like going in here." Sagot niya.

"Ano naman yun?" Tanong ko at napatigil ng makita kong tumigil siya.





"The person I want is also here."

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Where stories live. Discover now