Continuation of Flashbacks
Inasikaso ko si Eiram gamit ang dala kong towel at tubig. Buti nalang dala ko tong mga to nang magutos si Miss samin kanina.
"Hey, you okay?" Tanong ko sa kanya ng malagay ko ang binasa kong towel sa noo niya.
Hindi naman siya nagsalita kaya umupo ako sa tabi niya.
"Lay down." Utos ko kaya ginawa naman niya.
Nakaunan ang lap ko sa ulo niya habang tinitingnan ko kung komportable ba ang higa niya hanggang sa napatitig ako sa muka niya. Mapupungay ang mata niya kahit nakapikit siya, matangos ang ilong, mapupulang labi, at matulis na adams apple a.k.a gwapo talaga.
Sa kakatitig ko tuloy sa kanya ay hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nagising nalang ako mga past 7pm na kaya ginising ko na din si Eiram.
"Eiram, wake up. 7pm na, let's get out of here." Gising ko pero tiningnan ko muna kung nilalagnat pa pero hindi na.
Tumayo naman siya at tiningnan ako.
"What?" Tanong ko pero umiling siya at may dinukot sa bulsa niya. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko ang hawak niya. Susi!
"Ugh, I hate you!" Sigaw ko at pinaghahampas siya pero tinawanan niya lang ako.
Kainis, nasa kanya pala ang susi hindi man lang sinabi.
"Hindi ko sinabi na nasakin ang susi kasi gusto kong makasama ka, bawal ba yun?" Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tss, inuuna mo yang katangahan mo imbis na ang sarili mo." Inis sa asik ko at iniwan siya sa loob.
Sinundan naman niya ako hanggang parking at natatawang tumingin sakin bago pumasok sa kotse niya..
"Okay din yun at least naalagaan mo ako. Tsaka, napaghahalatang may care ka sakin ha." Asar niya.
"What if yes, so what?" Irap ko sa kanya tsaka umalis. Napangiti naman ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya at dahil na din sa naiwan siyang tulala don.
Matapos nang pangyayareng yun, hindi niya na ako tinantanan pa. Puro siya kulit, asar at tawa sakin na wala naman dapat ikatawa. Pero hindi ko namalayang nahuhulog na pala ako sa kanya. Nanligaw siya ng ilang buwan at sinagot ko siya ng birthday ko, June 20, 2014.
Masaya kami, pero minsan nagaaway dahil kay Jaylen kasi ang naririnig kong rumored, may gusto daw sakin si Jaylen. Una hindi ko pinaniwalaan hanggang sa nalaman ko mismo sa kanya na tunay nga. Nagulat ako noon pero agad ko siyang pinatigil dahil nga boyfriend ko ang kaibigan niya pero hindi siya tumigil hanggang sa si Eiram na ang nagpatigil sa kanya.
Nagseselos kasi si Eiram noon kay Jaylen kasi daw malapit kami sa isa't isa pero sinabi kong parang kapatid ko na si Jaylen. Hanggang sa umabot kami ng one year nung birthday ko. Engrade ang ginawa niya, sinabay niya ang anniversary namin at birthday ko. Sobrang ganda noon ng surprise niya at ang nakakatawa, noong nakita ko siya noon, may hawak siyang bulaklak na red tulips na paborito ko at heart balloons. Sobrang ganda talaga.
September 25, muntik na kaming magbreak kasi nalaman kong may kinikita pala siyang babae sa mall araw araw. Una, hindi ako naniwala hanggang sa nakita ko mismo sa harap ko. Pinaka craziest thing na ginawa ko, sinugod ko si Eiram at yung babae. Nagiskandalo talaga ako sa mall, wala akong pakialam noon kasi sina Abbi ang may ari ng mall na yun. Sinigaw ko pa kay Eiram na break na kami tsaka ako tumakbo paalis.
Umiyak ako ng umiyak sa bahay noon at nalaman kong nasa labas si Eiram at nagmamakaawang kausapin ako. Kinausap naman ako ni Dade kaya kinausap ko si Eiram. Paglabas ko, nandon siya kasama yung babae kaya umiyak na ako sa harapan niya. Putang ina! Harap harapan, gago! Inamin niya ding kapatid pala niya yun at yun si Ate Chantal. Nagsorry pa ako nun sa Ate pero tinawanan niya lang ako at sinabing gusto niya daw sa kapatid niya kasi ako lang daw ang nakakagawa nun sa kapatid niya. Nagsorry naman ako kay Eiram non maging pati siya.
"I love you not for now but for always, Trix."
"I love you too."
October 19. Eiram's birthday. Nagpaalam ako kina Mame at Dade na pupunta ako sa birthday party ni Eiram. May bagyo nun, kaya pahirapan akong pinayagan at wala naman silang ginawa dahil boyfriend ko si Eiram. Umalis ako ng gabi ng 8pm sa bahay kahit alam kong nabagyo. Habang nagmamaneho ako, nangiti ngiti pa ako kase birthday niya na. Birthday na ng mahal ko pero nawala ang ngiti ko ng makita kong may papalapit na bus sakin.
Grabe ang kabang naramdaman ko noon at ang masaklap na noon, ayaw magbukas ng ilaw kaya hindi ako nakikita ng bus. Idagdag mo pang nabagyo at madilim. Pagkatapos nun, hindi ko na alam ang nangyare kase ang alam ko nalang, nabunggo na ako ng bus. Ang huling salitang natatandaan kong nasabi ko ay,
"Happy birthday my love."
End of Flashbacks
"Bea..."
Hingal na hingal akong napamulat pero nagtaka ako ng makita kong puti ang kisame. Where am I? Si Eiram? Si Chase? Yung mahal ko? Asan?
"Bea," napatingin naman ako sa tumawag sakin. Nakita ko silang lahat. Si Dade, si Mame, si Aries, Gavin, Ken, Nate, Dale, Kim and Danica.
"Where's Eiram?" Tanong ko agad.
Nanlaki naman ang mga mata nila at gulat na tumingin sakin.
"Mame, Dade, where's Eiram?" Ulit ko.
"Nakakaalala kana, Bea?" Tanong ni Dade.
"Yes and please, answer my question." Maktol ko.
Nakita kong nagulat silang lahat sa sinabi ko pero yumuko din ng mapagtanto.
"Dale, Where's Eiram? Gavin, Nate, Ken!" Tanong ko sa apat.
"Hindi na namin siya nakita simula nung dinala ka niya dito." Sagot ni Dale. Tumulo naman ang luha ko sa sinabi niya.
"Hindi siya umalis ng bansa, sadyang ayaw lang niyang magpakita sayo." Dagdag ni Ken.
"Akala niya kasi, hindi mo na siya mahal." Dagdag ni Gavin.
"No, I love him." Sabi ko at umalis sa kama. Pinigilan naman nila ako pero hindi ako nagpapigil.
"Wag niyo akong pigilan! I need to see him! I want to see my love!" Sigaw ko kaya hinayaan na nila ako. Pinagbihis nila muna ako kase nakahospital gown pa ako.
Pagkatapos kong magbihis, umalis agad ako.
Saan ko ba hahanapin yun? Eiram! I love you. Mahal kita kahit nakalimutan kita. Muka mo nga lang ang nakalimutan ko diba pero hindi yung pagmamahal ko. Lugar. Lugar kung saan ko siya sinagot. Sa damuhan, sa tabi ng abandunadong bahay sa malapit sa park.
Pagkarating ko doon, agad ko siyang hinahanap at hindi nga ako nagkamali ng pinuntahan kasi nakita ko siya. Nakita ko ulit ang mahal ko. Hindi ko nalang namalayan ang luha ko tumulo na pala.
"Eiram...."
![](https://img.wattpad.com/cover/234293773-288-k465414.jpg)
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
FanficWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.