Chapter 6: Stock Room

360 11 1
                                    

Martes ng umaga. Uunat unat akong bumangon sa kama at pinatay ang alarm clock. Nakapikit naman ako pumasok sa banyo para maghilamos at maligo na rin dahil may pasok ako. Pagkatapos kong maligo at magbihis tsaka na ako bumaba. Naabutan ko sa dining table si Dade at Aries na nakain na.

"Morning," matipid na bati ko.

"Good morning, Bea." Bati ni Dade.

"Morning, ate." Bati din ni Aries.

Aries is my younger brother.

"Kumain kana, Bea. Ihahatid mo pa si Aries sa school niya." Sabi ni Dade kaya napalingon ako sa kanya.

"What? Ako ang maghahatid sa kanya?" Gulat na tanong ko kay Dade.

"Yeah. Aalis na kasi ako ngayon." Sabi ni Dade.

"Bakit hindi na kayo?" Maktol ko pa.

"Iba ang way ng opisina sa school niya."

"Dade, si Mang Mario nalang."

"Driver ko si Mang Mario, Bea."

"Si Mang Bin nalang."

"Flat ang isang kotse."

Putek! No choice.

"Psh, sige na nga." Sabi ko at bumalik na sa magkain.

Pagkatapos naming kumain ni Aries ay mabilisan ko siyang hinatid sa school niya. Daldal pa siya ng daldal habang nasa byahe kami pero simpleng tango at iling lang ang sagot ko. Kainis kasi!

"Be a good boy!" Sigaw ko sa kanya ng makapasok na siya sa gate ng school nila.

Papasok na sana ako sa kotse ng may mabangga akong babae sa harap ko. Dali dali ko itong inalo.

"Hey, are you okay?" Tanong ko kaya tumango ito at ngumiti. Ginantihan ko naman siya ng ngiti.

"Sorry po ah, hindi po kasi kita nakita." Sabi nung bata kaya ngumiti ako.

"Okay lang, ano pangalan mo?" Nakangiting tanong ko. Ang cute niya naman at ang ganda. Singkit ang mata.

"Chin, po." Sagot nito kaya medyo naguluhan ako.

"Ha?" Chin? Ano yun, baba?

"Hihihi.... Atasha Chin po." Ulit niya. Ah kaya pala.

"Ah, hi Chin, I'm Ate Bea." Pakilala ko kaya nakangiti niyang nilahad sakin ang kamay niya.

"Chin!" Napatingin naman ako kay Chin ng marinig kong tinatawag na siya.

"Let's go, hinahanap kana ata." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Nakangiti naman siyang titingin tingin sakin. Isasauli ko na sa parents niya.

"Chin, where the hell have you been? Sabi ko wag kang aalis dun ah." Napatingin naman ako sa biglang lumuhod kay Chin at ganon nalang ang gulat ko nang makilala ko kung sino yun. Si pinky hair.

"Hey, thanks to---" kusa namang napatigil si Chase ng makita ako. Napansin ko ding nagulat siya pero agad din niya itong hindi pinakita.

"Thanks." Tipid na sabi niya at tumingin kay Chin. "Let's go." Yaya niya dito.

"Wait up, Kuya." Sabi ni Chin at tumingin sakin tsaka ngumiti. "Thank you po Ate Bea, don't mind Kuya nalang po, 'couz he's rugged po eh." Sabi sakin ni Chin kaya napatawa ako bago tumingin kay Chase, na nakatingin pala sakin pero agad ding nagiwas ng tingin.

"Sige, bye Chin!" Sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse ko tsaka umalis.

Pagkarating ko ng school ay agad na akong pumunta sa klase ko. Buong maghapon ay boring ang nararamdaman ko dahil sa walang thrill na nagaganap. Idagdag mo pa ang asar ni Gavin sakin, kesyo daw boyfriend ko siya. Tss, as if. Simula nung nangyare yun sa arcade, hindi niya na ako tinigilan kaya minsan naiirita ako at naiingayan pero may parte sakin na hayaan lang siya sa ginagawa niya. Ewan, nasisiyahan ako kapag nandyan siya kasi feeling ko may kaibigan akong clown na handang patawanin ang kapag ayaw sakin ng mundo.

"Ah, Miss Lee, can I have you for a minute?" Tumango naman ako sa tanong ni Miss Zamora.

"Yes, Miss?" Tanong ko.

"Miss Lee, can you please take it to the storage room, Dean called me." Pagsuyo ni Miss kaya kinuha ko na sa mga kamay niya ang mga lumang libro.

"It's okay, Miss." Sabi ko.

"Thank you, Miss Lee." Sabi ni Miss at nagpaalam ng umalis.

Nagbuntong hininga naman ako bago pumunta sa fourth floor kung nasaan ang storage room. Habang naakyat ako, nakasalubong ko din si Chase na may dala ding libro at mukang pupunta ng storage room kaya sumunod nalang ako.

Pagpasok naming dalawa ay nilapag kona ang mga libro at dali daling umalis pero pinigilan niya ako.

"Arrange the books carefully." Maraang sabi niya nang hindi tumitingin sakin kaya napairap ako sa hangin.

Gaya ng utos niya, inayos kong mabuti ng libro. Habang inaayos konng mabuti ay biglang humangin ng malakas kaya nasara at natapon ang mga isa isang papel. Wala kaming nagawa ni Chase kundi simutin lahat yun at ng masimot ay nauna pa siyang pumunta sakin sa pinto pero napatigil sa mismong harap nito.

"Anong nangyare?" Tanong ko kaya napalingon siya sakin.

"The door is locked." Dali dali naman akong pumunta sa pinto at maraang pinihit ang door knob pero nyeta, ayaw.

"Putangina." Mura ko at pinagtatadyakan ang pinto.

Ayaw mabukas puta.

"Don't force it to open." Napalingon naman ako sa kanya ng sabihin niya kaya kumunot ang noo ko. Umupo pa siya sa sahig dun na animo'y ayaw niyang gumawa ng paraan.

"Anong wag na? Edi, hindi tayo nakalabas dito. Tanga!" Inis asik ko sa kanya.

"Why would you insist if it's really don't want to?" Tanong niya at lumingon sakin.

"You know what, you're pure chatter. Just make a way, for us to get out of here." Bulyaw ko pero umiling lang siya.

"Tss, I don't want to, I'll just get tired." Tanggi niya at pumikit kaya sa sobrang inis ko, binato ko siya ng sirang unan dahilan para siya'y ubuhin.

"What's wrong with you?!" Inis na sabi niya habang nakatingin sakin ng masama.

"Putangina mo," bulyaw ko at tinalikuran siya.

Puta, kahit anong gawin kong pagbukas ayaw niya. Tsk. Nakalimutan kong sira nga pala to oh. Nakakainis, bakit ngayon pa? Bakit kung kelan kasama ko ang kampon ng demonyo?

"Do you still have no intention to open it?" Balik ko sa kanya.

"Just leave it there." Walang kwentang sagot niya.

"Bakit ba wala kang pakialam?" Tanong ko.

"I care, I just want to..." Hindi niya na tinapos ang sasabihin niya dahil nakita niya na akong naiiyak.

Kaya maraan siyang pumikit bago tumayo at lumapit ng pinto. Pinaisod naman niya ako ng konti bago niya hawakan ang door knob.

"I care, I just wanted to be with you but I saw it with your own eyes that I'm not the person who you wants to be with, just like I wanted you to be with me." Ani niya sabay buong lakas na hinila ang door knob kaya ito nabukas at naiwan na din akong mag-isa.


'Chase.'

UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN Where stories live. Discover now