"Bea!"
Napalingon naman ako sa tumawag sakin sa likod at nakita ko si Gavin na natakbo papunta sakin. Ngumiti siya ng makalapit siya kaya ginantihan ko din ng ngiti.
Nakakatuwa talaga kapag nakikita ko tong si Gavin na nakangiti, nakakawala ng stress.
"Hmmm?"
"Punta ka sa birthday ko, friday ng gabi. Text ko sayo kung saan venue." Sabi niya.
"Teka! Ano susuotin ko?" Habol ko sa kanya ng tatakbo na siya paalis.
Ngumiti siya sakin. "Just wear a simple 'couz you're beautiful even if simple or elegant."
Ngumiti nalang ako sa kanya at tumango. Hindi ko alam pero natutuwa ako kapag pinupuri niya ako kasi nafifeel kong seryoso siya. Kahit palabiro siya, nararamdaman ko padin na mag seryoso pa din siyang side.
"Dale!" Tawag ko kay Dale na makita ko siya sa tapat ng building niya. Halatang ngayon natapos ang klase niya.
"Bakit?"
"Imbetado ka din ba ni Gavin sa birthday niya sa friday?" Tanong ko.
"Uh, oo. Sinabi na din pala sayo." Sagot niya.
"Oo eh, ano tara." Yaya ko kaya kumunot ang noo niya.
"Saan?" Tanong niya.
"Sa mall, bibili ng regalo para kay Gavin." Sabi ko.
"Nah, sorry pass ako ngayon. May klase ako eh." Tanggi niya kaya inirapan ko siya.
"Tss, ano ba yan! Wala akong kasama!" Maktol ko sa kanya.
"Edi samahan ka ni Chase." Sabi ni Dale at tumingin sa likuran ko. "Pare, samahan mo nga sa mall to ah. Sige una na ako. Bye!" Dagdag ni Dale sabay karipas ng takbo.
Ilang mura na ata ang nasabi ko sa isip ko dahil sa ginawa ni Dale. Pilit ko ngang iniiwasan si Chase pero mukang ayaw ng tadhana.
"So, shall we?" Tanong niya kaya wala na akong nagawa kundi pumayag.
Pumayag ako hindi dahil gusto ko siyang makasama, pumayag ako dahil kaibigan siya ni Gavin na pwede magturo sakin kung ano ang dapat iregalo sa tukmol na yun.
Pagkarating namin ng mall, niyaya ko agad si Chase sa stuffs collection. Agad akong naghanap ng pwedeng iregalo kay Gavin, ang sabi kasi ni Chase mahilig si Gavin sa stitch stuff toys kaya baka dito ako makakita. Naghiwalay kami ni Chase para madali kami makahanap. Siya sa left corner ako sa right. Hinahanap na ng mga mata ko ang stitch stuff toys dito pero wala. Nagtry akong hanapin ulit pero iba ang napukaw ng atensyon ko. Ang minion stuff toys. Hindi ko alam kung bakit bigla ko itong nilapitan at kumuha ng isa tsaka tinitigan.
Bakit parang may kilala akong mahilig sa minions? Favourite ko din kasi ito noon sabi ni Dade kaya panay ako panood ng mga movies ng minions pero ngayon, hindi ko siya nafifeel na paborito ko kundi sa iba.
"You like minions?" Biglang may nagtanong sa likod kaya napatingin ako dito at nakita ko si Chase.
"Uh, actually noon daw sabi ni Dade." Sagot ko pero nakatingin parin siya sa minion stuff toy na hawak ko.
"Uh, they're cute huh." Sabi ni Chase at bahagyang ngumiti.
"Yeah. Lalo na kung kakantahin nila yung banana, HAHAHAHA.." sabat ko sa kanya at humagalpak ng tawa. Nakita ko naman siyang natawa at napailing dahil sakin.
"What? Talaga naman ah." Asik ko at kinanta yung banana kaya lalo kaming natawa.
Ang saya ko ngayon ha. Tawa ako ng tawa eh, pero hindi. Masaya ako kasi nakita kong tumawa at ngumiti si Chase sa harap ko.
"Crazy!" Bansag pa niya sakin kaya nahampas ko sa kanya yung hawak kong minions.
"Baliw, hindi ah." Tanggi ko at palihim na napangiti dahil sa asar niya.
Akala mo nga namang may kalokohan din pala to.
"Here's your stitch stuff toys." Abot niya sakin ng stitch stuff toy na hawak niya.
"Thanks." Sabi ko at pupunta na sana ng counter nang pigilan niya ako.
"Dadalhin mo ang minions na yan?" Tanong niya sa hawak ko ding stuff toy kaya tumango ako.
"Bibilhin ko din to." Sabi ko kaya tumango nalang siya.
Nang mabayaran ko na ang mga binili ko, niyaya ko pa si Chase na pumunta sa bilihan ng relo para kay Gavin pero hindi siya pumayag.
"Gavin will be happy there, don't buy any more." Puna niya kaya wala na akong nagawa kasi umalis na siya eh.
Sinundan ko naman siya hanggang sa mapunta kami sa isang stall. Tumingin siya sakin at sumenyas na bibili siya nun kaya tumango nalang ako. I feel weird now. It seems like it happened to me before that someone would let me buy food. Ewan ko! Nakakainis na feeling.
Habang umoorder naman siya, napapansin kong lahat ng babaeng nakain dito sa stall na to nakatingin sa kanya. Aba! Aaminin ko naman talagang gwapo siya at agaw pansin ang buhok niyang kulay pink.
"Uy, sino yung guy na pink ang buhok?"
"Shet! Ang gwapo niya, girl!"
"May girlfriend na kaya siya?"
Nairita naman ako sa lahat ng nagpaparinig. Eh ano naman kung gwapo? Pakamatay ka, ate? Wala! Wala yang girlfriend. Lakad! Sulutin mo.
"What's with that face?" Tanong agad ni Chase ng makarating siya dito sa inuupuan ko. Hindi ko siya pinansin sa halip tumingin ako din sa mga babae na ngayo'y nakangiting parang tanga habang nakatingin kay Chase.
"Tss, mga tanga!"
"What's your problem?" Tanong niya.
Inirapan ko naman siya at padabog na kinuha ang burger na inorder niya. Nakasimangot ko itong kinagat at palihim na tumingin dun sa mga babaeng hanggang ngayon nakatingin kay Chase. Napansin ko naman na napatingin din si Chase dun dahilan para magkiligan ang mga babae at maraan pang kumaway kay Chase pero itong isa sa halip na pansinin ay tumingin pa sakin ng takang tingin.
"Kawayan mo din, nakakainis pag may nanonood sayo eh." Sabi ko at inirapan siya pero hindi nakaligtas ang ngisi niyang aso tsaka tumayo at pumunta sa mga babaeng tanga!
Tama! Dyan ka! Dyan ka sa mga higad na yan! Bwisit!
"Oh bat ang bilis mo?" Pagsusungit ko.
"Why can't I be fast?" Nakangising tanong niya.
"Dapat nagtagal ka dun. Kireng kire yung mga yun sayo eh." Sabi ko at tumingin dun mga babae na nakatingin na ng masama sakin. Susugurin ko sana kaso pinigilan ako ni Chase.
Epal! Sasama ako ng tingin, dukutin ko mga mata nila.
Hinatid naman ako ni Chase sa bahay namin at gaya noon, nagpasalamat ako at bago ko makalimutan, binigay ko sa kanya ang binili ko kanina. Halata naman siyang nagulat, lalo na ako.
"Take that, I also don't know why I will give it to you but because, the strength of my feeling is that minions has something to do with you."
YOU ARE READING
UNTIL OUR STARS COLLIDE AGAIN
Fiksi PenggemarWhat will happen if the four boys fall in love with the same girl? Stars that can't collide anymore and the only way to collide it again is to wait. Wait until your love comes back again. "No new, still you." - Eiram.